CHAPTER FOUR

1 2 0
                                    

SASHA

Naglalakad ako ngayon dala dala ang softdrinks at chichirya mula sa 7/11. Nagutom kase ako ng 11pm at 24hrs ang 7/11 kaya naisipan kong bumili nalang. Hindi naman ako natatakot kasi ilang beses ko na ring nagawa ito, at hindi uso mga kriminal saamin.

At lalong lalo na hindi ako naniniwala sa mga superstitions na mga yan.

"S-Sasha"

Napitigil ako ng marinig ang pangalan ko at napatingin sa pinanggalingan, meron doon sa may sulok na babae na duguan kaya agad ko itong nilapitan kahit na nagtataka kasi alam nito ang pangalan ko.

"Wala na akong o-oras, at hinding hindi ko pwedeng hayaan na makuha nila ang kapangyarihan ko, lumapit ka rito at hawakan ang kamay ko"

May korona siya at itim ang mata niya, nag aalinlangan man ay naisip ko na baka ganun lang talaga yun at hindi naman pwedeng aswang or kung ano siya.

Inabot ko ang kamay niya at bigla siyang lumiwanag at naging abo.

Sisigaw na sana ako ng makarinig ng kaluskos sa malayo. Weird, pero mukhang malayo yun at hindi ko alam kung paano ko yun narinig.

Napatingin ako sa abo at may nakitang box, meron doong timer na para bang mabubuksan lang yun kapag naubos na ang oras.

Kinuha ko iyon at mabilis na umuwi.

Nagulat ako ng isa, dalawa, tatlong hakbang ko lang ay nasa harap na ako ng bahay at naririnig ko ang samu't saring ingay na nanggagaling sa loob.

Pumasok ako at sinigawan silang tumahimik dahil sa ingay nila. Nagtataka sila saaking tumingin.

"Anak, hindi kami nagsisigawan, mahina lang ang boses namin at ni hindi nga namin marinig ang nasa kabilang panig na nagkukwentuhan"

Napapikit naman ako sa inis at ng idilat ko ang mata ako ay may naramdaman ako sa kusina at tinignan iyon, at hindi ko akalain ng kusang magzoom in ang paningin ko na tila bang nazoom sa camera na sobrang linaw, para bang nakita ko ang nasa likod ng mga pader.

What the hell is going on?

"Sasha?"

"Sasha?"

"Anak?"

Napabalik ako sa realidad at tinignan silang lahat na kumakain ng choco moist cake.

"Sa kwarto muna ako, sumasama ang pakiramdam ko." Paalam ko, taka naman silang tumingin sakin hanggang sa makaakyat ako ng hagdan at makapasok sa kwarto ko.

Anong nangyari? Tinignan ko ang dala dala kong box at inilapag sa side table ko. Tinignan ko ito at humiga na sa kama ko at pinatay ang lamp shade ko.

Itutulog ko nalang ito. Masiyado na siguro akong inaantok.

-

KINAUMAGAHAN

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya napabalikwas agad ako ng bangon at pinikit pikit ang mata ko.

Ang silaw no'n ah? Sobrang liwanag naman ata ng araw ngayon?

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at tinatansya sa isip ko na hindi masilaw sa araw at ng imuklat ko ang mata ko ay hindi na naman ito masilaw.

Weird.

Anyways, inayos ko nalang ang higaan ko at dumiretsiyo sa banyo para maligo and suchs basta mga ritwal parang 'di niyo alam yun ah.

Pagkatapos kong ayusin sarili ko, syempre nakasuot na ako ng uniform, chineck ko na rin bag ko if ando'n na mga kailangan ko ay inayos ko na rin ang mukha ko at lumabas ng kwarto saka pumunta sa sala.

Nakita ko naman na masayang kumakain sa lamesa si Juliana, oh great.

"Nakikain na naman ang pulubi." Bungad ko at tumingin naman ng masama sila sa'kin.

Pero sinuklian ko lang sila ng what-look, at tinignan ko naman si Juliana na masama pa rin ang tingin sa'kin.

"Stop staring, continue eating, piggy." Asar ko pa sakaniya at umupo sa harapan niya at nagsalin ng kanin at ulam.

"Shut up Sasha, ang aga aga nag uumpisa ka." Inis nitong sagot pero inirapan ko lang siya at tumuloy sa pagkain matapos ay tumayo na rin.

"See? Naunahan pa kita lels, and kuya Shem? Don't tell me hindi mo pa rin inaayos yung kotse ko?" Baling ko kay kuya Shem, tumayo lang siya at tinalikuran ako.

"Ayos na, umalis ka na if you want."
_

Hi, you can search my facebook account named "Saina Signmate" I wrote one shot stories there.

TUDG: She's An AtrociousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon