SAINA POV:
It's going to be a long year. Since ngayon na ang alis ko papuntang geniuses school like what the fudge, I didn't notice that I'm smart. Lol, jokes aside may cheat nga pala yung mata ko so weird.
Humarap ako kay papa na busy magmaneho, the good thing is that makakabonding ko rin papa ng matagal.
"Uh, papa. Ano pong itsura ng school ko?" nakita ko namang tumingin sakin si papa saglit at ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Malaki, sobrang laki 10× sa school mo dati." sagot ni papa.
Nanlaki naman mata ko at napasandal sa upuan, 10 times? Tangina sobrang laki na ng school ko na yun tapos 10 times no'n?
"Oh, inom ka muna ng juice." Napalingon naman ako kay papa at agad na inabot yung juice na hawak niya.
Napatingin ako rito at napatingin ulit kay papa.
"Salamat pa."
Binuksan ko ang takip ng baso at ininom, hindi ko alam pero hindi naman ako nauuhaw pero para akong nauhaw bigla pagkatikim ko hanggang sa maubos ko ito.
Weird.
"Uhaw na uhaw ka ata nak? Haha"
Napasmile naman ako kay papa at nilapag ang baso na pinaglagyan ng juice kanina.
"Oo nga papa e, medyo inaantok na rin nga ako."
"Gano'n ba? Matulog ka muna at mahaba pa ang byahe natin, gigisingin nalang kita."
Tumango naman ako at agad sumandal sa upuan.
ZION POV:
"GUARDS!"
Inis na inis kong bulyaw mula sa kwarto ko at narinig ko namang may tumatakbong pumasok sa kwarto ko, apat na gwardiya.
"Ano po iyon Master?" sabi nung isang gwardiya.
"Ano itong naririnig ko na lumusob na naman yung mga werewolves sa pamilihan sa kanluran?!"
"Hindi ko po alam—"
"KAILANGAN KONG MALAMAN NIYO! KAYA NGA AKO NAGLALAGAY NG GWARDIYA PARA MAY MAGBANTAY, DZIES BULSHEIZ. (potangina)"
"Pasensya na po master pero nasa silangan po ako nagbabantay, sila Frederick po ang nasa Kanluran."
"Ah gano'n? Sabihan mo ang grupo nila na padalhan ako ng liham kung ano ang nangyari at bakit may NAMATAY NA DALAWA, dammit. NGAYON NA."
Agad naman silang nagsilabasan at napaupo naman ako sa upuan ko, dzies bulsheiz.
Kailangan ko ng mahanap ang pinasahan ng punla, imposibleng may matitira pa sa lahi namin kapag hindi ko pa yun nahanap. Uubusin na kami ng mga lobo. At malaking pasasalamat narin na lobo pa lang ang nakakaisip na lusubin kami, dahil madami pa kaming kalaban na ibang nilalang at lahat ng yun maglalakas ng loob ngayon at walang pumoprotekta saaming mythical vampire.
Kahit nga meron kaming mythical vampire malakas parin loob ng iba mabuti nalang at magaling ang reyna.
Sana lang ang napili niyang mabigyan ng punla ay kasing galing niya kahit manlang kaunti dahil nasa kaniya nakasalalay ang buhay ng lahi namin.
*Toktok*
"Pasok."
Tumayo naman ako sa upuan ko at inabot naman saakin ng gwardiya ang liham galing sa hanay nila Frederick.
Master,
Inyo po sanang pasensyahan at hindi namin naprotektahan ang mga bampira sa kanlurang pamilihan ito ay sa kadahilanang kasama nila ang panganay na anak ni Xexon. Wala kaming nagawa kundi iligtas ang maaari naming mailigtas at nagtago na nung marinig ang mga tahol nila. Naubusan na kami ng oras at naiwan ang dalawang babae sa harap ng twix werewolf.
Lubos na humihingi ng pasensya,
Frederick
Pinuno ng kanlurang bantayNapasambunot naman ako sa sarili ko at inis na hinagis ang liham.
Nagsisimula na sila, agad.
Tangina, ano ng gagawin ko?
Isa akong di hamak na elite vampire at kalahating lobo, oo narape ang ina ko ng isang lobo. And I swear na hindi ako mamamatay hangga't hindi nakakaganti sa lobong yun.
Namatay si ina dahil sa kahihiyan na nagdadala siya ng anak ng lobo, hindi niya iyon kinaya at pagka isang taon ko ay namatay na siya sa sama ng loob. Hindi ko manlang natatandaan ang mukha niya pero ramdam ko kung gaano niya ako kamahal kahit na isang lobo ang tatay ko.
"Zion."
Napatingin naman ako sa tumawag sa pangalan ko.
"Harley, ikaw pala. Anong meron?"
"May magandang balita ako at may masama rin, anong gusto mong malaman?"
"Masamang balita muna."
Umupo ako sa upuan ko, sana naman ang magandang balita ay ang magliligtas sa lahi namin. At ayaw ko rin mastuck sa masamang balita kay uunahin ko muna ito.
"Walang mythical vampire na darating, at hindi na natin magagamit ang singsing bilang pantukoy."
WTF???
HAHA tangina masamang balita, ano pang magandang balita ang ibibigay niya? Haha dzies bulsheiz.
"TANGINA HARLEY ANONG GAGAWIN NATIN?! WALA NA."
"Ayaw mo bang marinig ang magandang balita?"
"May magbabago ba?"
"Pakinggan mo muna."
"Sige ano iyon?"
"She's an atrocious."
" 'Wag mo akong pinagloloko, mythical vampire ang hinahanap natin, enough of this bullshit. Hindi pa sapat ang taon para makagawa ng isa pang atrocious."
Atrocious...
Ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng lahi, mapalobo man, mermaids, fairy at kung ano pa.Wala silang permanenteng lahi, sila ang pipili ng lahi na pamumunuan nila.
Which is might create a chaos kasi lahat ng lahi ay mag aagawan para sa atrocious na ito.
Pumapatay ito gamit ang isip.
Bumubuhay ito gamit ang luha. Pero may kalimitan parin.
At higit sa lahat, nagkaka atrocious lang kapag ang isang tao ay pinasahan ng punla ng mythical vampire sa full moon at saktong 12 midnight at higit sa lahat ay —
Wala ng nakakaalam sa susunod na ingredient ng atrocious.
![](https://img.wattpad.com/cover/247460966-288-k713509.jpg)
BINABASA MO ANG
TUDG: She's An Atrocious
Vampire"Siya? Tangina niyo, sinayang niyo ang oras nating lahat at malalaman kong hindi siya yung mythical vampire?!" "Master-" " 'Wag na 'wag niyo akong pigilan kung papatayin ko ang babaeng yan." Napatigil si Sasha ng sabihin iyon ni Zion sa mismong hara...