CHAPTER 9

1 1 0
                                    

SASHA POV:

Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto ko at napabuntong hininga saka ko kinuha ang maleta ko, ang backpack at shoulder bag. Madami akong dinala e, mahirap na baka kulang kulang pa sila sa gamit at halos lahat ata ng gamit ko sa kwarto kinuha ko para ayusin nalang sa bago kong titirhan, kay papa. Para feel at home pa rin naman ako kahit papaano.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at tinungo ang pintuan ng kwarto ko, by the way, 4am palang pala ng umaga, kailangan daw maaga e.

Pagkabukas ko ng kwarto ay bigla akong sinalubong ng yakap ni kuya Shyro.

"Uhmm?"

"Akala ko hindi na kita maaabutan e, hindi ako nakapagpaalam kagabi. Tas buti ng nilagyan ni Shem yung uluhan ko ng alarm na pagkalakas lakas."

Natawa naman ako at niyakap ko rin siya pabalik at tinapik tapik ng madahan ang likod niya.

"Err... I'm not a baby anymore kuya."

"You will always be our baby, mag iingat ka ha? Kapag may nangbully sayo roon tawagan mo agad ang kuya okay?"

"Yeah but---"

"No but's young lady."

"Nye, I gotta go na baka hinihintay na ako ni papa."

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa'kin at kinuha ang maleta. Nagkibit balikat nalang ako ng nauna pa siyang naglakad kesa sa'kin.

Pagkababa namin ng hagdan ay nakita ko si mama na umiiyak at si kuya Shem na laging seryoso sa buhay, okay?

May bitbit si kuya Shem na white na small pouch, kailan pa siya nagkaganyan?

Ngumiti naman ako kay mama at nilapitan siya, katabi niya naman si papa na inaalo siya, sweet yan?

"Yung baby ko iiwan na rin ako *sobs*"

"Yah, mag aaral lang naman ako, hindi ako mag aabroad."

"Kahit na malayo yun *sobs*"

"I'll call you everyday then."

"Promise?"

"Opo ma."

"Osiya lumayas na kayo."

Natawa naman kaming lahat sa inakto ni mama kaya lumabas na kami at ando'n sa labas nakaparada ang sasakyan ni papa.

Binuksan naman ni kuya Shyro ang trunk ng sasakyan at inilagay ang maleta ko at nakita ko ring lumapit si kuya Shema sa trunk para ilagay ang puting pouch na kanina niya pa hawak. Nilapitan ko naman siya.

"What's that?"

"Medical supplies, you'll need it clumsy."

"Oh--thanks anyway."

"Tch, tawagan mo ako kapag nando'n na kayo."

"Ooh, concern?"

"Of course stupid."

"Okay kuya hehe, babye I'll miss y'all."

Niyaka ko naman sila kuya at mama isa isa bago ako pumasok sa kotse at nakitang nasa loob na rin pala si papa. Binuksan ko ang bintana at nagwave sakanila hanggang makalayo.

TUDG: She's An AtrociousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon