Chapter 1. "Untold"
"Then we who are alive, who are left, will be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air, and so we will always be with the Lord."
1 Thessalonians 4:17Day 1
Date: December 16, 2030
Time: 6:13AM
Place: Quezon City
I am a sinner.
That is the reason why I was left all alone here. The rapture happened and it took my whole family. I am missing them day by day. I regret everything that happened that day. If I could just turn back time, I wouldn't be so self-fish, stubborn and disobeyed my father. But it's too late now because we were judged to be left here. Hindi ko man lang sila nayakap sa huling beses na nakita ko sila kundi ay isang hindi pa pagkakaunawaan ang nangyari.
"Kris! No!" Malakas na sigaw ni Mama habang ako naman ay tulala lamang sa mukha ng galit kong Papa habang nakataas ang kanyang kanang kamay na sanay dadampi sa aking pisngi. Kung hindi pa siya pinigilan ni Mama, malamang ay namamaga na naman ang pisngi ko dahil sa sampal niya.
Nabuo ang butil ng mga luha sa aking mga mata habang tulala kay Papa at mahinang humikbi. Ano na naman bang ginawa ko?
Marahan na binaba ni Papa ang kanyang kamay at saka tumalikod sa akin.
"Listen, Krisa if you keep on doing this, disobeying your parents, doing all you want, smoke, drink, curse, having sex with anybody..." Dahan-dahan siyang limingon sa akin, bagsak ang mga mata at sinabi ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan kailanman. "You will rot in hell."
Mabilis akong napabangon sa aking kama at naghahabol ng paghinga habang nanlalaki ang mga mata. Ramdam ko ang pawis sa aking noo at ang butil ng luha sa aking mga mata. Napanaginipan ko na naman. Napanaginipan ko na naman ang huling araw na nakasama ko sila, huling araw na nakita ko sila at narinig ang boses nila. That last confrontation ends everything. And it wasn't a good thing to remember. Because at the very end, hindi ako naging mabuting anak. And that is why I deserved to be left here all alone.
Napatingin ako sa maliwanag na bintana. Habang nakatingin ako sa sinag ng araw na pumapasok sa aking bintana ay muli kong naalala ang lahat ng nangyari. Hindi ako makapaniwala na buhay pa rin ako. Hindi ako mapaniwala na nandito pa rin ako. And I will never forget what happened exactly 100 days ago it happened then, it happened that what they called "Rapture". I actually don't have any idea what rapture is before, but after what happened that day 100 days ago. Unti-unti na akong naniniwala. But it's too late for us because we, the sinners were left here.
Bumaba na ako sa aking kama nang magulat ako dahil sa narinig kong ingay sa first floor. Parang ingay ng nahulog na kaldero. Dali-dali akong naupo sa harap ng computer at tiningnan sa mga CCTV ang iba't-ibang parte ng buong bahay. Mula sa sala, sa mga kwarto nila Mama at Papa, sa kwarto ni Kuya Kristian, sa dining area at maging sa kusina. Pero pagtingin ko sa kusina ay wala namang kakaiba. Huminga ako ng malalim at tiningnan naman ang mga CCTV sa labas ng bahay. Wala namang kakaiba sa garden at kahit sa harap ng main door at main gate. Huminga ako ng malalim at napasandal sa aking upuan.
BINABASA MO ANG
Raptured
Horror"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians believe that the second coming of Jesus will end everything and they called it 'Rapture'.