18

669 9 44
                                    

T A T T I A N A

"Plans for tonight?" I asked. She looked at me as if I am possessed by some evil spirit and rolled her eyes.

"Eat dinner with my boyfriend's family and commit suicide." Walang anu-ano n'yang sagot bago bumuntong hininga. "I am terrified, Tatey! Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba!"

Pinanood ko si Hershey na matulog sa kandungan ni Clea. Isinandal ko ang ulo sa sandalan at patagilid na umupo.

"Hindi ko alam ang mangyayari mamaya, basta pag namatay ako. Sila ang may kasalanan." Napairap ako sa ka-OA yan ni Clea.

"Akala ko ba mags-suicide ka?" Tanong ko. "Tingin mo sa akin tanga? Of course not! Kung magpapakamatay man ako, dadamay ko sila!"

Natawa ako dahil sa sinabi n'ya. She dramatically sighed and flipped her hair. "Lalo na yung Mommy n'ya! That bitch! Hindi pa kami nagkikita, tinatadtad na n'ya ako ng kung ano-ano! She even emailed me!"

Lalo akong natawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang ginagawang pananakot ng Mommy ni yero kay Clea. Isang beses pa nga ay may dalawang malaking lalaki na lumapit sa amin dahil gusto daw makausap ng Madam nila si Clea. Since Clea is Clea, she punched the guy and ran away. Leaving me alone with those two. Buti na lang mabait ang dalawang lalaki at sinundan si Clea. Karma.

That was really terrifying. Grabe ang kaba ko no'n. Akala ko kung anong mangyayari sa amin.

Tas ngayon ay tinatadtad naman s'ya sa email at social media accounts n'ya. Ewan ko lang kay Clea kung bakit hindi s'ya magsumbong sa boyfriend n'ya o sa Kuya n'ya.

"Pipili ka na lang baga, Mommy's boy pa." Pang-aasar ko sa kan'ya. She glared at me that makes me laugh more.

"I told you, he is not!"

Nagkibit balikat ako at binagsak ang tingin kay Hershey na bahagyang nagising sa ingay namin.

"By the way, Tatey." Bumalik ang tingin ko kay Clea nang magsalita ito muli. "Wala pa ba?"

Kunot-noo ko s'yang tiningnan. "Ha?"

"Wala pa ba akong pamangkin sa'yo?" My cheeks heated. Kusang nagbalikan ang senaryo namin dalawa ni Apollo nitong nagdaang araw. He did withdrawal at first pero ng sumunod ay may dala na itong condom. Nag-iwan pa nga s'ya dito ng marami para hindi na n'ya daw dadalhin.

"Wala... pa." Makahulugan akong ngumisi sa kan'ya. Namilog ang mata n'ya at lumapit pa sa akin.

"You have a boyfriend now?" Tanong nito. Nagkibit balikat ako at ngumit sa kan'ya. "Yeah, I think so? We have a relationship, for sure."

She gasped. "Bakit di mo pinapakilala sa akin?" Tanong n'ya.

Natameme ako sandali. Thinking how she'll react after she met Apollo, baka sabunutan pa ako nito. "Wag na, baka agawin mo pa." Sagot ko na lang.

"Excuse me? Hindi ako mangaagaw no! Baka ikaw pa!" She harshly said. Hindi ako nakasagot dahil do'n. Gusto kong mainis kay Clea, pero ano ba alam n'ya? She doesn't know Apollo and I have this kind of relationship.

"Naku, naku! Siguraduhin mo lang talaga na wala kang pagtingin sa boyfriend ko, mapapatay kita." I know it was a joke but I am offended. Nakaka-offend naman talaga.

She thinks that I could flirt with his guy? Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Maybe I'm just being too sensitive. Clea is Clea.

"What's with you these past few days, Tatey?" Clea asked after minutes of silence. Ramdam ko ang madiin n'yang titig sa akin pero hindi ko iyon binigyan pansin.

Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon