43

726 11 11
                                    

A P O L L O

"Nasan si Tiarra?" Pagkababang-pagkababa ko sa hagdan ay iyon agad ang bumungad sa akin. My Mom looked at me, waiting me to answer her question about my daughter. 



"Upstair, Mom." Simpleng sagot ko. Tumango naman ito nang ilang beses, naiintindihan ang sinasabi ko. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa gilid at akmang aalis na nang tawagin n'ya ang pangalan ko.


"Kumain ka na muna." May maliit na ngiti na sabi nito bago ako tinalikuran patungo sa hapagkainan. Walang salita na sumunod ako dito.


Umupo ito sa kanang bahagi ni Daddy. Habang si Artemis naman ang nasa kanan, kalapit si Vlair. Vlair raised his hand to me for a high-five. Dumaan ako sa gilid nito para mapagbigyan at nakangiting ginulo ang kan'yang may kahabaan na buhok. He cutely growled.

Ramdam ko ang pagsunod nito ng tingin sa akin hanggang sa makarating ako sa katapat nitonh upuan. He playfully pouted at me before facing his usual morning meal, pancake and strawberry with a lot of chocolate syrup.


Narinig ko ang pagtikhim ni Daddy kaya napaharap ako sa kan'ya. He glanced at my Mom before giving me his whole attention. "Your Mom and I will bring Tiarra to her pedia today." Sabi nito.


Napatingin ako kay Mommy. Hindi n'ya ako tinapunan ng tingin kaya binalik ko ang paningin kay Daddy. "Ako na, Dad. Wala naman akong gagawin." Sabi ko.


His eyebrow arched and non-chalantly shrugged his shoulder. "I actually just want to remind you, just incase you forgot." Mapait akong napangiti bago kumuha ng pagkain para sa akin plato.



The blame is all on me. Wala akong karapatan na magreklamo kung hindi na bumalik ang relas'yon namin nila Mommy dati. Kung dati ay madalang na kami mag-usap dahil sa trabaho, ngayon ay dito na ako muling nakatira pero hindi pa rin kami mas'yadong nag-uusap.


Kung mag-uusap, ay patungkol lang lagi kay Tiarra. She loves her and I'm okay with that. Okay na sa akin magalit dahil kasalanan ko naman talaga lahat.



More than a year ago, after they knew the infidelity I did. Nagkaroon ng mantsa ang pagsasama namin ng pamilya. May pagtatampo akong nararamdaman kay Mommy dahil do'n. Pero wala naman na akong karapatan dahil ako naman talaga ang may kagagawan.



My Mom became distant to me. Para bang istranghero ang turing nito sa akin, lalo nung panahon na sariwa'ng-sariwa pa ang lahat. Mas lumala din nung nalaman n'ya ang tungkol sa annulment. She got mad, furious. Hindi s'ya makapaniwala na pinirmahan ko ang annulment at hindi man lang lumaban.


Kahit na sinabi n'ya na mas mabuting mawala sa akin si Samarrah, dahil sa kagaguhan na ginawa ko. Nagalit pa rin s'ya nung nagpas'ya ako na tanggapin ang lahat.


I just realized everything and decided to end the bond that holds us. I was a jerk to cheat on her and I don't want to be more selfish to hold her from being pain-free.


And I knew her. Hindi naman n'ya puputolin ang lahat kung ayaw n'ya talaga. She got tired of me amd I don't have a right to question her decision.




Her, being happy is what I want. At kung iyon ang magbibigay sa kan'ya ng ligaya ay hindi ko na iyon pipigilan.




"How is she, by the way?" Tanong ni Artemis. Nagtaas ako ng tingin para tingnan kung sino ang tinatanong nito. Mabilis kong nilunok ang sinubong hotdog nang sa akin dumapo ang mata n'ya.


I wiped my lips with the napkin on the side and answered, "She's fine, mas'yado siguro napagod kahapon." Sagot ko.


Grabeng takot ang naramdaman ko nung tumawag sa akin si Nurse Ryna. Hanggang oras ng pagtulog ay hindi parin umaalis ang sakit na dulot sa akin niyon.


Everything Underneath UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon