Chapter 8

16 2 4
                                    

"Anong susuotin mo sa birthday ng 'ex' mo?" may diin sa salitang 'ex' na tanong ng kaibigan ko.


"Kahit ano nga." pagod na sagot ko.


Ilang araw na niya akong kinukulit sa kung ano ang susuotin ko sa birthday ni Exequiel. Pagod na pagod na kakasagot sa kaniya dahil iisa lang naman lagi ang sagot ko.


"Pwede ba 'yon?" sabay na sabi namin. Sa ilang araw niya na pagtatanong no'n ay nakabisado ko na ang mga sinasabi niya. Sabay kaming umirap at nagtawanan. She's indeed my sister.




"Ate, anong isusuot mo sa birthday ni Exe?" inirapan ko agad ang kapatid ko nang marinig ang tanong niya. Ilang beses ko pa bang dapat na marinig ang tanong na 'yan?


Hindi ko siya sinagot at sa halip ay kinuha ang cellphone ko. Inopen ko ang facebook account ko at nag-appear ang chat head ni Exrielle.


"Anong susuotin mo sa birthday ni Exequiel?" basa ko sa mensahe nito. Imbis na magtipa ng menshae ay inirecord ko ang boses ko.


"Why y'all asking me kung anong susuotin ko? Hindi ako ang birthday celebrant!" galit na sabi ko sa voice message.


Exrielle: Woah, chill.


Marahas akong pumindot sa cellphone ko at ibinlock siya. Buti nga sa'yo.



Nagsuot ako ng kulay puting puff sleeves dress na maiksi ang manggas at above the knee ang haba, pinartner ko sa kulay puti kong sandals na di gaanong kataas ang takong. Nag-apply din ako ng kaunting liptint sa may labi at pisngi ko na lalong nagpaangat ng kulay ko.


"Wow, 'yan ba iyong kahit na ano?" sarkastikong tanong ng kaibigan ko.


Nakasuot ito ng kulay itim na long sleeve crop top na pinartneran niya ng kulay puting pencil skirt. Natawa pa ako noong makitang pagkalaki laki ng suot nitong hikaw.


"Sorry, ganda lang." mayabang kong sagot.


Niyakap nito ang sarili na para bang nilalamig.


"Pakipatay nga ang air-con niyo." giniginaw na utos nito.



Noong makababa kami ay wala na si Kein sa bahay. Baka nauna na, patay gutom pa naman 'yon.


Lumabas kami ng bahay at naglakad papunta sa bahay nila Exequiel. Napatingin sa amin ang lahat ng nandoon. Pamilyar silang lahat sa akin, tagarito ang mga 'yan. Kaklase nila Kein.


"Jo, bakit nga ba tayong nagbihis ng ganito?" nahihiyang bulong ng kaibihan ko nang makitang halos lahat ng mga imbitado ay nakasuot ng pang-bahay na damit lamang.


Lumabas ang kapatid ko mula sa may pinto ng bahay nila Exequiel na may dala dalang softdrinks. Para sa bisita siguro.


"Uy, ate! Nandiyan na pala kayo. Pasok kayo sa loob." anyaya nito. Birthday mo?


I shrugged my shoulders and flipped my hair bago naglakad papasok sa bahay nila Exequiel.


Umupo kami ni Jheloria sa may sofa nila. Malamang ay busy ang nanay ni Exequiel sa kusina. Baka naroon din ang birthday boy.


"Jo, anong regalo mo kay Exequiel?" singit ng kaibigan ko.


Regalo?


"Ikaw?" imbis na sagutin siya ay ibinalik ko ang tanong sa kaniya.


"Perfume." tipid na sagot nito bago inilabas ang regalo niya mula sa suot niyang retro bag.


Umiling ako bilang sagot sa tanong nito kanina. Alam na niya kung anong ibig sabihin no'n.


How Do We Save Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon