;
Chapter 37Busog naman ako sa hinandang pagkain kanina sa bahay nina Kysler pero nagluto pa rin ako ng instant soup at nag-init ng tinapay baka kasi magutom si Iverson sa paggising niya, at hindi naman ako nagkamali, he looked for food when he woke up from his nap.
Nagpalit lang ako ng simpleng black camisole top at shorts dahil 'yon palang ang nalalabhan kong damit.
Habang natutulog siya kanina ay nagtutupi ako ng mga damit ko. I've already picked a nice dress for his graduation. Hindi ko na rin pinoproblema ang sapatos na susuotin ko, 'di naman kasi practical na bibili pa 'ko ng bago tapos sa isang event lang gagamitin. At saka, hindi naman gaanong malaki ang sweldo.
I was stretching my arms when I caught Iverson scanning through my small workspace. Binabasa niya ang ibang mga papel. Probably those are pending activities that I have to check.
He was still topless. Binuksan ko naman kanina ang air con, nakakahiya naman kasi sa kanya parang hindi masyadong pinagpapawisan. At naalala ko pa noon, 'pag nasisikatan siya ng araw nang sobrang tagal ay namumula talaga ang balat niya, katulad ni Yuliya.
"Hindi ka ba nilalamig?"
Patuloy pa rin siya sa pagtingin ng mga papel. "Not really... your ac isn't cooling enough."
Hinablot ko ang controller at binabaan ang temperature.
"Is 16 enough?"
Malay ko ba kung hindi pa rin sakto sa hinahanap niyang lamig 'yong ganoong temperature.
"Hmm," he answered shortly. "Why are you stacking too much paper on your desk? Does your head ache when you see your students' outputs?" he chuckled. May ipinakita siya sa aking isang papel. Ang drawing noong estudyante ko ay puro stick figure. Halatang 'di halos nag-exert ng effort.
Panandalian akong umirap. Lumapit na ako sa kanya para kuhain ang papel na hawak niya. I sat on the swivel chair and began working. He slowly moved away just enough for me to have a nice personal place.
'Di ko naman basta-bastang binibigyan ng grade na mataas o mababa 'yong mga output. I have to consider the elements before I give a score the student deserves, kahit pangit may posibilidad na mataas rin ang makuha at hindi porket maganda ay mataas na agad.
"Wow... 36/40 for the stick figures? Is that a bias grading? Perhaps a child of a co-worker?"
I was already in a defensive stance. Alam ko talagang sasabihin niya 'yon.
"He put effort... and followed my instructions. Tama rin ang ginamit na color palette."
Tumaas ang kilay niya at dinapuan ng tingin ang papel. "Iyon ang basehan?"
"Oo, hindi naman lahat ng tao ay may kakayahan na gumuhit na katulad ng sa'yo o kaya ni Yuliya," at dahil naalala ko 'yon, bumaling ako sa kanya. Nakahilig siya sa gilid at nakapatong ang isang kamay sa ibabaw ng desk. He also looked at me expectantly, "Yes?"
"Do you still draw?"
"Yeah, I usually draw with my nephews and I still do illustrations solely for medical use."
"Do you sell it to publishers?"
Tumango siya, "Some of them. Maganda ring small income habang nag-aaral pa rin ako."
Agad akong humanga sa kanya. Maybe he saw my eyes twinkling, and I don't have any problem with that. Buti naman at ginawa niya 'yon dahil sayang naman 'yong talent niya.
"Buti ka pa..."
Napangiwi ako sa tono ng pagsagot ko sa kanya. Parang tunog inggit ako. Well, yes. Naiinggit ako na ang productive niya sa nagdaang taon. Unlike me who was still lost and confused... I think.
BINABASA MO ANG
Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)
RomanceBrent Iverson Azcona has no time for either life or love games. He hates delays because he treasures his time so much in a concise and preserved demeanor, but it all crumbled down as he started to indulge himself. Photo Credit Art Illustration by Ja...