ZION
"Nakikinig ka ba Zion? Ilang araw nalang at magiging Special Unit ka na at ngayon ka pa mawawala sa sarili?" napatingin ako sa guro namin sa sinabi niya.
"Alam ko guro, manahimik ka kausap ko sa aking isipan ang mahal na reyna." seryoso kong saad at nanahimik naman ito pati ang buong klase.
Mabuti naman at marunong silang makisama, binalik ko ang atensyon ko sa telepathy communication sa reyna.
"Alam kong hindi ka pa kasali sa Special Unit, Zion. Pero ikaw ang tinatawag ng mga elders na dapat kong pagkatiwalaan. Susugurin ang palasyo, pumunta ka rito, hindi mo ako makikita sapagkat pupunta ako sa mundo ng tao at ipapasa ang kapangyarihan ko sa babaeng nagngangalang San---"
Naputol ang communication naman kaya agad akong nagreconnect pero hindi pa rin talaga ako makaconnect kaya napatayo ako at agad na lumabas ng room ng walang paalam saka sumakay sa motor ko at pinaharurut papuntang palasyo.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na may gulo sa palasyon at ang mga Special Unit ay nakikipaglaban, nasa harapan ang hari upang mamuno pero hindi ko makita ang reyna kaya agad akong sumugod papuntang kwarto ng palasyo, kwarto ng reyna at hari at naabutan kong nagriritwal ang reyna.
Magteteleport.
"Ikaw na ang bahala sakaniya, siya ang tagapagligtas ng ating angkan laban sa mga-" hindi na naman nito natapos ang dapat niyang sabibin dahil bigla siyang naglaho at biglang nasira ang pintuan ng kwarto at pumasok ang mga kalaban naming werewolves.
—
SASHA
"Class dismissed, huwag niyong kalimutan ang assignment na binigay ko sainyo."
Inayos ko naman ang gamit ko at naglagay ng hand santizer sa kamay ko at isinukbit sa dalawang balikan ko ang bag ko at lumabas ng room.
Didiretsyo nalang siguro muna ako sa library bago umuwi, para magkaroon ng ideya sa assignment na binigay saamin about sa Mythical Creatures.
Kasama na roon ang mga God at Goddess, werewolves, vampires, witch, etc.
Binilisan ko ang paglalakad papuntang library dahil maggagabi na, at kailangan ko pang magsaliksik.
Pagkarating ko sa library ay tahimik lang katulad ng dati, kadalasan mong makikita rito ay ang mga top student or mas kilala sa tawag na nga nerds.
Pero hindi katulad ng mga typical story na mga pangit sila or hindi kaaya aya ang mga itsura nila dahil bad fashion taste or may makapal na salamin.
Kakaiba ang itsura nila, sila pa nga yung kung titignan mo ay malalakas ang dating at magaganda saka matatalino. Sobrang linis din nilang tignan.
Dumiretsiyo ako sa libruhan at hinanap ang Letter M na section at nagsimulang kumuha ng mga libro na connected sa mga Mythical Creatures.
Matapos ko makakuha ng limang libro ay agad akomg pumunta sa desk ng librarian at pinacheck out ang libro ko. Nagbayad din ako ng rent fee, ibabalik naman yo'n oras na ibalik ko ang libro, pero babawasan kapag hindi maayos ang libro.
"Woah, Ms. Sandugo. It's been awhile since I saw you here in the library." Bati saakin ni Mrs. Clarkson, ang librarian ng school.
Ngumiti naman ako sakaniya, "May assignment e."
Agad niya namang nilista ang mga libro at pinapirma ako atsaka pinicturan, kailangan kasi masiyadong importante ang mga libro rito at para rin maiwasan ang nakawan.
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako sakaniya at pagkalabas ko ay medyo madilim na, hinihintay kaya ako ni kuya?
Niyakap ko ang libro ko at diretsyong naglakad papuntang parking lot ng school at nakita si Kuya Shem na nakasandal sa kotse niya at nagtitipa sa telepono habang may mga babae namang nakapalibot sakaniya at pinipicturan siya, parang mga tanga lang.
BINABASA MO ANG
TUDG: She's An Atrocious
Vampire"Siya? Tangina niyo, sinayang niyo ang oras nating lahat at malalaman kong hindi siya yung mythical vampire?!" "Master-" " 'Wag na 'wag niyo akong pigilan kung papatayin ko ang babaeng yan." Napatigil si Sasha ng sabihin iyon ni Zion sa mismong hara...