Chapter 11

1 1 0
                                    

SASHA POV:

"Sasha, anak. Gising na."

Napamulat naman ako ng mata at tumingin sa nagmamay ari ng boses, papa.

"Andito na ba tayo pa?"

"Andito na kaya halika na at tulungan mo akong ibaba mga gamit mo para dalhin sa bago mong kwarto."

Agad namang nagliwanag ang mata ko at para akong hindi bagong gising sa sobrang energetic kong tumayo at napatingin ako sa condo building na tinitirhan ni papa at gano'n nalang ang pagkadismaya ko ng purong black ang pintura nito na animo'y walang kabuhay buhay. Don't get me wrong ha, maganda naman yung style niya pero panira talaga yung kulay e, purong black ba naman ilagay tanging mga binatana nalang naiiba ang kulay.

Napatingin naman ako kay papa na hawak hawak magkabilaan ang mga gamit ko kaya umikot ako papuntang trunk ng sasakyan at kinuha ang natitirang maleta sa loob at agad na hinabol si papa.

"Pa! Bakit naman gan'to yung style ng building? Wala ba silang pambili ng pintura?"

Narinig ko namang mahina na napatawa si papa pero patuloy parin ito sa paglalakad.

"Hindi anak, mahilig lang talaga sa itim yung may ari nng building 'wag ka ng maraming tanong at promise maganda sa loob nito lalo na sa kwarto mo."

Tumango tango nalang ako at sinundan si papa hanggang sa makarating kami sa harap ng pintuan ng building kung saan may guard na nakabantay, sosyal.

"Oh, andito ka na pala Mr. Sandugo, at may kasama ka pang babae aba bago yan ah."

Bati nung guard kay papa na napatingin sakin, lumingon naman sakin si papa at nginitian ako.

Inabot ni papa ang parang card ba yun basta chineck nung guard at iniscan sa scanner niya na hindi ko alam if scanner ba talaga.

"Anak ko yan Benji, naimbitahan siyang mag aral sa Zoldick High, alam mo na."

"Oh, siya pala yung bagong transfer dito. Congrats, na ano ba siya—"

"Hindi hindi, hindi ko alam osiya mauna na kami."

Naputol yung sasabihin ng guard dahil agad sumagot si papa na para bang masamang tanong ang nais itanong nung guard, sumunod naman ako kay papa papasok at ng madaanan ko yung guard ay nagsmile ako rito at nagsmile din siya.

Pagkapasok namin sa loob ay namangha ako sa karangyaan nito, sobrang liwanag at yellow at white ang color nito.

May lobby pagkapasok mo, at may red carpet na madaming patutunguhan, may chandelier din.

Ang bongga nga.

Hinanap naman ng mata ko si papa at nakita ko itong lumiko sa kanan kaya agad ko siyang hinabol.

Mahirap na baka maligaw ako sa laki ng building.

Pagkaliko ko ay nakita ko si papa na hinihintay ako sa loob ng elevator kaya binilisan ko ang lakad ko na parang tumatakbo na at pumasok sa elevator.

"Natagalan ka ata?" tanong sa'kin ni papa.

Humihingal naman akong sumagot sakaniya, "Napaganda yung pagtingin ko sa paligid, ang sosyal kasi pa."

"Sabi ko sayo e, pakipindot nga yung 5th floor anak at hindi ko mabitawan 'tong mga gamit mo pagkadami dami ba naman."

Nginitian ko naman si papa na nang aasar at agad pinindot ang 5th floor.

Woah, hanggang 13th floor pala ito? Hindi halata sa labas.

"Btw pa, kelan pala ako magsstart pumasok sa genius school ek ek?"

"Bukas."

"Eh? Wala pa kaya akong uniform pa"

"Okay lang yan, may 1 month naman na pwedeng hindi naka uniform mga bagong students , bukas after ng klase magpapatahi tayo."

Tumango naman ako at saktong tumunog ang elevator senyales na nasa 5th floor na kami.

Nauna namang lumabas si papa at sumunod din naman ako sakaniya, sa floor na ito ay kulay blue naman ang theme ng mga pader, at wala na ring red carpet tanging tiles nalang na marble style yung parang ano basta puti siya na may brown na guhit guhit.

Nakita kong pumasok si papa sa isa sa mga pintuan.

Ito na ata yung room namin. Room 143.

Agad naman din akong sumunod at pumasok din at gano'n nalang ang pagkamangha ko sa gara ng kwarto ko, iginilid ko ang maleta ko at tinignan ang kabuuhan ng silid, napakaganda at napakalaki.

Kulay red ang theme ng kwarto ni papa na hinaluan ng color gray sa mga edges niya at may pabilog na ilaw.

May sala, kitchen, dining area. At sa gilid gilid ay may apat na pintuan, siguro ay cr at kwarto namin ni papa pero hindi ko lang sure kung ano nasa pang apat na pintuan.

"Pa, ano yung nasa likod ng mga pintuan na yan?"

"Ah yan." Tinuro ni papa yung pinakaunang pintuan sa silangan banda. "Ayan ang kwarto ko, at kaharap ng kwarto ko ay ang kwarto mo, katabi ng kwarto mo ang cr at yung katabi ng kwarto ko naman ay hindi mo pwedeng pasukin dahil doon ako nagtatrabaho at kahit tangkain mo mang pumasok ay ako lang naman din ang makakapasok dito. Ngayon pumasok ka na sa kwarto mo at mag ayos ng gamit mo, 'wag ka mag alala alam ko kung ano ang paborito mong kulay kaya naman pinapinturahan ko ito, kung gusto mo pa magdagdag ng disenyo sa kwarto mo ay sabihan mo lang ako, ayos ba? Magpahinga ka na rin muna gigisingin nalang kita kapag kakain na tayo." mahabang lintanya ni papa at pumunta naman ako sakaniya at hinalikan siya sa pisnge saka pinagdadala mga gamit ko papunta sa kwarto.

Woah.

Napatitig ako sa kabuuhan ng kwarto ko dahil saktong sakto ang design na gusto kong mangyari.

Pink at violet ang pangunahing kulay na makikita mo rito pero sinamahan parin naman ng white para sa edges at may maliit na chandelier na nagsisilbing ilaw sa gitna ng ceiling sa kwarto ko. Sa gilid naman ay may mga lamp design na nakakakabit sa edges ng mga ceiling dahilan para lalong gumanda ang lightnings, and dad knows I like it when it's not dark.

Nahagip ng mata ko ang mga led lights sa paligid ng queen size kong kama, hindi gaanong maliit at hindi rin gaanong malaki sakto lang para gumulong gulong ako.

May study table din ako at may fashion table kung saan wala pa itong laman tanging salamin lang na may ilaw at dalawang drawer saka mga lalagyan sa likod ng salamin, perfect for my make ups.

Sa dulo ng kwarto ko ay may pintuan, I wonder if ano iyon kaya agad ko itong pinuntahan at pagkabukas ko ay agad akong napangiti.

I really love my father.

Isa itong walk in closet na kung saan may iilan ng nakalagay na mga damit, dress, sapatos, skirts, pants, and slippers at lahat ng iyon ay ang mga style na gusto ko, I'm so fucking lucky. Parang ayaw ko na umuwi, kwarto ko palang ay parang buong bahay ko na, na kung saan ay hindi ko na nanaisin pang lumabas.

This is my dream room.

Pagkatapos kong maglibot ay naramdaman ko na ang pagod ko kaya agad akong nagpalit ng terno kong pantulog at hinubad ang sapatos saka patakbong tumalon sa kama ko at ganoon nalang ang saya ng pakiramdam ko ng maramdaman ko kung gaano kalambot ang foam at ang unan, this is the life.

TUDG: She's An AtrociousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon