VII

2K 84 16
                                    

Chapter 7
#OTOSwp

Lorenzo Trajales.

Finally, nahanap na ni Qin si Renzo. Mayroong post noong nag-conduct sila ng research sa isang forest, kung kaya pa ba no'n i-hold or i-cater ang ilang species ng animals.

Ang dami kasing nagpu-putol ng puno roon, mga illegal loggers ba. Hindi pinapalitan.

And ayon may picture sila and naka-mention sa caption si Renzo.

Private ang facebook account niya but viewable ang profile picture. Picture niya lang iyon sa beach, naka-tropical print polo and khaki shorts tapos shades.

Since naka-shades siya hindi ko naman gaano makita ang talagang itsura niya. Pero I can say gwapo siya. Sa mga pictures niya rin naman kasi sa page ng org nila, ang gwapo niya.

Matalino vibes ang dating niya.

Willing ako magtanim ng maraming puno para kay mother earth at para sa kaniya.

Habang tina-try ko hanapin ang IG niya biglang may nag-text sa akin. Akala naming dalawa ni Qin si Renzo na pero nang tignan ko, si Teigan lang pala na nagtatanong nanaman kung ni-reply-an na ako ng tropa niya.

To: Teigan Herrera
Hindi.

Naiisip ko na baka hindi lang talaga ako type no'n. Siguro chi-neck niya rin ako kagaya ng paghahanap namin ng fb at twitter niya bago siya mag-decide if i-te-text niya ako o hindi.

Fr: Teigan Herrera
May meeting kami ng org mamaya, gusto mo sabihan ko?

In fairness naman dito sa nag-re-reto sa akin ah, mukhang boto naman yata 'to sa akin para sa kaibigan niya.

To: Teigan Herrera
Lowkey lang ah! Tanong mo kung nag-text na ba ako gano'n.

Kasi kung alam niyang nag-text na ako at hindi pa rin siya nag-re-reply ay baka hindi niya talaga ako bet. Mas okay na rin naman na malaman ko agad, at least hindi na ako mag-aantay ng text niya.

Fr: Teigan Herrera
Gegege

"Ano nag-reply na?" tanong ni Qin kaya naman umiling ako at pinatay ang phone ko bago nilagay sa bag. "Si Teigan lang pala," sabi ko sa kaniya.

"Baka ganiyan talaga kapag like mga president ng org? Busy ganern?" kumento ni Qin. Nagkibit-balikat na lang ako dahil baka nga, pero baka hindi rin.

Saturday came at nasa bleachers kami ni Teigan. Andito pa rin kami sa open court ng SHU, ayaw niya kasi na ako ang papuntahin sa RVU, ewan ko ba dito.

Ayaw siguro makita na kasama ako, hindi ko rin naman siya masisi kung ganoon talaga ang dahilan niya, kaya lang feeling ko umaabot pa rin naman sa RVU na nakikita siya dito sa SHU na kasama ako e.

Umiinom siya sa tumbler niyang color white nang tanungin ko siya about Renzo. "Nakita raw ni Renzo text ko?" Naka-isang oras na kami maglaro kaya naman nagpapahinga na kaming dalawa.

"Hindi, pero sabi niya titignan niya raw." Tumango-tango lang ako kaya napatingin naman siya sa akin.

"Sabi niya mag-re-reply daw siya, hindi pa rin ba?" Umiling ako.

Kinuha ko ang bola at ti-noss iyon pataas habang naka-upo lang kami sa bleachers. "Sabihan ko." Umiling ako sa kaniya. Ayoko naman kulitin nang kulitin 'yong isa dahil mukhang busy talaga.

Tsaka malay ko kasi feel niya nag-reply na siya pero sa isip lang pala 'yon. Gano'n kasi ako minsan.

"Suko ka na?" nang-aasar na tanong ni Teigan. Kaya sinamaan ko siya nang tingin pagkatapos kong saluhin ang bola na kaka-toss ko lang.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon