XXIII

1.6K 94 101
                                    

Chapter 23
#OTOSwp

"Meron nga ako, kunin ko sa unit ko," pagpupumilit ni Qin sa akin. Napagpasiyahan ko kasi na mag-white na lang ng damit mamaya sa game ng RVU at SU kaya lang ayaw pumayag nitong isa at sabi mag-blue raw ako.

"Blue at white naman kulay ng RVU ah!" pangongontra ko rin sa gusto niya. Ewan ko ba dito, manonood lang naman ako. Hindi naman ako cheerleader doon para tama ang kulay ng suot ko. Tsaka duh, loyal ako sa SHU kung hindi lang nakakahiya, mag-g-green ako e kaya lang mamaya ma-post pa ako sa internet.

Sa huli pinabyaan niya na lang ako kasi suot ko na. Sa side din naman ako ng RVU uupo, hindi pa ba 'yon sapat na support?

"Hindi ka ba talaga sasama sa akin?" Pwede ko naman siya bilhan ng ticket since isa lang binigay ni Teigan, pero no'ng inaya ko siya ayaw niya.

"Ayoko, may gagawin pa ako." Nangunot ang noo ko. Anong kayang gagawin nito? May pinapagawa ba sa amin na hindi ko alam? Busy ba ako masyado sa PCAA games na hindi ko na alam ganap sa subjects ko?

Pero parang wala naman.

Kapag PCAA season kasi natutunan ko na ang i-note lahat ng kailangan kong gawin sa phone ko, tapos naka-wallpaper pa. Mabait din 'yung beadle namin kaya sinesend niya ulit ang mga gagawin kapag may nadagdag nanaman knowing na may ibang mga wala sa klase dahil may mga laro kaya feeling ko walang kaugnayan sa course namin ang inaatupag nito e.

"May hindi ka sinasabi sa akin." Nakahalukipkip akong tumayo sa tapat niya habang prente siyang nakaupo sa sofa ko.

Agad naman kumunot ang noo niya at tinagilid ang ulo niya na para bang napapaisip sa sinabi ko. "Alin doon? Marami akong hindi sinasabi sa 'yo gaya ng anong ulam ko kagabi," pilosopong sabi niya.

"Sinong inuulam mo lately?" Agad niya akong sinipa dahil sa naging tanong ko kaya tawang-tawa ako. Akala niya ba madadaan niya ako sa pagkapilosopo niyang 'yan. Ako pa talaga ha.

Hindi naman masikreto 'tong si Qiana actually minsan TMI siya, nakasanayan ko na rin. Marami rin akong natutunan sa kaniya bilang Manila girl na siya ever since tapos pasaway pa sa Mama niya, strict kasi sa kaniya kaya ang weird kapag ganitong parang may tinatago siya, mas lalo kasi akong nacu-curious since ayaw niyang sabihin dahil nga lahat naman sinasabi niya.

"Bastos mo! Alis ka na nga." Wow ha ako pa talaga pinapaalis niya sa sarili kong unit. 

"Sige alis na ako, mamaya ka ulit sa 'kin." Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya sabihin pero ang sarap lang niya kasing asarin kasi parang ito 'yung unang beses na may ayaw siyang sabihin samantalang dati nagtataka na ako kung bakit kailangan niya pang sabihin 'yung ibang bagay.

Sinabayan na niya ako paalis since wala naman na siyang ibang gagawin sa unit ko kung wala naman ako dito pwera na lang kung mabait siya at magvo-volunteer na maglinis.

Iba ang venue ng games ngayon hindi katulad no'ng venue namin kahapon so nag-grab na lang ako papunta doon. Hindi ko rin kasi kabisado papunta sa mga venue since may bus kami kapag may laro kami.

No'ng andoon na ako sa venue, medyo weird pala since may mga tumitingin sa akin. I should've expect this since mostly PCAA fans naman ang pumupunta sa ganito.

Matagal na humupa ang dating issue namin ni Teigan, narealize nila na naglalaro lang talaga kami no'ng nakita kami sa RVU kasama si Rider, ang sabi pa sa article they are very good volleyball buddies na dapat matagal na nilang narealize.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon