Chapter 15. "Separation"
"So, Christ, having been offered once to bear the sins of many, will appear a second time, not to deal with sin but to save those who are eagerly waiting for him."
Hebrews 9:28Day 4
Date: December 19, 2030
Time: 10:33 PM
Place: Makati City
After the said rapture, everything was in chaos now. We are now living in a world full of sinners and zombies, this is the apocalyptic world. We are all in the war of dead and living, killing dead or a living one to survive. Is there hope for all of us?
"Mamatay ka na, Chaste!" Malakas na sigaw ni Chris habang parang walang bukas na humahagalpak sa tawa.
Akay-akay ko si Chaste habang natatakot na nakatingin sa isang zombies na tumatakbo papunta sa amin. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko at ang buong takot na dumadaloy sa buo kong katawan nang biglang maramdaman ko ang mahigpit na hawak ng kamay ni Chaste sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya at marahan na tinago ako sa likuran niya at hinarap ang zombie na papalapit sa amin.
"No, Chaste..." Mahinang sabi ko.
"I won't let you become infected, Krisa." He said and looked at me. Namuo na ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mga nangungusap na mata. "If I turned one, I want you to be the one who will shoot me, don't let that bastard kill me."
"Hindi!" asik ko kasabay ng pagtulo ng luha ko at saka siya niyakap mula sa likod niya.
"Die!" sigaw ni Chris.
Napapikit na lang ako habang rinig ko ang nakakatakot na sigaw ng zombie na palapit sa amin at doon ay isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Kasabay nito ay ang pagdating ng dalawang army vehicle na humarurot palabas ng building. Nasa taas ng army vehicle si Flare na hawak ang isang shotgun habang si Julian naman ang nasa taas ng isa pang army vehicle, nakatapat naman ang hawakn ni Julian na sniper kay Chirs.
"Para kay Monica, hayop ka." Mariing sabi ni Chris. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata pero isang malakas na tawa lang ang sinagot sa kanya ni Chris.
Biglang bumukas ang isang army vehicle at nakita ko si Braxon.
"Sakay!" sigaw niya.
Inalalayan ko si Chaste na makapasok sa army vehicle pero pagkapasok ko kay Chaste sa loob ay may humawak sa braso ko. Nang tingnan ko kung sino ay isa sa mga lalaking kasama ni Chris. Hinila niya ako palayo sa army vehicle.
"Let her go!" sigaw ni Flare at saka tutok sa lalaking may hawak sa akin ng shotgun pero may mga pulang laser din na tumutok sa kanya.
"Krisa!" rinig kong sigaw ni Chaste at kita kong sinusubukan niyang tumayo at lumabas ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Raptured
Horror"We are all sinners." There was a prediction that the end of the world will be coming soon but nobody knows when and how will it end. Christians believe that the second coming of Jesus will end everything and they called it 'Rapture'.