X

1.8K 74 23
                                    

Chapter 10
#OTOSwp

Mas pagod pa yata ako tuwing exams week kaysa sa pinagsama-samang weeks na everyday training ng volleyball. Kating-kati na ako matapos ang linggo na 'to.

Gusto ko na maglaro.

'Yung see you when I see you ni Renzo ay nangyari lang din kahapon. Buong exams week ko yata ay sasamahan niya ako mag-aral, hindi rin naman ako nag-rereklamo.

Nakakamotivate naman kapag kasama mo siyang nag-aaral. Parang gusto mo rin sipagin kahit minsan napapatulala ako sa kaniya.

Sabi niya sasamahan niya raw ako ulit today, after class niya pupuntahan niya raw ako ulit doon sa Cafe Almira.

In fairness, mas bearable naman 'yung exams week dahil kay Renzo. Feeling ko talaga if ever man magkaroon ng something sa amin, sure ako na ako ang naunang ma-fa-fall.

I swear nakakarupok siya, ang kumportable niya kasama, alam mo 'yung feeling na hindi ko kailangan ma-concscious sa kaniya. Tapos kahit kumportable kami, ramdam na ramdam pa rin ang respeto.

Isa pa 'yon talaga sa likeable traits niya, I mean basic decency naman na ang rumespeto ng tao pero iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag ramdam na ramdam mong nay respeto sa 'yo ang tao.

Lahat ng energy na nakuha ko sa pagkain kaninang umaga ay naubos dahil sa exam ko ngayong araw. Pagod na pagod ako nang ipasa ko na anag test paper ko. Tatlong exam na ang maximum na meron ako sa isang araw pero parang inaalila pa rin ako. Samantalang noong high school lima pa sa isang araw tapos ipagsisiksikan lahat ng subject sa tatlong araw pero hindi naman gaano nakakapagod, pero hindi ko rin naman sinasabi na mataas nakukuha ko.

Pero ayon na nga, hindi siya nakakapagod.

"Uwi ka na?" tanong ni Qin nang sabay kaming lumabas ng room. May mga nag-eexam pa sa classroom pero buti na lang ay hinayaan na lumabas ang mga tapos na. Sayang din naman kasi ang oras.

"Hindi pa, mag-aaral pa ako," sagot ko.

"Sabihan kita kapag meron na bakante sa apartment building ko para lumipat ka na." Matagal na sinasabi ni Qin na mag-apartment na lang ako kaya lang namamahalan kasi ako doon sa iba lalo na siyempre malapit sa mga school kaya talagang mahal.

Gusto ko nga sana doon sa apartment niya kasi sabi naman niya mahal lang ng kaunti sa tinutuluyan ko, kaya lang since mas mura, occupied na tuloy lahat.

"Sabagay may two years pa naman tayo sa dentistry," tatango-tangong sabi ko habang pinag-iisipan ang paglipat ko kung sakali.

May dalawang taon ba bago talaga matapos ako sa dentistry pero sa totoo lang hindi ko pa alam anong plano ko after ko grumaduate. Itutuloy ko ba ang dentist career path? Mag-try na ba ako for professional volleyball? Mag-e-enroll pa ba ulit ako sa graduate program para sa specialized skills?

Hindi ko rin alam.

"Basta sabihan kita para magkapitbahay tayo." Tumango ako sa kaniya bago kami naghiwalay ng daan.

Malalim ang iniisip ko habang palabas ako ng school, nang makalabas na ako ay naramdaman ko na may sumabay sa akin sa paglalakad.

Pag-angat ko ng tingin, nginitian ako ni Renzo kaya nangiti na rin tuloy ako. "Bakit nandito ka?" Usapan kasi namin magkikita kami sa Cafe Almira na, hindi naman sa hindi ako natutuwa na andito siya, nagulat lang talaga ako.

"On the way kasi sa Cafe Almira 'tong SHU, so why not sunduin na kita para sabay na tayo." He flashed a smile kaya naman lumitaw nanaman ang perfect na ngipin niya.

Sino kaya dentist niya?

As usual habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep, ang daming mga Helenians na nakatingin sa amin. Auto focus yata talaga mga mata nila kapag nakikita nila akong may kasama o baka naman nakatingin sila dahil ang gwapo ni Renzo.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon