;
Chapter 10Ang munting pag-ubo ko ay nagpalingon sa kanilang dalawa. Brent Iverson put down his spoon.
Tinanguan niya ako at tinuro ang isang malaking paper bag.
"I brought some lomi, kain ka."
My mouth fell open. Sinipat ko ang orasan namin at naguguluhan na narito siya.
Gabi na, a?
My chest heaved as I balled some air. "Nag-aral kayo ni Kuya Alex?"
Brent Iverson shook his head. He pulled the chair beside him, and I did not see any traces of doubt when he took the clean bowl and poured the lomi on it.
"Zian, umupo ka na at kainin mo ang lomi. Masarap lang 'yan 'pag mainit," si Mama. She hasn't finished her food yet.
"Si Kuya po?"
"He's with his group," Brent Iverson said before turning his head to look at me. "Bumisita lang talaga ako... at may sasabihin na rin."
I pressed my lips and claimed the chair next to him. Ayokong magtanong, baka kasi mabasag na naman ako.
Pero sa totoo lang, naguguluhan ako sa inaakto niya simula noong gusto kong lumipat ng eskwelehan. Imposible namang guilty pa rin siya sa nangyari... ano 'yon? Laging may pa-lomi rito sa bahay?
Nasilayan ko ang matipid niyang ngiti, hindi pa rin nababawasan ang lamig at kapangyarihan na mayroon siya. Sa lapit naming dalawa ay amoy na amoy ko ang mamahalin at panlalaking pabango niya.
Binigyan niya ako ng kutsara at mailap ko namang tinanggap 'yon.
"Salamat."
"Naku, hijo, salamat talaga sa lomi, a? Paborito ko talaga 'to," ngiti ni Mama. Sumandok pa ulit siya ng pagkain.
"Paborito ko rin po 'to... naparami po kasi ang bili ko kaya naisipan kong dumaan dito at ibigay po sa inyo."
I glanced at him.
"Hindi mahilig si Yuliya sa lomi?" I asked.
"Mahilig."
"Bakit hindi mo na lang pala inuwi 'yung pagkain?"
I know it was a harmless question but I think he went rigid on his seat.
"May itinira ako para sa kanya... nasa kotse."
"Ah," tango ko. "Matagal ka pa ba rito?"
Umarko ang kilay niya. "Pinapauwi mo na ba ako?"
"Oo? Gabi na, e."
His lips parted. "You're unbelievable, Croozian. I don't think this is how you treat your visitor."
Scrunches were visible on his forehead. He seemed so insulted.
Anong unbelievable? Hoy, concerned 'to sa'yo, 'no!
"Brent, pamilya ka namin. You're not a mere visitor," I wanted to groan. Pambobola ba 'yon ni Mama para sagipin ako?
"Oo nga, pamilya ka na," gatong ko at ngumiti pa.
'Di ako sigurado kung tama bang nakita ko siyang umirap bago kumain ulit.
Habang tinatapos kong higupin ang sabaw ng lomi ay hindi ako mapakali. I already wanted to tell Mama that I need some financial support for the upcoming event. Gusto ko ring malaman ang maaari niyang suhestiyon. Kaya gusto ko nang umalis si Brent Iverson para makapag-inarte na ako kay Mama.
I was constantly stomping my foot on the floor. Impatience was now dwelling in my gut. Veron and I have decided to wear car racing attire. Veron was very hands-on. Siya ang humanap ng pwede naming rentahan na outfits.
BINABASA MO ANG
Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)
RomantizmBrent Iverson Azcona has no time for either life or love games. He hates delays because he treasures his time so much in a concise and preserved demeanor, but it all crumbled down as he started to indulge himself. Photo Credit Art Illustration by Ja...