ZION POV:
Kasalukuyan akong nag aayos ng uniform ko dahil nga kailangan kong makisama at nang mamanmanan ko kung sino ang mythical vampire.
Hindi ko pa nga rin mawari kung ano ang mga senyales para makita ko ito. Pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa lalo pa at ako ang hinabilinan ng yumaong reyna, ako na rin ang pansamantalang magtataguyod ng kanilang naiwang kaharian.
Para sa lahi ng mg bampira, sinusumpa kong walang sinuman ang makakapagpigil saakin. At hangga't wala pa ang bagong maghahari saamin, hindi ako maaaring umibig kahit kanino man.
Natigil ako sa aking pag iisip ng may biglang kumatok sa pinto ng aking silid, agad ko namang inayos ang aking uniporme at binuksan ang pinto.
"Harley, ikaw pala. Ano ang iyong pakay?" agad kong bati sakaniya at may iniabot naman siya saaking isang bote, maliit na bote na may kulay puti na likido, tubig?
"Magiging kulay pula ito kapag malapit saiyo ang mythical vampire. Hindi ito makakapagturo ng direksiyon pero sapat na ito upang makilala mo siya, basta lumapit ka lang sa mga babae sa paaraln at kapag naging pula ito, alam mo na."
Napangiti naman ako sakaniya at inilagay sa bulsa ng slacks ko ang maliit na bote saka isinukbit sa balikat ang bag ko.
"Maraming salamat Harley, tunay kang maaasahan. Aalis na ako upang masimulan na ang paghahanap sa ating bagong reyna."
Yumuko naman ito bilang tanda ng pagrespeto niya saakin, tinalikuran ko na siya at mabilis na bumaba ng hagdan hanggang sa makapunta ako sa garahe upang sumasakay sa kotse kong Limo.
Hindi naman talaga saakin ito pero parang saakin na kasi ito ang sinasakyan ng mga maharlikang bampira, parang kagaya lang ng sa mga royalties sa mundo ng mga tao.
SASHA:
Nagising ako ng biglang tumunog ang, alarm clock? Kailan pa ako nagkaroon nito at, 10:30pm? What the hell, sinong matinong tao ang mag aalarm ng gabi at 7:30 pa talaga, tangina naman.
Bumangon naman ako at pinatay ang alarm clock saka kukuso kuso ng mata bago lumabas ng kwarto at bumungad saakin ang mabangong amoy galing sa kusina, nagluluto ba si papa?
"Pa?"
Nakita kong nakatalikod si papa at mukhang nagluluto nga siya, hindi siya naka apron katulad ni mama pero ayos na ang gwapo talaga ng papa ko lalo na sa suot niyang polo.
"Gising ka na pala nak, I made a break--- I mean uhm haha dinner midnight?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni papa at ngumiti nalang ako.
"Err haha well, about that pa uhm ikaw ba naglagay ng alarm clock?"
Nilapag naman ni papa ang hawak niyang plato at napakamot sa batok niya saka awkward na ngumiti saakin, well he is definitely a guilty.
"I sort of put it there haha well it's for a reason. That is your class schedule is little bit different from your old school."
"Oh I see, so I will be having a class during well midnight?"
"Yeah! See you're getting it already, come on let's eat."
"Ow-kay?"
BINABASA MO ANG
TUDG: She's An Atrocious
Vampire"Siya? Tangina niyo, sinayang niyo ang oras nating lahat at malalaman kong hindi siya yung mythical vampire?!" "Master-" " 'Wag na 'wag niyo akong pigilan kung papatayin ko ang babaeng yan." Napatigil si Sasha ng sabihin iyon ni Zion sa mismong hara...