“Arceo, Van Exequiel"
Pangatlong beses na tawag sa pangalan ng dati kong nobyo ngunit wala pa ring umaakyat sa stage. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, sinisigurado kung wala ba talaga siya.
Completion nila ngayong araw pero ni hindi ko pa nakikita maski ang anino nito. Hindi ba siya aattend? Bakit? Sayang ang pagkakataon.
Nang matantong wala rito ang taong iyon ay nagpatuloy na sa pagtawag ang may hawak ng mikropono.
Nagtuloy-tuloy na ito hanggang sa matawag na ang pangalan ng kapatid ko.
“Guizon, Kein Gregory D.”
Nagpalakpakan kaming lahat noong tawagin ang pangalan ng aking kapatid. Tumayo pa sila mama at papa at malakas na pumalakpak. Natawa ako dahil doon. Masaya sila... masayang masaya.
Tumingin muna ito sa amin bago umakyat ng stage. Proud na proud kaming lahat sa kaniya. Nag-uwi ng maraming karangalan si Kein, puro ito pang-sports dahil doon naman talaga siya magaling.
Natapos ang ceremony ngunit hindi talaga sumipot si Exequiel. Maraming nagtaka sa mga kaklase niya lalo na si Kein. Alam kong medyo nagkalabuan silang magkaibigan dahil sa nangyaring iyon pero hindi mo pa rin naman maiaalis sa kapatid ko na mag-aalala. Maging ako ay nag-aalala rin para sa kaniya.
Imposibleng makalimutan niya na may mahalagang event ngayon. Imposible iyon.
Pumunta ako sa bahay nila para tanungin sa mama niya kung bakit hindi sila nakaattend ngayong araw. Sabi rin kasi nila mama na ipatawag sila Tita dahil may kaunting salo salo kami sa bahay at pag-uusapan na rin kung bakit hindi sila nakadalo kanina.
Si Exrielle ang naabutan ko sa loob ng bahay ng pinsan niya. May dala dala itong bag, tiyak kong mga damit ang laman noon.
"Saan ka pupunta?" kuryosong tanong ko.
Hindi ito sumagot at yumuko lamang.
"Nasaan sila Exequiel?"
"Umalis na sila."
"H-ha?"
"Wala na sa rito kaya huwag ka ng magtanong." malamig ang tinig na sagot nito pagkatapos ay inilock na ang pinto at umalis na.
Umuwi ako ng bahay na masama ang loob. Pinilit kong ngumiti sa harap nila mama kahit gusto kong umiyak. Mahalaga ang araw na ito para kay Kein kaya dapat ay hindi ko sirain.
Pagkatapos ng kaunting salo salo ay niligpit na rin namin ang mga pinagkainan. Si mama na ang nagpresintang maghuhugas ng mga iyon, magpalatulong na lang daw siya kay papa kaya dumiretso na ako sa may kama ko at nahiga. Kinuha ko ang telepono ko at nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
To: Kiel
Tinupad ko ang pangako ko.Isinend ko iyo bago muling nagtipa ng panibagong mensahe.
To: Kiel
Pinapalaya na kita. Mag-iingat ka. Palagi mong tatandaan na minahal kita.Hindi na rin ako umasang rereplyan pa niya ako. Ngayon pa? Ngayon pang umalis na sila rito.
Pumunta ako sa may contacts ko at binura ang numero niya roon. Binura ko na rin ang buong conversation namin para wala na rin akong babalikan pa.
Kinabahan ako noong makareceive ako ng text sa isang unknown number.
From: Unknown Number
Tutuparin ko ang pangako ko.Binura ko ang mensaheng iyon. Alam kong galing 'yon sa kaniya. Sigurado ako roon dahil kabisado ko ang numero niya. Imposible rin naman na may may ibang maligaw na text sa akin at sabihing tutuparin niya ang pangako niya. Wala namang ibang nangako sa akin.
Hindi na ako aasa pa, Exequiel. Ni hindi nga tayo nagtagal, tuparin mo pa kaya ang pangako mo? Imposible.
Tumingin ako sa gallery at tinignan sa pinakahuling pagkakataon ang mga alaala naming dalawa. Pagkatapos noon ay binura ko na ang lahat ng bahay na merong koneksyon sa kaniya. Lahat ng litrato naming dalawa. Lahat ng bagay na nakakapag-paalala sa akin sa kaniya.
Pinalaya kita hindi dahil hindi na kita mahal. Pinalaya kita dahil ayokong mahalin ka pa. Pinalaya kita dahil gusto kong mahalin naman ang sarili ko. Ang dami ko ng bagay na isinakripisyo at mga bagay na hindi ko nakuha dahil sa pagmamahal na 'to.
Masaya ako na nakilala kita at nabigyan ako ng pagkakataon para maging parte ng buhay mo. Naranasan ko ang mahalin ng ibang tao sa unang pagkakataon. Naranasan kong alagaan at unawain ng tanong espesyal para sa akin. Masaya ako roon pero nagsisisi ako na nakilala kita sa panahong inaabot ko ang pangarap ko.
Nagsisisi ako dahil hindi kita sinunod. Mas pinili kong umisip ng paraan para mailigtas tayong dalawa. Nagsisisi ako dahil mas pinili kong malunod kasama mo kung pu-pwede ko namang unahing iligtas ang sarili ko.
How can we save us?
No.
We cannot save us because we can't even save our drowning selves.
Patuloy lang nating lulunurin ang isa't-isa dahil pareho naman tayong hindi marunong lumangoy.
BINABASA MO ANG
How Do We Save Us
Teen Fiction(Save Duology Book 1) She wants to have a good grade. He wants to live a normal life. They never liked each other until faith played with them. How would these two people with very different personalities deal with their growing feelings for each...