21

655 5 8
                                    

T A T T I A N A

5 years ago

Nilipat ko sa susunod na pahina ang binabasang libro. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo dito sa loob ng library at binabasa ang libro na ito. I got hooked by the plot of the novel I'm reading.

Tungkol iyon sa babaeng mahal na mahal ang isang lalaki na hindi naman para sa kan'ya. Na halos lahat ng pagmamahal ay binuhos n'ya sa lalaki. Kaya nang biglang nawala ang lalaki ay wala na s'yang mahagilap na pagmamahal para sa sarili.

Nang mawala ang lalaki ay tsaka n'ya lang na-realize na nag-iisa na lang pala s'ya. She neglected those people who shared almost every hour of her existence. She exited herself from the circle of those people who love her. She took them for granted and now that she's alone.... Ngayon n'ya lang napansin iyon.

I'm still in the half of the story. Kahapon ko lang ito sinimulan at halos hindi ako natulog kagabi dahil dito. Nakalimutan ko na ngang gawin ang isang assignment sa isang subject, buti na lang ay nandito si Geo para gawin iyon.

He bought foods in the cafeteria after he has finished the assignment I forgot to answer. Minor subject lang naman pati yon at may tiwala ako kay Apollo kaya hinayaan ko na. Wala akong masasagot kung ako gumawa.



Napaangat ang tingin ko nang maramdaman ang pag-upo ng kung sino man sa harap ko. Leon nodded his head when our eyes met. "Nasabi na ba sa'yo ni Apollo?"


Kumunot ang noo ko at isinira ang libro, hinarang ang isang kamay para hindi ako mawala sa binabasa. "Ang alin?"


"My Mom prepared a birthday celebration in the house. Sinabi ko na kay Apollo kaya akala ko sinabi na din sa'yo. You should come." Leon didn't even sound inviting, kung ibang tao siguro ako ay sasama ang loob ko at tatanggihan na lang ang pag-aaya nito.

Pero dahil kilala ko s'ya ay tumango ako. Unlike the animal he was named after, he seems to be calm and unbothered. Ni hindi ko s'ya nakitaan ng kahit na anong pagka-agresibo.

"Okay," Tugon ko. "May alak ba?" Tanong ko agad. His side of his lips moved but not because a smirk or grin, ngumiwi ito at inirapan ako na para bang nagsasawa na s'ya.

"Beers are not allowed in our house, Tat. I have younger sisters and a Mom who's strict in her health." Seryoso nitong sabi. "I don't want my sisters to witness such things."


Napanguso ako sa sinagot nito. "Kahit konti lang? Sa k'warto mo gano'n!" Pero imbis na sumagot si Leon ay parang wala itong narinig at sumandal sa upuan. A laugh came out from the man who just got here. Umupo ito sa katabi ni Leon at umiling.

"Don't worry, Tat. May inuman naman tayo pagdating ng gabi." Napangiti ako ng makahanap ng kakampi. "Do'n tayo sa bahay ng isa namin kaklase. Nakausap ko na, pede tayo magpa-house party don kahit 'di natin bahay."


"Psh! Baka mag-imbita ka ng mga adik ha! Sinasabi ko sayo, Dustin! Hanggang alak lang ako!" Pero imbis na ma-offend sa sinabi ko ay tumawa ito.


"Tingin mo sa akin, nagdra-drugs? Grabe ka naman, Tat. Mas'yado mo akong sinasaktan." I grimaced.


Hindi nagtagal ay nakita namin si Geo bitbit ang bag n'ya. Marahil ay do'n tinago ang pagkain na binili sa cafeteria. Bahagya pang kumunot ang noo nito dahil sa dalawa nitong kaibigan na nasa harapan ko.


Umupo ito sa tabi ko at ipinatong ang bag sa kan'yang kandungan. "What are you guys doing here?"


Leon sneered. "I need to go." Sabi nito bago tumayo at umalis. Pinanood namin s'yang naglakad papalayo. Tiningnan ko ng masama si Geo nang hindi na maabot ng paningin ko si Leon. Nagkibit balikat ang lalaki.


Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon