XXI

1.6K 60 13
                                    

Chapter 21
#OTOSwp

Zoella's Plant

Bumungad ang delivery ng halaman sa pintuan ko one day before my first game na may nakatusok na label na ganoon. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko iyon, walang sinabi si Teigan sa akin na bibilhin niya talaga para sa akin pero nang dumating ang halaman, bayad na.

Wala naman sigurong ibang magbibigay ng halaman sa akin, siya lang naman may alam na gusto ko dahil siya rin naman ang naka-impluwensiya sa akin talaga.

Parehong-pareho no'ng label ng halaman niya ang label sa dumating na halaman sa akin. Ang cute talaga. Sana hindi siya mamatay, feeling ko malulungkot talaga ako kapag namatay 'to sa pangangalaga ko. Baka bigla akong umuwi ng Bataan para lang ipabuhay kay Mama ang halaman na 'to.

Magaling kasi si Mama sa mga halaman, minsan akala namin mamamatay na pero biglang isang araw makikita na lang namin na may bagong tubo na ulit. Sa bahay namin sa bataan, maraming tanim si Mama sa bakuran. Doon na lang nga siya kumukuha ng sili, calamansi, malunggay, talong tsaka ampalaya.

May mga iba't ibang bulaklak rin sa harap ng bahay namin gaya ng roses na ang tagal bago namulaklak pero ang lago na no'ng huli akong umuwi. No'ng nasa Bataan ako, wala akong balak na mag-alaga ng halaman kasi ang dami nang halaman sa bahay e. Mayroon lang akong cactus na nakalagay malapit sa bintana ko na hindi ko na alam anong nangyari doon ngayon, baka inaalagan na rin naman ni Mama.

Tinabi ko ang care instructions card na kasama no'ng halaman. Hinanapan ko agad siya ng pwesto sa bahay. Actually, matagal ko na iniisip saan ako maglalagay ng halaman dito sa unit ko dahil balak ko talaga tsaka sobrang natuwa ako no'ng naghahanap kami ni Teigan ng pwede para sa akin, pero dahil hindi ko pa naman alam gaano ba kalaki o at kalago ang mabibili ko ay hindi ko na-finalize kung saan maglalagay.

Malinis na at maayos ang unit ko dahil mag-iisang linggo na rin nang dito na ako umuuwi. May mga ilang gamit na rin akong paunti-onti kong nabili, 'yung iba naman ay padating pa lang kasi sa online ako bumili.

Buti na lang pala at nandito ako ngayon dahil baka walang mag-recieve no'ng halaman. Sabado ngayon at kauuwi ko lang galing school. Nagkita kami kanina ni Teigan pero hindi niya nabanggit na nabili na niya 'yung halaman, baka nahihiya.

Niloloko ko lang naman talaga siya noon, hindi ko rin akalain na reregaluhan niya ako dahil lang bagong lipat ako pero legit ang tuwa ko nang matanggap iyon mula sa kaniya.

Agad akong nagtingin sa online ng nga gamit na pang halaman, akala mo naman talaga plantita na ko e isa pa lang naman ang halaman ko. Pero wala pa kasi akong pandilig doon kaya iyon na lang ang bibilhin ko sa ngayon.

Sobrang timing talaga dumating no'ng regalo ni Teigan kasi nawala ang isip ko sa first game namin bukas this season. Sobrang doble 'yung pressure sa akin ngayon, ganito yata talaga kapag last year mo na talaga mas kinakabahan ka at the same time mas eager ka na ipanalo 'yung nga laro.

First game pa lang pero ayoko makampante, 'di minsan maganda ang gano'ng pakiramdam. Hindi porket pasok kami sa finals for 3 consecutive years na ay ibig sabihin sure na makakapasok na kami ngayon. Anytime pwedeng malaglag kami, at hindi namin alam kung ang laro ba na nilalaro namin ay huli na pala para sa amin.

I placed the plant beside the mirror na malapit sa may bintana, ang sabi kasi kailangan niya ng direct sunlight from time to time. Ang ganda-ganda niya roon.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon