IX

1.9K 75 27
                                    

Chapter 9
#OTOSwp

Dumating na ang week na pinaka-ayaw ko sa lahat.

Exams week.

Bukod sa puro aral ang ginagawa ko, wala rin kaming training. May rule kasi sa SHU na kapag exams week, wala dapat gawain sa extracurricular activities and so walang training.

Doon na nga lang ako na-e-excite  everyday tapos wala pa this week. Siguro okay na rin para hindi ako masyadong pagod sa buhay ko.

Fr: Renzo (org presi)
Exam week niyo pala?

Renzo and I have been texting for weeks na rin pero hindi pa kami nagkikita. He never initiated naman and hindi rin naman ako nagmamadali, so hindi ko rin siya inaaya na magkita.

Ma-fe-feel ko naman siguro if it's time na magkita kami or like go on a date. Wala rin namang problema sa akin if ako ang mag-aaya.

To: Renzo (org presi)
Yuh 😭😭😭

Pagka-reply ko sa kaniya ay inayos ko na ang gamit ko kasi hindi ako dito sa boarding house mag-aaral. Mostly SHU students naman ang nandito so pare-pareho kaming may exam, kaya lang hindi pa rin maiiwasan ang istorbo kapag nandito kaya hindi ako dito nag-aaral kapag exams. Hindi kasi ako gaano nakakapag-aral nang matagalan sa kwarto ko e kapag lumabas ako sa common area ng boarding house, na-di-distract din ako.

Malapit lang naman dito 'yung coffee shop na madalas kong tambayan kapag kailangan ko mag-review. Masarap naman ang kape doon, tapos cozy. Hindi na ako nag-s-starbucks kasi for sure marami nang tao roon na hindi ka na rin makakapag-aral unless mag-e-earphones ka talaga.

Pagdating ko sa coffee shop ay inayos ko na ang mga gamit ko sa table bago ako nag-order ng kape at dessert para naman deserve ko ang pagtambay ko rito.

Lagi ngang galing sa coffee shop na 'to ang planner ko maski ang tumbler ko na nakukuha ko every December dahil sa stickers. Siyempre every December ang finals namin for 1st sem kaya ayon, nakakaipon ako ng ilang sticker sa isang linggo lang.

Pagbalik ko sa table ko ay tinignan ko ang phone ko at may reply na si Renzo sa akin.

Fr: Renzo (org presi)
Are you reviewing?

To: Renzo (org presi)
Yeaaah, ikaw? Di niyo pa exams?

Hinintay ko na lang muna ang order ko bago ago mag-start mag-aral para naman mabuhayan ako, medyo inaantok kasi ako. Nakikita ko pa lang ang mga reviewers ko, inaantok na ako.

Fr: Renzo (org presi)
Next week, but I'm studying already.

Napaka-sipag talaga ng isang 'to. Ano kayang feeling na matalino ka na, masipag ka pa mag-aral? Nag-e-enjoy kaya siya kapag nagbabasa siya ng mga lessons niya?

To: Renzo (org presi)
Weh? Bakit ang bilis mo mag-reply hahaha

Kapag busy kasi siya hindi talaga siya mabilis mag-reply, may mga araw na totally hindi niya ako ni-re-replyan pero after that day, sinu-summarize niya ang mga ginawa niya that day at kung bakit hindi siya nakapag-reply.

Bumabawi kumbaga.

Fr: Renzo (org presi)
Probably because I was waiting for the right timing to ask you if you wanted to study together?

Pagkabasa ko ng text na iyon ay saka tinawag ang pangalan ko sa counter, parang iyong boses ni Ateng barista ang bumuhay sa akin dahil napatulala talaga ako sa nabasa ko.

Totoo ba?

I never experienced to have a study date with my exes. Kapag kasi may exams hindi nila talaga ako ginugulo, ayaw rin naman nila ako sabayan mag-aral at ayaw rin nila akong samahan since tutunganga lang naman sila sa harap ko.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon