Chapter 10

12 2 10
                                    

Halos wala namang pinagkaiba kahit may Exequiel na sa buhay ko. Hindi naman kasi kami madalas magtext dahil wala naman ding interesanteng pag-uusapan. Kahit noong nagbalik na ulit ang klase, 'yun nga lang may nag-aalaga na sa akin. Hindi naman sa walang nag-aalaga sa akin dati, it's just iba pa rin talaga 'yung kapag may iba nang gumagawa non bukod sa family and friends mo.


"You're sweating." mahinang bulong sa akin ni Exequiel habang sinasakop ang buhok ko. Nakasanayan niya nang itali ito tuwing naiinitan ako pagkatapos ay pupunasan ang pawis ko kahit hindi pa siya tapos kumain.


Tuwing lunch ko at uwian ko lang din naman siya nakakasama, madalas ay nakikigulo pa ang pinsan niya sa amin. Si Kein ay busy pa rin sa training nila.


I mouthed him 'thank you'. Sobrang caring niya talaga, ewan ko ba pero 'yung simple gestures niya, sobrang laki na ng impact sa akin.


Ngumiti ito pagkatapos itali ang buhok ko at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos ko ay tumayo ako at bumili ng tubig para sa aming lima. Give and take dapat sa isang relasyon, hindi 'yung puro give nang give at take nang take lang. Ang unfair lang both sides kasi dapat fair lang kayong dalawa.


After ng lunch ay dumiretso na kami sa kani-kaniyang classroom.



"Grabe! Kababalik pa lang natin sa eskwelahan ang dami agad itinambak sa atin na gagawin." reklamo ng mga kaklase ko noong tapos na ang klase.


Totoo naman. Ang dami agad ipinagawa sa amin ngayong linggo, karamihan ay group task pa tapos ang daming props at pagr-research ang kailangan. Ako na nga halos ang gumagawa at isinusubo ko na lang sa mga kagrupo ko. Goal ko rin kasi na hanggang matapos ang school year ay mapanatili kong matataas ang grades ko, with honors sana hanggang sa dulo.


Inayos ko na ang bag ko at hinintay si Jheloria para makalabas na kami. Feeling ko nas-suffocate ako sa loob ng room namin.


"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Exequiel noong maabutan niya kami sa may labas ng classroom.


"Hmm, medyo pagod lang sa school today."


"Do you want me to carry your bag?" suhestisyon nito. Agad naman akong umiling dahil sobra sobra na 'yon. Pagod naman kaming lahat sa school works.


"Okay lang. Tara uwi na tayo."


Nauuna kaming maglakad ni Jheloria habang nasa likod naman namin ang binata. Nakasanayan na namin ito at tsaka ang panget namang tignan kung parang nakikisai si Jheloria sa aming dalawa.


"May itinatago rin palang kasweetan 'yang jowabels mo." sabi ng kaibigan ko bago kami maghiwalay ng daan.


"Ewan ko pero ang dami niyang napapansin pagdating sa akin." simpleng sagot ko.


Tumango na lamang ito at nagpaalam na.




Habang nasa tricycle ay naisip kong tanungin si Exequiel. Ang dami ko na kasing nakikitang post tungkol sa "if the boat is sinking" na 'yan.


"Kiel, if the boat is sinking tapos hindi naman tayo marunong lumangoy pareho, how will you save your self? How will I save my self? How do we save us?"


He patted my head. "I like your nickname for me. Anyways, let's get drown together."


Edi mamamatay kaming pareho, bungol talaga ang isang ito. Minsan talaga ang weird niyang mag-isip, buti na lang patay na patay siya sa akin kung hindi matagal ko na 'tong iniwanan. Joke only.




"Oh, Georgina? Inihatid ka na naman ni Exequiel? Noong una ay pakipot ka pa, bibigay ka rin naman pala." bungad sa akin ni mama pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay.


"Kakareto niyo 'yan." pagod na sabi ko. Ayoko na ring makipagtalo kay mama ngayon dahil pagod ako. Tinatamad din akong magsalita, makikipag-asaran na naman kasi siya. Hilig talaga niyang asarin ako kasi gandang ganda siya sa akin.


Umakyat na ako sa kwarto at ginawa ang mga kaya kong gawin ngayong araw. Dinalhan na lang ako ng pagkain ni mama dahil alam niyang marami akong gagawin ngayon.


Halos hindi ko nga ginalaw ang dinala niyang pagkain, nasa school works kasi ang focus ko at isa pa, hindi naman ako nagugutom. Ipinababa ko na lang kay Kein ang pinagkainan ko at nagpahinga ng kaunti bago dumiretso sa kama at natulog.



Text agad ni Exequiel ang bumungad sa akin pagkagising ko.


From: Kiel
Morning. Hindi ka raw kumain kagabi?


Napaisip ako sa message niya. Sinabi kaya ni Kein? Bumuntong hininga muna ako bago nagtipa ng mensahe.


To: Kiel
Good morning. Kumain naman kaso hindi ko naubos, ang dami kasi.


Dinahilan ko na lamang iyon dahil ayokong mag-aalala siya sa akin. First time niyang mag-open ng topic about sa ganito.


From: Kiel
Anong pwede kong maitulong sa'yo?


Hayst, kaya ayokong magsasabi sa kaniya kasi feeling ko nagiging responsibilidad niya na rin 'yung mga bagay na dapat ako ang gumagawa.


To: Kiel
Wala. Moral support lang. I love you.


From: Kiel
A'ight. I'm always here for you. Always remember na you did great! I love you.


Napangiti na lamang ako dahil do'n. Hanggang kailan kaya ito? Sana hindi free trial.

How Do We Save Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon