XXIX

1.7K 73 49
                                    

Chapter 29
#OTOSwp

Pinipigilan ko ang tawa ko dahil seryoso si Teigan ngayon, pero natatawa talaga ako kasi ngayon ko lang talaga siya nakitang kinakabahan. Lagi siyang confident, sa volleyball man o sa school works maski sa org tsaka sa mga simpleng recommendations niya confident siya.

Hindi ko akalain na kinakabahan pa rin pala talaga siya. "Pigilan mo, Zoella." Suway niya sa akin nang sumisilay na ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kaniya.

Kanina pa siya nagbe-breathing exercise, sabi niya pa sa akin na ganito raw ang kaba niya no'ng nag-try out siya sa RVU tapos no'ng senior high lang siya nag-aral magvolleyball nang seryoso kaya akala niya magkakalat daw siya.

Pero mukhang natural lang si Teigan e, kumbaga talented talaga. Mas matagal na akong naglalaro kaysa sa kaniya pero ang galing na niya at ang dami kong natutuhan sa kaniya.

Ang cute makita siyang kinakabahan.

Pagkatapos niya magjogging kaninang umaga dumiretso agad siya rito para sabihin na kinakabahan siya kaya ang aga ko rin tuloy nagising dahil sa katok niya.

"Manonood ka ba?" Lagi niyang tanong sa akin e lagi naman talaga akong nanonood ng laro niya. Sana nga sumama ulit si Qin, mas masaya kasi kapag may nahahampas ako sa tuwa kaya lang nanghahampas pabalik e.

"Palagi naman ah, mag-bu-blue ako," sabi ko para kahit papaano ay mawala 'yung pagka-tensed niya.

Naka-blue naman ako last game niya laban sa Sierra, suot ko kaya 'yung hoodie niya. Medyo nahiya pa ako no'ng una kasi nga player ako ng SHU tapos na-spotan ako na nakasuot ng RVU hoodie. Nakita pa ni Coach Rick 'yung picture pero wala naman siyang sinabi, kaya lang parang mas nakakatakot na wala siyang sinabi. Nakalipas na ilang araw wala pa rin siyang sinasabi tungkol doon kaya naisip ko baka okay lang naman sa kaniya as long as hindi laban sa SHU 'yung laro.


Sira ulo kasi 'yon sila Ceres, pinagkaguluhan 'yung picture habang nasa gym kaya sinilip ni Coach anong pinagkakaguluhan nila tapos ayon nakita tuloy ang kaharutan ko.

Bumili na tuloy ako ng navy blue na damit doon sa ka-team kong nagbebenta ng mga damit, halatang-halata ko pa ang mapanuring tingin niya sa akin nang sabi ko kukunin ko na 'yung blue.

"Hindi mo na susuotin 'yung hoodie?" Umiling ako pero hiningi ko na rin naman sa kaniya 'yon at pumayag siya. Sabi niya pa, akin naman na raw talaga 'yon.

Pagkagraduate ko na lang saka ko ulit susuotin sa mga game niya, weird kasi ngayon talaga tsaka ayoko na makita ulit ni Coach Rick sabihin niya hindi na ako loyal sa SHU ngayon baka hindi ako isama sa mga team dinner no'n.

"Paano pa kaya kung 'yung isa sinuot mo?" Pagtukoy niya sa letterman jacket na mga player lang ang mayroon tapos may apelyido pa niya sa likod.

Ewan ko na talaga ano mangyari kapag 'yon isuot ko.

"Baka magkaroon ng article na Zoe Santiaguel, saan kumukuha ng kapal ng mukha?" Tawang-tawa naman 'tong katabi ko. Parang kanina lang matatae na 'to sa kaba e.

Ayos na rin na tinatawanan niya palagi kapag sarili ko ang inaasar ko kaysa sa kanina na namumutla na siya sa kaba. Sige na, okrayin ko na lang sarili ko para kumalma siya kahit na na-cu-cutan ako sa kaniya kapag kabado siya.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon