07

1.5K 68 38
                                    

;
Chapter 07

"Croozian, alam mo ba kung paano simulan 'yung cash budget preparation?" tanong ni Piolo sa'kin habang tutok pa rin ako sa laptop kahit tapos na ang klase.

I sucked out a deep breath to relax my mind. Our teacher is pressuring us to finish our business plan immediately. We also have to present our product before anything else. Faith has already set a schedule for the mock product.

And she asked me to buy all the needed ingredients.

Ngarag na ngarag na kaming lahat.

"Hindi ko rin alam. Ang hirap nga, e. Wala naman tayong kaibigan sa ibang strand."

"Kaibiganin natin 'yung may gusto sa'yo, Croozian," pagsingit ni Frances. "Matalino naman panigurado 'yon!"

Umingos ako. "Ayoko nga, baka biglang humingi ng kapalit."

Makokonsensya rin ako. Alam kong 'di ko masusuklian ang pabor.

Parehong bumagsak ang balikat nilang dalawa habang si Veron naman ay seryosong sinusuri ang papel nila.

I went back to my business. Sinubukan kong maghanap ng template o kaya naman tutorial para magawa nang maayos ang cash budget preparation. Ito siguro ang downside ng science high schools, pahapyaw lang na itinuturo ang mga lessons at kami na ang bahalang tumuklas ng iba pa.

Sa pagod na walang makuhang matinong example, sinara ko ang laptop at hinila ang hibla ng nakakalat na buhok sa'king noo. Inaya ko na silang umuwi dahil tingin ko ay kailangan ko munang magpahinga.

I have to refresh my mind. Hindi yata gagana ang utak ko hanggat 'di ako nanakaw ng maikling tulog.

I was right. Getting a power nap is a paramount habit to get back on your track. I conditioned myself that I should finish my backlogs.

'Di talaga ako mahilig gumawa ng schedule para sa sarili ngunit natutunan kong sumunod sa mga oras na nilagyan ko ng palatandaan kung ano ang hangganan ko dahil parami nang parami ang ginagawang school works.

Tadtad ng multiple tabs ang screen ng laptop ko. Halos maduling na 'ko sa dami ng mga sini-search ko at nalilito na rin ako kung tama pa ba ang ginagawa ko.

Lagi ring tumutunog ang phone ko dahil sa mga unread messages. Most probably, my groupmates were mentioning my name in our group chat

I shut my eyes for three sacred seconds and I did some stretching because my back was starting to hurt.

I grabbed my black hair tie on my bedside table. Magulo kong tinali ang buhok ko at pinili munang gumawa ng meryenda, dala ko pa rin ang mga gamit ko para roon ko na lamang ipagpatuloy.

When I opened my door, I instantly caught Kuya Alex and Brent Iverson walking towards our large living area here on the second floor of our house.

'Di ko na pinuna kung bakit narito ang kaibigan niya.

My eyes squinted in fascination. Unang umiwas ng tingin si Iverson, hindi ako!

I laughed shortly and dismissed the amusing thought which was playing in my head. Bigla ko ring naalala iyong sinabi ni Kuya Atlas.

Naabutan kong nag-uusap si Mama at Papa sa couch. Papa looked at me worriedly.

"Zian, pumayat ka, a?" puna niya.

Ngumiti ako. "Stress lang, Pa. Mababawi rin 'to sa tulog at kain," nagtungo na ako sa nook at pumili ng pagkain. I also heated an ample amount of water for my instant cup noodles.

Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon