CHAPTER EIGHT

6 2 0
                                    

SHYRO POV:

Kanina pa ako paikot ikot sa kwarto ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit ayaw sa'kin ng babaeng 'yun. It's been a week and I'm dying to see her.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin pero hinahanap hanap siya ng mga mata ko. Nababaliw na ako kakaisip kung paano ko makukuha ang atensyon niya, kung paano ko siya malalapitan at kung paano kami magiging close.

I can't even get her fucking name.

Umupo ako sa kama ko at hinilot ang sintido ko. Sabog ako ngayon, sabog na sabog. Dahil after ng encounter namin sa bar, hindi ko na siya muling nakita.

I know that I'm a playboy, but fuck that girl. She's the first one who ever turn me down and even punch me in the face. But that feels so—good.

Humiga ako sa kama ko at pumikit, at naalala ko na naman ang nangyari sa bar.

— FLASHBACK —

"Hi miss, I'm Shyro, and you are? Btw you look stunning, that's why I can't myself but to approach you." Tinignan naman ako nito ng masama at ibinagsak ang iniinom.

"So?! Ganiyan naman kayong mga lalake! Sa una magagandahan kayo, pero kapag nagsawa na kayo, hahanap na kayo ng iba! Pare-parehas lang kayo. Kay no thanks, I'm not interested." Nagulat naman kaming tatlo sa sinabi nito at tinawanan ako nila Klent at Josh. Aba mga tarantado 'to ah.

"Grabe naman miss, hindi naman lahat ng na lalake--"

"Anong hindi? Ilang beses na akong nasaktan at iniwan. Tapos sasabihin mong may natitira pang mga matitino? Wala na! Patay na lahat o may asawa na, umalis na nga kayo." Ang sungit niya grabe, halatang may tama.

"Pre tara na, mukhang hindi ka type haha." Uminit naman ang ulo ko sa sinabi ni Josh.

"Hindi pre, una na kayo."

"Sigurado ka? Madami pa namang chix do'n sa VIP room."

"Sainyo na, busy ako."

"Woah, sige sabi mo e, tara pre Klent."

Tinignan ko naman silang dalawa na umalis papuntang VIP room. Lagi kami roon nakatambay at papalibutan kami ng sari saring babae, pero for the first time in my life andito ako nakikihalubilo dance floor, ang sakit sa mata ng disco lights at mas lalong masakit sa tainga ang music na pati dibdib mo mararamdaman ang beat nito.

Napatingin naman ako sa babae at nakataob na ang mukha nito sa lamesa.

Patay, tinulugan ako ni Ms. Lasinggera.

Tinapik ko naman ang balikat nito pero hindi siya kumibo kaya umupo nalang ako sa harapan niya at nagpangalumbaba rin at hinawi ang buhok niya at nakita ko ang maamo niyang mukha.

Napakaganda.

Tinitigan ko lang for a while, at nakalimutan ko na ata ang maingay na music at ang nakakainis na disco lights dahil sa mukha niya, ang cringe pero totoo.

"Uhmm mmm~"

Umungol siya kaya naalarma ako at umupo ng tuwid at nakita kong gumalaw ang talukap ng mata niya kaya tumikhim ako at tinapik ulit ang braso niya, minulat niya naman ang mata niya at sisingkit singkit na tinignan ako.

"Sino ka? Ba't ka nasa bahay ko?"

"Bahay mo ba ang bar?"

"B-Bar????"

"Hindi ba obvious?"

Napaupo naman siya ng upo at kinusot kusot ang mata. Ang cuteeee!

"POTANGINA BA'T AKO NANDITO?!"

Nagulat naman ako sa sigaw niya. Kahit ang lakas ng music grabe bungangera talaga.

"Kase naglasing ka?"

"Hindi ako naglalasing."

"Okay, edi nakiinom ka ng TUBIG."

Inirapan niya naman at kinuha ang bag niya saka tumayo at nilagpasan ako pero agad kong hinawakan ang kamay niya para patagilin siya at tumayo rin saka hinapit ang bewang niya.

"Wala man lang goodbye kiss sa nagbantay sayo matulog sa bar?"

"Goodbye kiss mk mukha mo, hindi naman kita sinabihan na bantayan ako, tse."

Inagaw niya ang kamay niya at pilit umaali sa hawak ko pero mas lalo ko lang siyang hinawakan ng mahigpit at inilapit ang labi ko sa labi niya at pilitan siyang hinalikan.

Nag aalsa siya pero hinawakan ko ng mabuti ang ulo niya at patuloy na hinahikan kaya bumigay siya at nakisabay saka inilagay ang dalawang kamay niya sa balikat ko at ipinulupot iyon sa leeg ko.

Binitawan ko ang mukha niyo at inilagay ang kamay sa bewang niya para hapitin pa siya papalapit.

Ako na ang unang humiwalay saamin, habol hininga kami pagkatapos ng halika at idinikit ko ang noo ko sa noo niya. Medyo napayuko pa ako kase mababa siya.

"I love you lips."

Ang sabi ko at inirapan niya naman ako at tinulak ako papalayo.

"I don't love your lips, pwede ba uuwi na ako."

"Pero sumabay ka."

"Wala ka ng pake ro'n."

"Be mine."

"Ano?"

"Be my girlfriend."

At bigla nalang ako nakaramdam ng solid na suntok mula sakaniya at napagild ang mukha ko saka hinawakan ko iyon at tumingin ako sakaniya.

"Tarantado ka ba? Ano tingin mo sa'kin easy to get? Ulol, kahit sundan mo pa ako sa El Valdez ipapaban kita."

— END OF FLASHBACK —

Bumangon ako sa pagkakahiga at napangiti. So, El Valdez pala ha? Kunyare pa siya gusto lang naman magpahanap pft.

*Knock Knock*

"Pasok."

Umayos naman ako ng upo at pumasok naman si Shem sa kwarto ko. Nakapamulsa ito at may hawak na libro, as always naman, baka Shem yan. Isinarado niya ang libro at tumingin sa'kin.

"Bukas na aalis si Sasha."

"Ha? Saan siya pupunta?"

"Lilipat ng school."

"Eh? Para saan?"

"Some geniuses school, at doon siya titira sa condo ni papa."

"NO WAY!"

"Yes way, maaga sila aalis kaya magpaalam ka na ngayon."

•••
Facebook Account: Saina  Signmate

VOTE, COMMENT, AND FOLLOW FOR DEDICATIONS.

TUDG: She's An AtrociousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon