Epilogue I

2.6K 75 81
                                    

Epilogue Part 1
#OTOSLastSpike

"Sa RVU? Akala ko ba sa West Hill?" tanong ni Ate Tati sa akin nang mabanggit ko na balak ko na mag-enroll sa RVU.

Ang plano naman talaga sa West Hill, iyon ang plano ko, ni Gian at ni Eric pero wala na ang plano na 'yon, simula nang iwan kami ni Gianni kung kailan kailangan namin siya.

Alam ko tumuloy pa rin si Gian sa West Hill, pero wala akong balak samahan siya roon. Bahala siya mag-isa niya tutal doon naman siya magaling.

"Mas maganda vetmed sa RVU, na-search ko." Hindi naman 'yon kasinungalingan, hindi ko rin naman kaya magsinungaling sa ate ko kaya totoo lagi sinasabi ko sa kaniya.

Laging totoo sinasabi ko sa kaniya pero hindi lahat ng detalye sinasabi ko, kagaya ngayon. Hindi ko sinabi na ayaw ko sa West Hill kasi andoon si Gian at hindi ko matatalo si Gian kung nasa same kaming school.

Ayon ang bagong plano, talunin si Gian.

Hindi ko nga lang alam kung makakapasok ba ako sa volleyball team ng RVU, kailan lang naman ako natuto mag-volleyball at mas lalong hindi ko alam kung kaya ko bang talunin si Gian, 'yung mundo yata no'n umiikot sa pesteng laro na 'yan.

"Ah okay, kailangan mo ba ng kasama? Samahan kita?" Umiling ako dahil sobrang busy kaya ng ate ko lalo na kasi mag the-thesis na siya kaya super busy niya nitong bakasyon kasi nag-iipon siya para maganda ang production. Film student kasi siya.

"Kaya ko na 'yon, 'pag kailangan ko ng kasama si Mama na lang." Hindi naman ilegal magsama ng magulang kapag college na e kaya walang pakielamanan kung dala ko mama't papa ko kapag nag-enroll ako.

"Maghahanap ka pa pala ng titirahan mo."

"Sa dorm na lang ako." May dorm naman sa RVU e, 'di naman ako maarte basta may matulugan lang.

Wala ng atrasan 'to.

Nakapag-enroll na ako sa RVU sa kursong vetmed. Mahilig lang kasi talaga ako sa aso, ayon lang ang dahilan ko.

Alam ko naman na hindi umiikot sa aso ang veterinary medicine pero ayon lang talaga dahilan ko. Baka naman sooner or later ma-enjoy ko rin ang ibang mga hayop.

"Dorm? So hindi mo dadalhin sila Rocky?" tanong niya kaya umiling ako. Gusto ko sana na isama ang mga aso ko kaso alam ko na mostly sa mga dorm at apartment hindi pwede magdala ng pets unless na mag-condo ako pero hindi ko naman kailangan ng condo, kaialangan ko lang matiwasay na tutuluyan.

Nagpasama ako kay Mama sa RVU para mag-enroll, sa totoo niyan tinatamad kasi ako magdrive kaya nagpasama ako kay Mama pero hindi rin naman niya ako sinamahan. As in binaba niya lang ako sa may RVU tapos umalis na siya para magmall, i-text ko na lang daw siya kapag tapos na ako.

Napakabait na ina talaga.

Naging okay naman ang lahat ng proseso ng paglipat ko ng school. Mula sa titirahan, course, subject, at schedule.

Hanggang sa pasukan na.

Okay naman medyo hectic lang kahit freshmen pa lang. Iba yata talaga hangin sa kolehiyo, parang bihira lang talaga 'yung talagang nakakapagpahinga ka.

Wala pa ako masyadong major subjects pero sa totoo lang wala namang pinakaiba ang workload ng minor sa major, minsan mas considerate pa ang major subjects kung ako ang tatanungin.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon