XIX

1.5K 70 32
                                    

Chapter 19
#OTOSwp

Tinanggal ko ang sapatos ni Teigan at ang medyas niya bago nilagay sa hamper. Kumuha na rin ako ng extra na hamper na nasa ilalim ng study table niya na wala namang laman at kinuha ang mga damit na nasa labas.

Alam ko dapat hindi ko na 'to ginagawa dahil ayoko rin mangielam ng gamit pero wala naman akong kukunin ilalagay ko lang sa isang lalagyan, hindi ko kasi matiis na iwanan na ganito 'yung unit kahit na sila naman ang nakatira at hindi naman ako.

Hinugasan ko na rin pati ang mga pinagkainan na nasa lababo at inipon sa isang tabi lahat ng bote ng gatorade at mineral water. Pwede pa 'yon ma-recycle e.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig pagkatapos ko ayusin nang kaunti ang unit nila. Bumalik ako dala dala iyon sa kwarto ni Teigan. "Teigan," pagtawag ko. Unti-onti niyang minulat ang mata niya, namumungay pa rin ang mga mata niya nang mapatingin sa akin. Lasing pa rin yata o kaya hilo.

"Inom kang tubig bago ka matulog." Sa totoo lang hindi ko alam ano bang mabisang pantanggal ng hangover. Hindi naman ako expert pagdating sa mga ganoong bagay dahil hindi naman nga ako palainom. Kapag may hangover ako, kumakain lang ako ng pares tapos iinom ng tubig tapos aantayin ko na lang na mawala.

Tinulungan ko siya bumangon. "Nasusuka ka pa ba?" Simula kasi nang dumating kami dito hindi naman na siya nagsabi na nasusuka siya.

Ang alam ko mas okay naman yata kapag isinuka mo 'yung mga nainom mo para gumaan ang pakiramdam mo kahit papaano.

Umiling siya at kinuha ang baso mula sa akin. Ininom niya iyon agad-agad. Kitang-kita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya dahil doon.

Nagpaalam akong kukuhaan ko siya ng t-shirt sa cabinet niya at tumango lang naman siya, nanf makakuha ay ibinigay ko sa kaniya iyon. "Magpalit ka ng damit tapos kapag hindi ka na hilo, mag-toothbrush ka na at maghilamos bago ka matulog." Paalala ko. Kahit lasing ka dapat naman siguro maglinis ka pa rin bago ka matulog, kapag lasing kami ni Qiana noon nag-si-skin care pa si gaga tapos ako naghihilamos lang dahil antok na antok na ako.


"Zoella," pagtawag niya sa akin. Kinuha ko ang walang laman na baso sa kamay niya at tinanong siya kung ano 'yon.

"Kuha mo 'yung hoodie na blue," utos niya na parang bata at ngumuso pa para ituro ang hoodie na blue na tinutukoy niya.

Pinatong ko sa coaster na nasa study table niya ang baso bago ako pumunta sa cabinet niya para kuhain ang hoodie na blue na tinutukoy niya.

University hoodie pala iyon ng RVU.

Inabot ko sa kaniya dahil 'yon ata ang trip niya isuot. "Uwi na ako ah," paalam ko.

"'Yung kalat sa labas, pinagsama-sama ko lang baka kasi hanapin n'yo," pagbibilin ko. Sabihin pa e nagkawalaan ng gamit no'ng pumunta ako dito sa unit nila.

Paalis na ako nang iabot niya ang hoodie sa akin. "Ano? Isusuot ko sa 'yo?" Nakapikit na ang nga mata niya pero sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Mukha talaga siyang lasing. Gusto ko sana siyang picturan kaya lang baka biglang dumilat.

"Isuot mo bago ka umuwi," utos niya ulit. Bakit ba ako dinidiktahan nitong isang 'to kanina pa.

"Bakit? Akala ko ikaw magsusuot?" Umiling naman siya while his lips are pursed.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon