26

654 9 6
                                    

T A T T I A N A

"San tayo pupunta?" I asked Clea. Ilang araw ito hindi nagpakita sa akin tas bigla-bigla na lang s'yang magpapasama sa kung san.

I wore the simplest dress in my closet, na pinartner-an ko ng flat sandals. I applied sunblock and wore a sunglass protection from the sun.

"Kuya Van's coming." Tili nito. Nanlaki ang mata ko at napangiti din sa balita na sinabi n'ya. "And he bought me a dog! OMG!!!"

"What dog?" I excitedly asked.

"Golden." She giggled and hugged the throw pillow. Bahagya pa itong napahiga sa couch dahil sa panggigil nito.

Kumuha ako ng simpleng hikaw sa lamesa at isinuot iyon sa akin. Nakangiti ko s'yang pinanood. Napanguso ako ng makita ang matambok nitong pisngi na natural na namumula.

Gusto'ng-gusto ko'ng pisilin iyon pero pinigilan ko ang sarili. Ayokong masira ang mood ni Clea. Her cheeks are too cute to be pinched, also.

"You're that excited?" I asked. Napatingin ito sa akin ng masama bago ako inirapan. Napatawa ako dahil do'n. Wala naman akong ginagawa.

"Of course!" Sabi nito. "First baby ko 'yon no!" Unti-unting napaltan ang ngiti ko ng pagnguso. Hindi ko alam kung paano ibabalita kay Clea ang mga nangyari nitong nakalipas na buwan.

Andaming nangyari. Hindi ko alam kung san magsisimula at kung paano ito sasabihin.

"I'm happy for you." Sinsero kong sabi. Napatingin ito sa akin na para bang hindi n'ya inexpect na sasabihin ko iyon. Umupo ako sa tabi n'ya at niyapos s'ya sa gilid. Bahagya pa itong napaigtad dahil sa kilos ko pero hindi naman n'ya ako tinulak palayo.

"I'm happy that you're happy, Clea." Sabi ko.





"San tayo kakain ng lunch?" Kuya Van asked as soon as we reached the car. Umupo ako sa shot gun habang si Clea ang nasa likod kalong kalong ng 4 months old na Golden Retriever.

Kuya Van started the engine. Kahit pagod, ay mas pinili n'ya magdrive. Wala daw s'yang tiwala sa amin pero kami ang pinapunta para sunduin s'ya. Katwiran ay okay lang daw kung kami lang ang maaksidente, pero pagkasama s'ya ay ibang usapan na.

"I want pizza." Agad kong sagot ng matanong ang gustong kainin. Kanina ko pa gusto kainin iyon simula nung nakita ko ang poster ng isang pizza na maraming cheese sa dinaanan namin.

Kuya Van showed me his disgusted face. "No way, Tiana. Tanghaling tapat tas pizza ang naisip mong kainin."

I frowned and bit my lips. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako at tanging pizza lang ang makakapagpabusog sa akin. Lalo akong nagutom ng maisip ang napakaraming cheese sa ibabaw na iyon.

Nag-iwas ako ng tingin at sa daan na lamang itinuon ang atens'yon. Nagsuggest si Clea ng makakain at agad naman itong sinangayunan ni Kuya Van.

Para tuloy akong pinagtulungan ng magkapatid lalo na't hindi man lang nila pinagisipan ang sinuggest ko.

We ate lunch in the restaurant Clea talked about. Iniwan namin ang baby ni Clea sa malapit na Kinder for Pets dahil hindi naman p'wede ang aso sa loob.

They ordered heavy meals, full of meats and sea foods, habang ako ay mas pinili na lang kumain ng lasagna. This is the closest food I could eat here, since it has a lot of cheese too like pizza.

"Tiana, there's a lot of food in the table." Wika ni Kuya Van pero hindi ko ito pinansin. Nakakailang subo pa lang ako ng lasagna ay parang nawawalan na ako ng gana kainin ito.

I drank water and wiped my lips. Sumandal ako sa upuan at tiningnan sila. Kuya.Van's intently looking at me while his sister's bisy with her food. Good for her.

Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon