05

1.6K 67 7
                                    

;
Chapter 05

Simula noong nakilala ng mga bagong kaibigan ko si Kuya Alex at Brent Iverson ay halos naging habit na ni Piolo at Francesca na magtanong. Nalaman din kasi nilang isa palang Azcona ang nakita nila.

I was uncomfortable answering some of their questions... katulad na lamang kung sino ang girlfriend ni Brent Iverson.

Paano kung sabihin kong ako 'yung girlfriend, maniniwala kaya sila?

I am certain that they would call me ambitious or delusional! I am so sure of that.

"Croozian, kumpleto na ba 'yung materials natin?"

Tumango ako sabay pagpag sa palda kong navy blue, a typical style of uniform compared to the uniforms in private schools or some universities一 'yung sa'min ay simpleng pleated skirt, blouse, at ribbon lang. Most of the school directors like their academic institutions to have unique representations. Maybe it's their way to let their students stand out... pati na rin siguro ang school. Para sa'kin, masyadong over emphasized ang uniforms, dagdag lang sa bayarin. Ultimong malimutan mo lang coat mo ay 'di ka papasukin, e.

Violator ka agad. Sobrang mali.

'Pag ba ganoon hindi ka na makakasagot sa quizzes or seatworks?

I am done fixing my bag. Simpleng yellow pad, calculator, at pens lang ang dala ko. Ang iba ko naman kasing gamit ay nilalagay ko na sa locker para hindi mabigat ang bag.

We're now heading to our house. We had the freedom to choose our groupmates. Mayroong disadvantages lalo na 'yung mga sinasabihang 'loner' sa loob ng room. Tinangka ko ngang ayain 'yung sinasabihan nilang ganoon, e. But I was too late, she already told our teacher that she can do the project by herself... at pinayagan naman siya agad.

"Kapag kulang pa sa white cartolina ay pwede naman akong bumili."

"Iyong mga markers ba? Ayos na ba sa'yo 'yung mga 'yon? Para kasing nakukulangan ako," ani Francesca.

Francesca ravaged the coloring materials inside her bag. Puro tanyag na brand ang nakita ko at halos pareho ang mga gamit niya kay Yuliya.

Nabitin sa ere ang magiging biro ko dahil biglang umeksena si Piolo.

"Ano ba 'yan, Frances... mamaya ka na magkalat sa bahay nila Croozian."

Inimis ni Piolo ang gamit ni Francesca at siya na rin ang nagdala ng bag nito at tumulak na para maglakad. Veron rose from his seat and began following Piolo.

I only smirked and nudged my friend. Francesca has a tendency to shout at Piolo at 'pag nangyari 'yon, baka hindi na namin masimulan ang project.

"Tara na. Mama's waiting for us, siguradong nagluto 'yon para sa inyo."

Parang dalawang buwan pa lang ako rito pero ramdam na ramdam ko 'yung mga simpleng galaw ni Piolo para kay Francesca.

Hindi ko na kasabay umuwi si Kuya Alex kaya sumakay kaming apat sa jeep. I paid for our fare and didn't bother asking them to pay back. They all disapproved when I told them that we have to take another ride so we wouldn't sweat under the afternoon sun.

Veron insisted that we could walk until we reached our house. Pinagmasdan niya kasi ang mga bahay at huminto pa kami ng saglit sa clubhouse upang matanaw niya 'yon nang mabuti.

"Pasok kayo," I opened our metal gate. It created a minimal eerie sound. "Be mindful of your steps," I added. Mama would be so mad if they'd step on the grass that she planted and the white rocks that she placed on the ground.

Fit the Puzzle (Azcona Cousins #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon