11

1.5K 70 50
                                    

;
Chapter 11

Although I was in a state of sweet puzzlement, I managed to tug his wrist to stop him from walking away from me. 'Di ko na alintana kung nagulat siya.

He choked on his drink so he had to hammer his chest smoothly.

"What's your problem?" nauubo niyang tanong. "I was out of breath because of you," mahina ang boses niya dahil sa kauubo.

I suppress my giggle.

"Talaga... pretty?"

Umiwas siya ng tingin. "Yeah... you're pretty. 'Di ba kapani-paniwala?"

Wow, ah. Straightforward! Parang ang dali lang para sa kanya pumuri ng tao!

"Sinisguro ko lang, 'no."

Maganda ako pero ayaw ko namang magmistulang ilusyonada.

"Croozian... your really don't have to wait for a confirmation," nauubo pa rin niyang ani. "Damn. I can't talk properly because of you," he accused.

I smiled. "May tubig ako sa bag, gusto mo? Wala pang bawas 'yon! Uminom kasi ako sa water jug ni Veron kanina," kwento ko sa kanya.

Hindi ko talaga mapigilan ang kilig ko. I didn't know that it was fun to unleash this giddy feeling!

Gusto ko na lang siya daldalin habangbuhay.

Smooth ripples invaded his forehead. Noong nakaraan, nakita ko talagang poreless siya! Ano kayang skincare routine niya... bakit parang hindi siya stressed?

"Why did you drink on your friend's jug? Don't you have hands to get your own water?"

"Hindi malamig 'yong tubig ko."

"Bring your own cold water tomorrow."

Tumango na lang ako para tumigil na siya pero 'di ko naman maintindihan ba't pa ako magdadala ng malamig na tubig kung pwede namang maki-inom na lang ulit ako sa water jug ni Veron.

That way, I would save space inside my bag. Hindi ko na kailangan magdala ng tubig at magaan na lang ang laman, 'di ba!

"What brings you here?"

Ibinaba na niya ang inumin niya at diretsong tumingin sa akin. "Niyaya ako ni Alex na samahan siya pumunta rito."

"You didn't bring your car?"

"Nasa casa, under maintenance."

Nakita ko sa aking gilid ang paparating kong kapatid. Brent Iverson seemed to notice it too so he put a meter distance between us. Dala na ni Kuya Alex ang bag at sapatos na ginagamit ko para sa rehearsals namin kanina.

My brother attacked me with his heavy arm, and he folded it to wrap his arm around my neck. Ganito talaga ang batian naming magkapatid. Laging may halong sakitan.

"Ano, Zian? Pagod?" gigil niyang pinisil ang pisngi ko.

"Masakit!" sigaw ko at siniko siya. He dodged my elbow by moving his waist.

"Akala mo ha... " tawa niya.

Iyong gigil ni Kuya Alex sa pisngi ko ay tumindi. Pagtitinginan na kaming dalawa dito sa gymnasium dahil sa ginagawa niya.

"Kuya!" impit kong sigaw dahil ginulo naman niya ang buhok ko.

"Aray, pucha!"

Humiwalay ang kapatid ko sa'kin at nang nilingon ko siya ay nagtaka ako ba't tinakpan niya ang isang mata at may mantsa ang itaas na bahagi ng uniform niya.

Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon