Chapter 2. "Outbreak"

758 56 8
                                    

Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2. "Outbreak"

"Because you have kept my word about patient endurance, I will keep you from the hour of trial that is coming on the whole world, to try those who dwell on the earth."
Revelation 3:10

Day 1

Date: December 16, 2030

Time: 9:53 AM

Place: Quezon City

Nakalabas na kami ng village, mag-iisang oras na kaming naglalakad. Sa may nauna kasing convenience store ay marami nang nauna, and worst sinarado nila ang pinto. Kasabay naming naglalakad, nagdarasal na sana sa sunod na convenience store ay may stocks pa

Biglang namang nagtabuhan ang marami makita ang isang convenience store. At pagdating nga doo ay nagunahan at nagkagulo ang lahat papasok convenience store. May mga nagtutulakan, naghihilaan at nagkaroon na rin ng pisikalan. Tama nga si Froilan, nangyari nga ang sinabi niya. Napatingin naman ako sa paligid, maingay na nagsisigawan ang maraming taong taga-village habang nagsisiksikan at unahan papasok ng convenience store. May iba naman na naglalakad papunta sa ibang direksyon at hindi na nakipagsiksikan.

"They're all dumb." Napatingin kami sa nagsalita sa tabi namin at kasabay na naglalakad. Napakunot ang noo ko at nagtatakang tiningnan ang isang lalaki, kinulayan ng blonde ang buhok niya, payat na maputi at nakasuot ng puting mahabang damit na parang pang-ospital pero ang kinababahala ko ay ang hawak niyang ArmaLite.

"Krisa," mahinang tawag sa akin ni Froilan at saka nilapit ang bibig niya sa tainga ko. "I know him." Aniya na pinagtaka ko.

"Sino siya?" mahinang tanong ko. Tiningnan ko naman siya at tumango. Dumikit pa sa akin si Froilan at may binulong. Nang marinig ko ang binulong niya at nagulat ako at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. Seryoso ang mukha niya at kita ko rin ang pangamba.

Huminto si Froilan at ganoon din kami ni Aliyah. Nagtataka naman si Aliyah at tiningnan kami.

"Bakit guys?" walang alam na tanong ni Aliyah pero ang tingin namin ni Froilan ay nanatili sa lalaking katabi namin kanina. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakatingin pa rin kami sa kanya.

Maglakad ka lang, mauna ka na. Sabi ko sa isip ko.

"Hoy tara na! Ano bang problema?" tawag sa amin ni Aliyah. Inis namin siyang tiningnan ni Froilan. She's so stupid!

"What's wrong?" kinakabahan ako nang marinig ko ulit ang boses ng lalaki. Tiningnan ko siya, he is standing there about a couple of meters from us. He is smiling.

Walang sinoman ang nais na sumagot sa tanong ng lalaki. Tiningnan ko si Froilan, at kita ko rin ang takot sa kanyang mukha at ang namumuong pawis sa kanyang noo.

RapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon