Chapter 17. "Failed"

340 31 5
                                    

Chapter 17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 17. "Failed"

"When Christ who is your life appears, then you also will appear with him in glory."
Colossians 3:4

Day 5

Date: December 20, 2030

Time: 11:58 PM

Place: Pasay City

"Kailangan nating tumakas. May plano ako."

I am in danger. Hindi mawaglit sa isip ko ang mga sinabi ni Grace kanina. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Sa totoo lang, sobra pa rin akong naguguluhan sa mga nangyayari. Kung hindi sinabi ni Grace na huwag akong sumama sa baliw na Chris na 'yon. I know myself, and I will not think twice to join them to go out. Maybe, Erickson was right, I am stupid, really stupid.

Nakaupo ako dito sa kama habang nakatingin sa bintana na tanging nagbibigay liwanag sa loob ng madilim kong kwarto dahil liwanag ng buwan. Malalim akong huminga habang nakatitig sa earpiece na nasa palad ko. Naalala ko siya habang nakatitig sa earpiece.

"Chaste..."

I put the earpiece on my right ear and turned it on. Wala akong naririnig sa mga sevens na malamang ay nakapatay na rin ang mga earpiece. I sigh as I was going to remove the earpiece when I suddenly heard his voice and made me stop.

"Krisa..."

Naramdaman ko ang biglang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang boses niya. Alam kong isang araw pa lang na hindi ko naririnig ang boses niya pero pakiramdam ko ay parang isang taon ko na itong hindi narinig.

"Krisa, do you hear me..." Rinig kong sabi niya. A smile curved on my lips.

"Yes..." I whispered. Narinig ko pang parang nabigla siya sa kabilang linya.

"Did Grace tell you about the plan?" He asked. Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Oo..." bulong ko at napangiti ulit. Kanina lang ay iniisip ko siya, ninanais na marinig ang boses niya, ngayon ay kausap ko na siya. Malayo man pero pakiramdam ko ay kasama ko na rin siya.

"Bakit gising ka pa? You need to rest; it'll be tiring tomorrow." Sabi niya.

"I don't know why I can't sleep," I answered. Sandaling tumahimik ang kabilang linya. "Chaste?" mahinang tawag ko sa kanya.

Maya-maya pa ay nabigla ako nang makarinig ako ng strum ng gitara. He's playing?

Nakinig lang ako hanggang sa marinig kong kumanta si Chaste sa kabilang linya. Natahimik ako at tinuon ang pakikinig sa pagkanta niya.

RapturedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon