Chapter 18

17 2 2
                                    

“Guizon, Keen Georgina D., with High Honors."


Confident akong tumayo noong matawag ang pangalan ko. Umakyat ako ng stage at isinabit sa akin ng guro ang medalya ko. Hinawakan ko ito at hinalikan.


Thanks, G.


Tumingin ako sa kanilang lahat bago bumaba mula sa stage. Nagulat ako noong mapansing nasa may dulong bahagi na ng lugar nakatayo si Exrielle at may tulak tulak na wheelchair.


Sino kaya 'yon? Hindi ko masyadong maaninag kung sino ang nakasakay sa wheelchair dahil bukod sa malayo sila ay nakasuot ito ng bonnet at may face mask pa. Siguro ay lolo o lola niya iyon.


Nang makabalik sa upuan ay masayang masaya ako. Hinintay naming lahat na matapos ang pagbibigay ng parangal, kasama sa nabigyan ng parangal ay ang kaibigan ko. Sobrang proud ako sa kaniya.


Kumaway ito sa akin at ipinakita ang medalya niya. Siya ang naging motivator ko noong mga panahon na gusto ko ng tumigil sa pag-aaral. Nawalan ako ng pag-asa dahil puro bagsak ang score ko. Mabuti na lamang at matataas ang grado ko noong naunang quarter kaya nahila ang grades ko, kaso ay hindi ito umabot kahit sa may with Honors man lang.


Nang makatungtong kami sa last year ng pagiging isang senior high school student ay mas nagfocus ako sa pag-aaral. Nangako ako sa sarili ko na babawi ako ngayong taon. Tinulungan ako ni Jheloria na makabangon at makabawi sa lahat syempre ay hindi rin mawawala ang suporta ng pamilya ko.


Hindi ko man lang nakitaan ng kahit na anong galit sila mama noong sinabi kong hindi ako nakapasa sa finals namin. Ang sabi nila ay ayos lang naman daw 'yon dahil I did great daw lalo na noong mga nakaraang grading. Masaya ako dahil sila ang mga magulang ko.


Noong nangyari iyon ay bigla na lang akong kinausap ni Kein. Ipinaliwanag ko sa kaniya na hiwalay na kami ng kaibigan niya. Syempre nagalit siya noong una pero sinabi kong huwag sanang maging dahilan ang paghihiwalay namin para masira ang pagkakaibigan nila.


Kung ano man ang meron at nangyari sa amin ni Exequiel ay mananatiling sa amin na lamang. Hindi na dapat pang madamay ang ibang tao, hindi na rin para ituon kay Exequiel ang lahat ng sisi.


Bumalik sa ayos ang lahat. Player pa rin si Kein ng basketball pero mas naging responsable na siya ngayon. Mas inayos niya ang pag-aaral niya kahit na busy siya palagi sa training.





Nang matapos ang aming graduation ay dumalo ako kila mama at isinabit ang medalya ko sa kaniya. Sayang at isa lang ang medalya ko, wala akong isasabit para kay papa.


Pumunta naman si Jheloria sa mga magulang niya para isabit din ang kaniyang medalya.


"Jheeee, punta ka sa bahay namin!" aya ko sa kaibigan. Tumawa naman ito agad bago sumagot.


"Gaga ka! Alam mo namang may kaunting salo-salo rin sa amin."


Sumimangot naman ako at pinagkrus ang mga braso.


"Nagtatampo na ako sa'yo. Hindi mo na ata ako kaibigan."


"Arte mo, video call mo na lang ako mamaya pagdating mo sa bahay niyo."


Sinabunutan ko muna ito bago niyakap nang mahigpit. Kolehiyo na ang sunod. Handa na ba kami?


Palabas na sana kami ng area noong may kumalabit sa akin.


"Keen, pwede ka bang makausap?" seryosong tanong ni Exrielle.


"Bakit? Congrats nga pala!"


"Salamat." sagot nito at nagsalitang muli para sagutin ang katanungan ko. "Nandito siya."


Natigilan ako dahil doon. Bakit nandito siya? Para saan? Para saan pa?


"Anong kinalaman niyan sa akin?" masungit na tanong ko.


"Gusto ka sana niyang—"


"Hindi na kailangan pa." malamig kong wika.


"Saglit— may ibibigay ako sa iyong sulat." pigil niya sa akin noong amba akong aalis na.


"Galing ito sa kaniya. Basahin mo muna bago ka umalis dito. Hihintayin ka niya... Hihintayin ka namin." iniabot niya sa akin ang isang sobre. Wow. Ang dramatic ha parang sa movie lang.


"Sa bahay ko na babasahin." desisyon ko.


"Pero—" aalma pa sana siya pero buo na ang desisyon ko. Huwag ngayon. Masyadong maganda ang araw ko ngayon para masira. Hayaan muna niyang makapagdiwang ako kasama sila mama.


"Aalis na kami." paalam ko.


Hinawakan ako ni Exriele sa braso. Sinusubukang pigilan ako mula sa pag-alis.


"Keen, parang awa mo na. Basahin mo muna ang laman ng sulat."


"Kapag hindi mo ako binitawan mas lalong hindi ko babasahin ang sulat." banta ko rito.


Bumitaw ito at parang natakot dahil sa sinabi ko.





Gabi na rin noong matapos ang aming pagdiriwang, 7:00 pm na.


Humiga na ako sa aking kama at dinampot ang sulat na ibinigay kanina ni Exrielle, nagdadalawang isip pa kung babasahin ko ba iyon. Sa huli ay wala akong nagawa kundi basahin ang laman ng sulat.


Dear Keen,

   If you're reading this, either wala na ako o huling araw na para makausap kita. Nagbabakasakali pa rin ako na darating ka para makita ako. Look, tinupad ko ang ipinangako ko. Sorry, kung nasaktan kita. Sorry, kung bumagsak ka sa exam dahil sa akin. Hindi ako umattend ng completion dahil bukod sa hindi ko deserve na umakyat doon habang ikaw ay nagdurusa, ito ay dahil nasa hospital ako.

   I was ten years old noong unang beses kong malaman na may sakit pala ako. Bata pa ako noon kaya hindi ko pa alam na cancer pala ang sakit ko at hindi ordinaryong sakit lamang. Acute Promyelocytic Leukemia (APL), iyon ang sinabi ng Doktor na sakit ko. Cureable naman daw ito kaya almost 2 years ang naging gamutan ko para gumaling. Ang akala naming lahat okay na. Akala namin magaling na ako pero last year, bigla na lang bumalik 'yong sakit ko. Hindi naging matagumpay ang treatment na ginawa sa akin. Hindi ko nasabi sa'yo dahil natakot ako. Nakipaghiwalay ako dahil natakot akong maiwan kang mag-isa... hindi ko hawak ang oras ko. Lumaban ako para sa'yo, nangako ako na lalaban ako hanggang sa graduation mo dahil iyon na lang ang tanging bagay na magagawa ko para sa'yo. I wasn't able to save you sa pagkalunod.

   I love you so much. I still love you and I hope you could forgive me. Sorry, for hiding you the truth. Sorry, if you thought that it was because of my selfishness kaya hindi natin naayos ang relasyon natin. Sorry, dahil pinaramdam ko sa'yo na mahal kita tapos bigla kitang iniwan. Tama ka, it was all my mistake. If I could turn back time, hindi na lang ako makikipagkaibigan sa inyo pero hindi ako nagsisisi na minahal kita. Ayoko lang na naging dahilan ako ng failure mo.

 

   I wish I could be there when you become the person who you wanted to be. Good luck in your journey, my future Teacher.


Napahagulhol ako nang mabasa ang sulat niya. Kumaripas ako ng takbo papunta sa may dati nilang bahay pero mukhang wala pa ring tao roon.


Tama... alam ko na kung nasaan siya.


Hintayin mo ako Exequiel... hintayin mo ako...

How Do We Save Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon