02

1.7K 76 27
                                    

;
Chapter 02

"Nakakahiya naman 'yung ginawa mo, Croozian," halos sabunutan ni Kuya Alex ang sarili niya. Si Papa ay parang wala namang pakialam sa rason ng pagiging bugnutin niya.

Bagsak ang mga mata ko sa kinakain. Mama opted to listen to whatever my brother was saying but she gave me a bearable lecture earlier.

Sakto lang naman. 'Di naman gaanong masakit sa tainga.

Iverson sent me to the guidance office. Masaklap pa dahil may nakasalubong kaming kaklase niya at parang radyong inanunsyo pa ang ginawa ko. Labag 'yon sa loob ko dahil hindi lang naman ako ang may kasalanan. Sabihin na nating ako ang may pakana pero alam ko namang gusto rin ni Ara ang naging suhestiyon ko. Hindi ko naman maipaglaban ang sarili ko kanina dahil hindi niya ako pinahintulutang magsalita.

It was so absurd. Pakiramdam ko tuloy hindi tama na malaki ang paghanga ko sa kanya. Why didn't he let me face my own problem? Sa tingin niya ba siya lang ang dapat paniwalaan dahil Azcona siya?

I feel like my good impression of him has magically faded. For years, I am looking up to him. Nangingiti pa nga 'ko nang mag-isa 'pag naiisip siya. Pero ngayon, hindi ko na alam...

He wasn't fair!

Nakakawalang gana naman 'pag ganon. I know how to defend myself and he doesn't need to add to the drama.

Kaya ganito na lang ang reaksyon ni Kuya Alex dahil kumalat sa department nila ang nangyari sa akin.

"H'wag kang mag-alala, hindi ako papasok para sa'yo," I patted his back to assure him. Kuya Alex glared at me.

"What's the point of hiding, Croozian? Face the criticisms."

"Alex, bata pa ang kapatid mo. Maloko talaga," pagtatanggol sa akin ni Papa.

I smiled at my father. I gave him a big thumbs up. Nakita ko namang umiling si Mama sa ginawa ko. My mother is always like that... minsan ay natanong ko siya kung bakit hindi niya ako lubos na mapagalitan, kahit alin man sa amin ni Kuya Alex. She said that we must figure it out on our own.

"Pa, ano na lang sasabihin ni Sir Theo?"

I scoffed.

"Bakit? Anong kinalaman ni Sir Theo sa ginawa ng kapatid mo?"

I rolled my eyes. "Papa's right. Ano na naman ang naisipan mo Nixon Alexander?" sarkastiko kong ani bago tusukin ang karne.

"Have you forgotten that you are one of his scholars? Kalahati ng matrikula mo ay binayaran ng mga Azcona, Croozian!" nanggagalaiti niyang bulalas.

Oh. I totally forgot about that!

Though we're kind of abled family, scholarships are still helpful for us. Mahal ang pang matrikula kaya maganda rin talagang mag-apply ng scholarship para bawas sa gastos.

"Alex, it wasn't a severe offense. Maiintindihan naman 'yon ni Sir Theo."

"Kahit na, Pa. Half scholar din ako ni Sir Theo... baka maapektuhan."

Umismid ako. "Hindi 'yon. That would be such a petty move."

"Alex, sa pagkakakilala ko kay Sir Theo, hindi siya mabilis manghusga. Bakit, anak? Ni minsan ba ay hindi ka nangopya?"

My father dropped the precious bomb.

I agreed with Papa again. Hindi naman talaga 'yon seryoso pero si Kuya Alex sobra-sobra namang kung maka-react sa nangyari.

In my perspective, Brent Iverson went too far. He stepped on the freaking line. 'Di naman siguro ako hahantong sa ganoon kung pinagbigyan niya akong magpaliwanag.

Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon