38

683 12 15
                                    

S A M A R R A H

Inilibot ko ang tingin sa k'warto. Ngayon lang ako nakarating sa Guest House na sinasabi ni Flynn na balak n'yang tirhan bago umuwi sa Pilipinas. Ilang araw na lang naman, pero nakuha n'ya pa magbago nang tutulugan.

Sometimes, I just don't understand him.

Maganda naman ang guest house, may sariling parking area at hindi mahirap magpark. Marami din halaman at bulaklak at maaliwalas tingnan.

Pod Akacjami.  Napangiti ako sa nabasa. Hindi ko man alam ang ibigsabihin niyon, nakakatuwa parin itong bigkasin. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkabasa ko.

"You like this?" Halata ang pagkasabik at kasiyahan sa tono ni Flynn. Tumayo ito sa tabi ko habang nakatingala sa guest house. His hands are in his pockets. Bahagyang nakatagilid ang ulo.

"Bakit mo ako tinatanong? Hindi naman ako dito matutulog." Sagot ko.

He chuckled. "Wala iinggitin lang kita." Sagot nito na kinailing ko. "Ayaw mo ba dito?"

Bumaling ako sa direks'yon n'ya. His thick and long eyelashes are very visible in this angle. Nakikipagtaasan sa matangos nitong ilong. His face is clean from stubbles, especially his jaw part. Parang bata ang kutis nito sa lambot at kinis.

His eyes are kinda big that makes him look innocent. Dumagdag ba ang kulay bughaw na mata n'ya na pinakapaborito ko sa kan'ya.

Siguro ay kamukha n'ya ang kan'yang ina.

Hindi ko namalayan na matagal na pala ako nakatitig sa kan'ya, kung hindi pa s'ya bumaling sa akin na may nakakalokong ngiti. "Pinagnanasaan mo ba ako, Ms. Samarrah?"

Ang pagkakabuka ng bibig dahil sa tanong ay unti-unting sumara dahil sa tinawag n'ya sa akin. Ngayon n'ya lang ako ulit natawag na gano'n. Sanay naman na ako dahil iyon ang tawag n'ya sa akin dati, pero hindi ko maiwasan makaramdam ng kaunting sakit.

I smiled and rolled my eyes, when I recovered. "Gross." Diniinan ko ang aking tono. Natawa ako sa naging reaksyon nito.

Parang hindi makapaniwalang nakakunot ang noo at bahagyang umawang ang labi. "Parang lugi'ng-lugi ka pa!" May ngiting sabi nito. Natawa ako ng tuluyan.

Our laughters died in seconds, I heard him sighed in contentment and bliss. "I wish I could extend this."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Me too. I'm really grateful to have you in this trip, Flynn. Hindi ko alam kung makakatagal ako dito o magiging ganito ako kasaya kung hindi tayo aksidenteng nagkita." Sinsero kong sabi.

Ngumiwi ito at humarap sa akin ng tuluyan. "Actually, that wasn't an accident." He chuckled shortly. "I followed you, right after my sister's wedding."

Wala sa sariling nahampas ko s'ya sa braso dahil sa narinig. "Why did you do that!" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Akala ko ba grateful ka? You liar." Napanguso ako para magpigil ng ngisi. "Kung makapagtanong 'to, parang hindi mo sinabing grateful ka na may kasama kang gwapo sa trip na 'to."

Tumawa ako at tinuro s'ya. "I didn't say that!" I shook my head. "I did say that I am grateful, but I don't remember telling you that handsome part."

He smirked and shrugged. "Deny pa." Tawa nito bago pumasok sa loob. Tumatawa akong sumunod sa kan'ya.

"Real talk, you're handsome." Pag-amin ko. "But not that handsome." Dugtong ko nang makita ang paglapad ng ngiti nito. Bumusangot ang kan'yang mukha na nagpalakas ng tawa ko.

"I really hate this new version of you, sometimes." Umiiling na sabi nito. "Naging bully ka na!"

Nagkibit balikat ako at umupo sa isang upuan do'n. I watched him put down his bag on the table and sat in the chair in front of me.

Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon