XV

1.6K 59 47
                                    

Chapter 15
#OTOSwp

After isa't kalahating oras halos na paglalaro kasama ang dalawang RVians na 'to ay sa wakas nagpahinga na kami.

In fairness ha, pagod na pagod ako sa pakikipaglaro sa kanila, parang never pa ako napagod nang ganito sa training ko sa SHU. Siguro dala na rin na mag-isa lang ako tapos parehong mamaw maglaro ang mga kalaro ko.

Sa mga napanood kong games ng RVU nitong mga nakaraang taon, hindi ko nakita halos si Rider na humampas ng bola, bilang lang sa kamay pero dahil dalawa lang sila ni Teigan, nakita ko kung paano talaga.

Magaling rin siya mag-spike, sa totoo lang. Nabigla ako kanina no'ng bigla niya akong pinaluan ng bola, akala ko sakto lang, hindi pala.

Sabi ko nga e, kasalanan ko rin masyado kong ina-underestimate ang mga lalaking 'to.

Qiana Figueroa: May grades na

Qiana Figueroa: alam ko namang di mo nanaman makikita yung sa gc hahaha

OA na kung OA pero halos mabuga ko ang gatorade na iniinom ko nang mabasa ang chat ni Qiana sa akin. Ewan ko pero napatingin talaga ako sa langit bago nagmakaawa kay Lord para sa grades ko.

Hindi ko talaga afford ang mababang grade. Dati kasi ayos na sa akin na pumapasa lang ako, wala namang problema basta hindi ako uulit pero nang dahil sa volleyball, hindi ko talaga kayang bumaba sa 1.75 ang grades ko.

Tipong feeling ko ikamamatay ko, gano'ng levels.

Isipin mo ba naman, last year ko na tapos hindi ako makakapaglaro dahil lang bagsak ako o hindi ako umabot sa grade requirement! Saksakin niyo na lang ako.

"Ayos ka lang?" tanong ni Rider sa akin kaya napatingin na rin si Teigan sa akin na nakaupo sa mas mababang step sa bleachers habang nakapatong ang dalawang siko sa mas mataas na step kung saan ako nakaupo.

"Ah ewan labas na kasi grades namin." Tumango si Rider pero si Teigan nanatili ang tingin sa akin.

Mamaya ko na lang siguro titignan kapag nasa bahay na ako, mamaya maiyak pa ako sa harap nitong dalawa. Though, never ko pa naman iniyakan ang grades ko kahit na hindi ako katalinuhan maybe because tanggap ko na hindi ako katalinuhan nga kaya hindi na ako nag-e-expect ng kung anong grade.

"Gusto mo tignan ko?" alok ni Rider. Napatingin ako sa kaniya, curious na rin naman ako sa grade ko e kaya lang kinakabahan ako. Napaisip ako bago ako pumayag, bahala na mas matagal kong hindi nakikita, mas matagal akong kakabahan at mag-o-overthink.

Binuksan ko ang portal ko bago inabot sa kaniya. "Click mo lang 'yung tab na grades sa taas." Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay tumayo si Teigan at tumabi kay Rider na hawak na ang phone ko. Tumayo tuloy ako at hinila siya paalis sa tabi ni Rider kaya lang ay hindi natitinag.

"Bakit? Patingin lang e!" Tawang-tawa siya habang nakahawak ako sa kamay niya para hilahin siya. Kahit anong hila ko sa kaniya hindi man lang siya nauusog kahit konti man lang. Ayokong makita niya kasi aasarin lang niya ako o baka magalit siya na naglaro pa kami ng ilang Sabado hindi rin naman pala ako makakapaglaro sa PCAA dahil sa grades ko. Kaya nga kay Rider ko pinatignan e, para no judgement.

"Ano ba mataas sa inyo? Tres o uno?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Rider. Katapusan ko na kapag may nakita siyang tres diyan!

Never pa naman ako nakakuha ng tres kahit no'ng hindi pa ako part ng volleyball team pero malay ko ba, hindi naman imposible 'yon.

"Uno," nag-aalangan kong sagot habang tinitignan ang ekspresiyon sa mukha nilang dalawa ni Teigan habang nakatutok sa phone ko.

May zi-noom pa si Rider doon kaya alam kong tinitignan na nila. Binalik ni Rider sa akin ang phone ko nang patalikod. "Gusto mo ice pop ulit?" alok ni Teigan kaya nanlumo ako. Ice pop binigay niya sa akin no'ng natalo kami sa practice game laban sa lady owl nila e.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon