XIV

1.5K 61 9
                                    

Chapter 14
#OTOSwp

We're having lunch sa may bench sa may ilalim ng puno somewhere sa open space malapit sa parking ng mga bus.

Actually, medyo uncomfortable ako while eating with some of the org members. Ramdam mo naman siguro kapag hindi ka gusto ng isang tao, I mean hindi ko naman sila pinipilit magustuhan ako. I'm here for one time lang naman, depende if naimbitahan ulit pero that's not the point. I wasn't here for them and for the long run pero medyo nakakawalang gana ang vibes ng ibang ka-org member nila Renzo.

"Zoe, how's preparation for PCAA season?" Sir Gerry asked.

I appreciate the gesture na somehow sinasali ako ni Sir Gerry sa conversation, kanina pa kasi sila nag-uusap about sa mga bagay na hindi ako maka-relate pero ayos lang kasi hindi naman ako na-o-OP, kanina pa rin kasi ako dinadaldal ni Teigan. Wala yata 'tong pake sa mga pinag-uusapan ng mga ka-org niya.

Lahat na lang pinapansin nito, kesyo hindi raw maanghang 'yung sili no'ng sawsawan tapos nakakahirin daw 'yung kanin, kanina pa naman kuha nang kuha.

"Okay naman po so far, we're preparing a lot," sagot ko not minding those judgemental eyes from some of the org members. Masasanay ka na lang rin kasi mula kanina sa bus hanggang sa pagtatanim hanggang sa dito hindi na ako nakatakas pa sa ganiyang tingin nila. I wonder ano pa rin ba ang iniisip nila sa akin knowing na I'm in good terms with both Teigan and Renzo. Kung pinagsasabay ko silang dalawa edi sana kanina pa nag-away 'yan o kaya kanina pa nila ako inaway o kinompronta.

"You think mababawi niyo ang title?" pabirong sabi ni Sir Gerry.

"Of course, Sir," pabirong sagot ko rin kaya natawa lalo si Sir Gerry.

"Siyempre magaling nagtuturo sa 'yo tuwing Sabado," bulong no'ng isa dito na hindi ko na pinansin. Totoo naman 'yon pero 'wag na lang natin aminin nang maririnig niya pa.

"That's a good mindset, good luck." I smiled at Sir Gerry, he's so nice to me. Nakaka-touch.

After lunch, nag stand-by lang kami for 30 minutes tapos nag-start na rin 'yung clean up drive.

Si Teigan pa rin ang kasama ko no'ng naglilinis. Renzo was with some locals na naglilinis din kahit na sabi namin kami na lang muna so they can rest pero ayon.

Around 3:30 p.m. natapos kami sa clean up drive tapos binigyan lang kami ng time to fix ourselves before leaving the area.

Dalawang cubicle ng C.R. lang ang mayroon dito kaya mabilis lang ako doon, nag-punas lang ako ng likod tapos nag-palit lang ako ng damit then lumabas na rin ako. May mga poso around the area kaya nagpunta na lang ako doon since ang kailangan ko na lang gawin ay maghilamos at mag hugas ng paa kasi may mga buhangin pa sa paa ko, kakalat pa sa bus kung hindi ko huhugasan.

Nang makarating ako sa may poso, nilagay ko ang toiletries ko sa parang bato na malapit doon. I'm standing there figuring out paano ko i-pu-pump 'yon habng naghihilamos, luckily Teigan was about to pass by kaya tinawag ko siya para utusan na ipag-pump ako no'ng poso.

"Aba siya, dadaan na lang nautusan pa," reklamo niya agad pero ayon nakatayo na sa likod ng poso kung saan pinu-pump iyon.

Reklamo muna bago sunod talaga 'to e.

Sinimulan na niya ang pag-pu-pump kaya nagsimula na ako maghilamos. Pagkatapos ko ay nagpunas na ako sa face towel na nakasabit sa balikat ko. Inaayos ko na ang mga toiletries sa pouch nang hilahin ako ni Teigan papunta sa likod no'ng poso.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon