18

1.1K 42 11
                                    

;
Chapter 18

I think it only took me a split second to realize that I was about to build the foundation of my career, away from my family.

Apat na buwan pa lamang ako ritong nag-aaral pero 'yung pagod ko pang isang taon na. During my first week living alone, I felt really happy and independent but as the succeeding months passed, my energy was significantly drained.

Hanep. Ang hirap!

Swerte pa nga siguro ako sa lagay ko dahil may support system ako, si Adriel. Bihira lang kaming magtagpo sa campus pero kapag may oras siya ay binibisita niya ako. Ganoon din ang ginagawa ko sa kanya.

Nahihirapan ako pero paninindigan kong kaya ko. Pinagyabang ko pa naman kay Kuya Alex na hindi ko kailangan ng tulong niya.

Ngunit heto ako ngayon, nanganganib kung papasa ba ng first year. Sa ilang buwan kong pag-aaral sa institusyon, naisip kong 'di talaga ako magaling. They're so many talented people in the room— around the whole University actually.

Hanga nga ako dahil ang bilis nilang maintindihan iyong mga lectures. Samantalang ako, 'di sapat iyong makikinig lang ta's gamay na agad ang mga derivatives at ibang complex concepts.

Tsamba lang siguro ang pagpasa ko sa entrance test.

But today, I chose myself. I am off to see Iverson this afternoon at Kuya Atlas' flat. I chose to set aside my backlogs and other readings. Gusto kong sumaya; kailangan kong huminga.

Priority ko muna ang sarili ko ngayon.

Wala pa nga ako sa kalahati ng taon pero 'yung utak ko sumusuko na agad sa dami ng inaaral, sobrang information overload.

"Zian," that was the most comforting and endearing voice that I wanted to hear. Iverson's arms were open for me. I missed seeing him in his clear specs and tidy haircut.

I flashed a wide smile then attacked him with a warm hug. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking sentido at hinigpitan ang yakap. I snaked my arms around his waist and touch his broad back. I enjoyed sniffing his expensive scent. Halos ibaon ko na ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Ano ba 'yan, Brent. Papasukin mo muna si Croozian bago mo landiin," eksena ni Kuya Atlas kaya mabilis din kaming naghiwalay dahil sa kanya.

He was the one who broke our hug.

Namataan ko namang nakasuot si Kuya Atlas ng isang apron. It's a pink apron with a ribbon strap. At nakapagtataka na may initials ng isang babae, hindi naman pangalan ni Yuliya.

Umalis naman na siya agad dahil may naiwan siyang niluluto sa kusina.

Nang nilingon ko ang isang gilid kung saan naroon ang shoe rack, napansin kong may sneakers na pambabae.

"It's his best friend's shoes and apron, if you're wondering."

My lips parted.

"Live-in?"

"Sort of?" hindi yata siya sigurado kung tamang label ba 'yong sinabi ko. "She's paying my brother for the expenses every month... so, she's basically renting a space in this unit."

Tumango na lamang ako at 'di na pinalawig ang pang-uungkat ng topic. Iverson motioned me to sit on the couch with him. 'Di ko mapigilan ang paglapad ng labi ko.

Seeing him feels like home.

"You gained some weight," I mumbled. I liked his physique before but I like his transformation even more.

"I workout during weekends."

Ang unfair... sana may oras din ako para magkaroon talaga ng me time!

Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon