Chapter 14. "Attacks"
"At that time shall arise Michael, the great prince who has charge of your people. And there shall be a time of trouble, such as never has been since there was a nation till that time. But at that time your people shall be delivered, everyone whose name shall be found written in the book."
Daniel 12:1Day 4
Date: December 19, 2030
Time: 5:56 PM
Place: Makati City
It almost been hundred days had passed since the rapture happened. I was the only one among my family left here. Simula nang araw na mangyari ang rapture at ang nakakabaliw na virus na ito, si Froilan ang isa sa mga taong naging kasama ko. He made me believe that I am not alone, but now...he is gone.
"Monica!" malakas na sigaw ni Julian habang humahagulgol ng iyak. Natulala naman ako sa isa pang zombie, si Froilan. They didn't make it from that attack. Nabaling ang tingin ko kay Julian na wala ng magawa kundi ang humagulgol ng iyak. Tiningnan ko ang isa pang zombie, it was her fiancée. Kanina lang ay pinag-uusapan namin siya and now she's here, but this is not what I expected.
"Monica!" muling sigaw ni Julian sa pagitan ng pag-iyak niya at akmang tatakbo palapit kay Monice na isa ng zombie nang pigilan siya ni Braxon. "Let me go, Brax! It's Monica!"
"Juls, hindi na 'yan si Monica!" saway ni Braxon kay Julian. Natahimik naman si Julian at patuloy na humagulgol.
Tiningnan ko si Froilan na isa nang zombie. He is growling like a wild animal. Habang nakatingin ako sa kanya ay naaalala ko ang mga panahon na kasama ko siya. Paanong hindi na si Froilan ito? Kapag ba infected na sila, hindi na ba sila gagaling? Wala na bang lunas para sa virus na ito? This virulent organism will invade the human brain cells but not kill them, this virus will assimilate the cells and rapidly evolve and turn you into a monster to eat human flesh.
"Chaste!" tawag ni Flare kay Chaste habang nakatutok ang riffle kay Monica habang si Chaste naman ay nakatutok ang baril kay Froilan.
Nakaharap sa amin ang dalawang kilala naming zombies habang mabagal na humikilos patungo sa amin.
"Fire!" sigaw ni Chaste na kinabigla ko at maging ni Julian.
"Hindi!" malakas kong sigaw kasabay ng pagluha ko at saka nila pinutok ang kanilang mga baril. Kita ko kung paano tamaan ng bala si Froilan sa katawan hanggang sa matumba pero bumangon ito ulit at dahan-dahan na naglalakad papunta sa amin. Pinanuod ko lang ang mga nangyayari at patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata.
"Chaste," tawag ko kay Chaste at saka hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril. Tiningnan niya lang ako. Marahan kong kinuha sa kanya ang baril na kinabigla niya at mabilis na tinutok kay Froilan. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko habang tinututok ko sa noo ni Froilan ang baril. "I'm sorry..." sambit ko saka pinaputok ang baril na tumama sa noo ni Froilan.
BINABASA MO ANG
Raptured
Horror"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians believe that the second coming of Jesus will end everything and they called it 'Rapture'.