;
Chapter 03Kuya Alex declined Brent Iverson's offer for me. Sa akin pa siya nagalit! Masyado raw akong demanding!
I was not the one who asked and wanted the offer. Kusa lang naman nagbigay ng offer suggestion 'yung kaibigan niya. Plus, I badly want to transfer school. Wala na akong problema kung ano pa 'yung mga kalat ng mga balita tungkol sa akin.
"Zian," tawag sa akin ni Kuya Alex habang nagpipinta ako. 'Di man lang kumatok bago pumasok ng kwarto ko.
Ipinunas ko ang aking kamay sa black apron na suot ko. I removed the pencil tucked in my ear and put it down on my desk.
Hindi nahiya si Kuya na humilata sa kama ko. I grunted when the quilt of my bed had crumples.
"Bakit?"
"Napag-isipan mo na ba ang offer ni Brent?"
I tilted my head, confused. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko 'yon tatanggapin? Papa already agreed to transfer me. Mag-aayos na lang ako ng requirements at kukuha ng exam para makapasok."
"Ayaw mo sa ibibigay na allowance sa'yo?" He seemed so bothered.
Sumimangot ako. "No. I don't need that."
Marahas siyang bumangon at ginulo ang buhok. He looked very frustrated when he glanced at me.
"Hindi ka pa naman nakakabili ng uniform, 'di ba?"
Kumunot ang noo ko at bumalik sa inuupuan. "Bibili pa lang pagkatapos ng exam, bakit?"
My brother blew a sigh. "Pag-isipan mo nang mabuti 'yung binigay na offer ni Brent. Malaking bagay rin 'yon para sa'yo."
I scoffed.
"Nakalimutan mo na bang sinabihan mo 'ko ng demanding?"
"Tanggapin mo na lang yung offer!" aniya na tila nauubusan na ng pasensya. "Hinihintay ni Brent na magbago ang isip mo. He wants you to accept the scholarship. Ang sabi pa niya sa akin ay willing siyang humingi ng permiso kay Sir Theo para maging full scholar ka hanggang kolehiyo."
I pursed my lips.
"Concerned?" I asked. I tried not to sound happy while I was smirking.
He shook his head.
"He's guilty, Zian," umalpas agad ang ngisi ko.
Napairap ako sa ere at nang hablutin ko ang brush para magpinta muli ay hindi naging maganda ang kinalalabasan.
"Hindi ko pa rin tatanggapin. Ibigay na lang niya sa iba, Kuya Alex."
"Full scholarship na 'yon, Zian! Hanggang kolehiyo pa!"
I wanted to laugh at his miserable state. He was like a salesperson who was tired of endorsing an unpopular product.
"Hindi lang naman pamilya nila ang nagbibigay ng scholarships, Kuya. Marami pang iba diyan."
Padabog siyang lumabas ng kwarto ko. Tumawa na lamang ako at 'di inintindi ang mga sinabi niya. 'Di ko pa talaga nakukuha ang buong tiwala ni Papa tungkol sa paglipat ko ng school pero sa tingin ko naman ay gusto rin niya ang naging ideya namin ni Mama. The next day, I was shocked that Yuliya invited me to come over. May hihingin daw siyang pabor. Hindi naman kasi siya mahilig mag-imbita 'pag weekdays kaya nakakapagtaka na pinapapunta niya ako.
I didn't have a hard time asking for Mama's permission. Nagprisinta pa siyang ihatid ako sa mansyon ng mga Azcona.
Mabilis akong pinapasok sa bahay nila dahil kilala na 'ko ng kanilang guard.
BINABASA MO ANG
Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)
RomanceBrent Iverson Azcona has no time for either life or love games. He hates delays because he treasures his time so much in a concise and preserved demeanor, but it all crumbled down as he started to indulge himself. Photo Credit Art Illustration by Ja...