40

803 11 19
                                    

S A M A R R A H

This is what I wanted. I was the one who asked for space and ended our marriage, but why am I still hurting? Why am I still in pain? Why am I still doubting everything?

Akala ko kapag tinapos ko, mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero bakit parang lumala? Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Apollo, kahit pagkatapos ng lahat. Akala ko din ay sasaya ako kapag nakita ko s'yang masaya sa naging desisyon n'ya.

But why am I trembling right now? 

Hawak-hawak ko ang aking telepono kung saan nandoon ang masayang mukha ni Apollo karga-karga ang isang bata. May katabaan at kalakihan ito pero sigurado akong wala pa itong isang taon.

The baby's wearing a pastel pink ribbon on her head and a pink dress. She looks like a princess. Nakabuka ang kanyang mga labi na para bang tumatawa. She's facing the man I love that has a big smile on his face too. Magkatitig sila sa isa't-isa at parang ang saya-sayang tingnan.

The background's familiar to me. Garden iyon sa bahay nila Mommy Mavis. Doon kami madalas tumambay kapag bumibisita. Mukhang alam ng buong pamilya nila na may anak na si Apollo.

Naalala ko ang mga panahon na pinu-push nila kami magkaanak. I wonder, what's their reaction when they met the girl and her child? Are they happy?

Of course, Samarrah! Ilang taon kayong kinulit na magkaanak, natural at matutuwa sila dahil sa wakas may apo na sila sa kanilang panganay.

And also, Tattiana's close with them. Siguro ay magkakasama sila at masayang nabubuhay do'n.

I sobbed when I realized how unfair and cruel the world is. Is this my fate? Ganito na lang ba talaga ako?

Pakiramdam ko tuloy ako ang sumira ng relas'yon kaya ako ang nakakaramdam ng ganito.

Tiningnan ko ang sumunod na litrato. Nakakandong naman sa hita ni Apollo ang batang babae na karga nito kanina. Ngayon ay masayang nagku-kuwentuhan si Aleck at Apollo. Aleck's holding the baby girl's hand while talking to his brother.

Patuloy kong tiningnan ang mga litrato mula sa kanyang Instagram account. The photos were posted two days ago. Saktong araw na pagkabalik ko dito sa Pilipinas.

They all look happy and good now. Parang walang nangyari. Am I being selfish for having this feeling after seeing them happy?

Hindi ko alam kung inggit ba o galit ang nararamdaman ko, pero bukod do'n may awa din akong naramdaman para sa sarili. Pilit kong tinatanggal ang masasamang nararamdaman.

Look what they are right now, Sam. They are happy. Your husband's happy. Stop pitying yourself, and be happy too!

Isipin mo na lang, binigyan mo ng buong pamilya ang inosenteng bata.

"Hija?" Maraming katok ang nagpabangon sa akin sa pagkakahiga. Pinunasan ko ang aking mga luha at inayos ang pagkakataas ng buhok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin bago lumapit sa pinto.

"Bakit po, Manang?" Tanong ko nang mapagbuksan s'ya ng pinto. Tumingin ito sa akin nang may pag-aaalala. Ngumiti ako sa kan'ya para kahit papaano ay mabawasan ang mga iyon.

"Narito ang Daddy mo." May tipid na ngiti nitong sabi nito. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Okay ka lang ba, Samarrah?"

Mangingiyak-ngiyak akong tumango. Peke akong tumawa ng may isang luha na pumatak mula sa akin. "I just missed my home so much." Pagdadahilan ko.

Ngumiti ito sa akin at tumango. Tinanggap ang rason ko. "O'sya, nasa hapagkainan ang Daddy at Mommy mo. Sabayan mo silang kumain."

Tumango ako. "Mag-aayos lang po ako. Mauna na po kayo sa baba." Tumango ito bago umalis.

Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon