Kinabukasan ay dumaan ulit ako sa room nila Exequiel para tanungin kung ano ang problema niya. Noong si Exrielle kasi ang tinanong ko ay wala naman itong sinabi. Nanahimik lang ito at sinabing wala lang daw 'yon. Umabsent lang daw sila dahil na-late sila nang gising pero hindi ako naniniwala. Gusto kong manggaling mismo sa bibig ni Exequiel ang sagot.
Ito na lang din ang tanging araw na pwede ko siyang makausap para mawala na rin ang mga iniisip ko dahil baka makaapekto ito sa exam namin next week. Hindi ako pwedeng bumagsak.
"Exequiel, pwede na ba kitang makausap ngayon?"
Kung tutuusin ay dapat hindi ko na iyon tinanong dahil may karapatan din naman akong makipag-usap sa kaniya.
Tumango ito at naglakad, nauuna sa akin. Sinundan ko lamang siya. Mukhang alam ko na kung saan niya ako dadalhin.
"E-exequiel, kung nasa isang papalubog na barko na tayo, paano tayo makakaligtas kung pareho tayong hindi marunong lumangoy. H-how do we save us?" panimula ko.
"Save yourself. Huwag mo ng isipin kung paano ako makakaligtas. Isipin mo na lang kung paano mo maililigtas ang sarili mo." seryosong sagot niya.
Nasaktan ako dahil sa naging sagot niya. Akala ko pareho pa rin ang isasagot niya. Alam kong alam niya na iba na ang tinutukoy ko sa naging tanong ko pero hindi ko inakala na gano'n ang isasagot niya.
"Kiel, May problema ba tayo?" inosenteng tanong ko.
"Wala—"
"Wala naman pala e pero bakit parang pakiramdam ko may nagawa akong mali?" nasasaktang tanong ko.
"Pagod lang ako."
"Pagod din naman ako e! Akala ko naman naiintindihan mo ako kasi alam kong hindi ka mababaw na tao pero bakit parang nagkamali ako ng akala? Ano bang problema mo?"
Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang ito sa akin at parang naghihintay pa ng ibang sasabihin ko.
"Magsalita ka naman! Huwag mo naman akong gawing tanga."
"Pagod ako, George. Pagod na ako. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Let's end this." sabi nito.
Fuck! Naramdaman ko na. Dapat pala hindi ko na itinuloy. Tangina naman! Kaya ko nga siya kinausap dahil gusto kong maayos kung ano man ang problema niya sa akin. Para mabawasam na rin ang iisipin ko next week.
"Nawala ka lang ng isang araw pagod ka na agad?" may bahid ng sakit na tanong ko.
"Huwag na nating pagtalunan pa ito. Alam kong pagod ka na rin. Mas mabuting tapusin na natin 'to." he told me as if he was sure about how I feel.
Pagod na ba talaga siya? Saan? Sa akin? Sa ugali ko? O sa sitwasyon naming dalawa? Akala ko maiintindihan niya dahil alam niyang mas mahalaga sa akin ang pag-aaral.
"Oo, pagod ako. Pagod ako pero I will never be tired of you. Busy lang ako dahil nag-aaral ako para sa finals pero kahit kailan hindi ako mapapagod sa'yo. You heard me? Ganon kita kamahal." paliwanag ko.
Mahal niya ako kaya alam kong lalambot din ang puso niya. Baka may problema lang sila sa bahay? Baka nag-away sila ni Tita o ni Exrielle. Baka nga 'yun lang ang dahilan.
"George, this is for the better. I am doing this for your own good. Trust me, someday, you'll thank me for doing this." dahilan niya.
Hindi ko makuha ang sinabi niya. Prank lang siguro 'to dahil hindi ko alam kung ano at kung saan niya kinuha ang sinabi niya. Masyadong madrama iyon, wala naman kaming naging issue na kahit na ako. Hindi rin matapobre ang mga magulang ko dahil hindi rin naman kami mayaman kaya imposibleng maging isa ito sa dahilan.
"Is this some kind of a joke?" naiiyak na bintang ko.
"I love you..." malungkot na sabi niya.
Alam ko. Alam kong mahal mo ako. Patay na patay ka nga sa akin e.
Pero nagtaka ako nang umatras ito...
"And this will be the last time you will hear me saying those as you boyfriend." he continued.
Napawi ang ngiti sa mga labi ko. Ano po bang ginawa ko? Una si Kein, tapos ngayon si Exequiel naman?
"I hate you, Exequiel! Hindi mo man lang nilinaw sa akin kung ano ba ang problema natin?" he reached for my hands. "Ang daya daya mo. Wala ka na bang pakialam sa kung anong mararamdaman ko?"
I never meant those words, anyways. Nadala lang ako ng emosyon ko.
But... does he knows how his words hurt me?
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya habang tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at medyo kumalma na ako. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin pa rin siya sa akin. May mali. Alam ko. I can see through his eyes. He was looking at my face with his sad eyes. It used to be happy. His eyes used to glow when looking at me. What really happened to you, Exequiel?
"Gabi na. Iuuwi na kita." panimula nito. No. I won't go with him.
"No." matapang na sagot ko. "Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na. Pag-isipan mo munang mabuti ang mga sinabi mo."
"George, pinaalam kita kay Tita. Huwag ka nang makulit. Ihahatid kita. Last na 'to. Pangako." mahinahon niyang paliwanag.
I looked at his face. Ang daming nagbago. Mas pumayat siya kumpara noong nakaraan. At higit sa lahat, mas kapansin pansin ang pamumutla niya.
Ano bang ginawa ng isang 'to? Pagod ba talaga siya? Nawala lang naman siya ng isang araw!
"George, please. Makinig ka naman sa akin." pagsusumamo nito.
"Ano bang mahirap intindihin sa "no"? A no is an answer. Huwag mo akong pilitin." pagkatapos ay isinukbit ko na ang bag ko at tinalikuran siya.
Kahit naririnig kong isinisigaw niya ang pangalan ko ay hindi ko siya nilingon. Ayoko. Ayoko pa siyang harapin. Masyado pang masakit. Baka magbago pa ang isip niya.
Baka pagod lang siya. Kailangan niya lang sigurong magpahinga. Kailangan ko rin siguro. He used to be my home. He used to be my comfort zone. Siya ang pahinga ko.
Pero paano kung napagod na rin siya sa akin? Kanino ako lalapit? Sino ang pupuntahan ko?
That place is our place. Our favorite place. The place where we met, where I fell in love with him, and where we shared happy memories. And I'm scared of hating that place. I'm scared of how it will remind me of our break up.
Kaya sana... sana magbago pa ang isip niya.
BINABASA MO ANG
How Do We Save Us
Teen Fiction(Save Duology Book 1) She wants to have a good grade. He wants to live a normal life. They never liked each other until faith played with them. How would these two people with very different personalities deal with their growing feelings for each...