06

605 10 0
                                    

[Instagram]

eyesthetics, marilourdes, maryhadalillamb and 636,016 others liked the photo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

eyesthetics, marilourdes, maryhadalillamb and 636,016 others liked the photo.

Tiana.V Thanks @eyesthetics for this gift! Order now and get 40% off with this code 👉🏻 TIANAV123👈🏻

heygics I ordered two already. So delicate 👀

mayaputomaya mambubudol ka na naman ate! btw, nakaorder na din hehe.

T A T T I A N A

"Please, proceed to the President's office. I left a memo in the lobby, don't worry. Someone will assist you." Hayan ang bumungad sa akin kinaumagahan.

Hindi naman halata na nagmamadali sila. Right after kong pumirma sa kontrata, ay pinapupunta na agad ako sa office nila for briefing and such.

Papakita na din daw ang mga damit na susuotin ko. I'm excited and nervous at the same time. Kahit na hindi naman ito ang unang beses na magong model ng kung ano anong brand, ay feeling ko first time ko pa rin.

Una sa lahat at ang pinakamalaking dahilan, makikita ko uli si Apollo after how many years. At pangalawa, si Tito Damian. I know him, of course!

Sa ilang taon ba namin magkaibigan ni Apollo, halos lahat ng kamag-anak n'ya ay kilala ko. Bukod sa magkaibigan kami mula bata, ay magkapitbahay din kami dati.

But Tito Damian is my most favorite Tito sa family ni Apollo. Si Tito Jonas kasi, na daddy ni Apollo,  ay may pagkaseryoso at minsan ko lang makasalamuha dahil takot ako dati do'n. Habang si Tito Quentin naman ay sad'yang ilap at tahimik lang talaga. Na halos isang beses ko lang makita sa isang taon.

Nang makababa ako sa sinakyan na kotse ay agad na din ako magsimula maglakad papasok ng building. May humarang pa na guard sa akin na very nakakainis dahil sinira ang entrance ko.

"Miss, ID po." Walang emos'yon na sabi ng guard. Pinagtinginan na din ako ng ibang pumapasok sa building.

Ngumiti ako sa guard bago inangat ang suot na Prada sunglass. Inilagay ko iyon sa akin ulo at tiningnan ang guard. "I am Tattiana Veron. Pinapapunta ako sa President's Office. And if you don't let me in, baka makasama ka sa pagme-meetingan."

Wala naman nagbago sa emos'yon nito na lalo ko kinainis. "Excuse me, Mister. Kailangan ako before 10 am sa opisina. I understand that  it's part of your job. If you want, you can ask the lobby about it. Just tell my name or ask Ms. Jen." Irap ko.

Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon