Chapter 3

24 3 0
                                    

"Class dismissed." pagtatapos ng teacher namin sa lesson niya.


Nakahinga ako nang maluwag noong lumabas na ito ng room. She's a bit strict kaya hindi ko nakausap si Jheloria hanggang sa matapos siya. Kapag nahuli niya kasi na nakikipag-usap ka habang nagpapaliwag siya ay palalabasin ka niya ng classroom.


"Umuulan." dinig kong sabi ng isa kong kaklase.


Nagsimula nang gumawa ng ingay ang mga kasama ko patungkol ulan. Hiraman ng payong at sukuban ang naging sentro ng pag-uusap nila.


"Jo, may payong ka ba riyan?" tanong ng kaibigan ko.


Tumango ako sa kaniya at hinanap ang payong sa bag ko. Palagi akong nagdadala ng payong dahil tamad magdala si Kein. Sakitin pa naman siya.


"Nahanap mo na?" muling tanong ng kaibigan ko.


Umiling ako sa kaniya. Bigo na mahanap ang payong sa loob ng bag ko. Itinaktak ko na iyon pero hindi ko pa rin nakita.


"Baka naman naiwan mo sa bahay niyo?"


"Imposible, Jhe. Inihanda ko na 'yon kanina sa ibabaw ng kamay ko..." pahina nang pahina na sabi ko.


Shit! Hindi ko yata nadampot. Nakakainis naman e. Bakit ba kasi napaka-makakalimutin ko?


"Paano na 'yan? Kung hihintayin pa nating tumila ang ulan baka gabihin na tayo. Buti ikaw, kasama mo ang kapatid mo sa pag-uwi." dismayadong sabi ng kaibigan ko.


Luminga-linga ako sa paligid at umaasang may makikita na pwedeng pakisuyuan na isabay si Jheloria.


"Exrielle!" tawag ko sa pangalan ng isa naming kaklase. Medyo kilala ko siya dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Ilang lakad lang.


Gwapo naman siya at matangkad. Siya ang escort ng section namin at sa pagkakatanda ko ay naging crush siya ni Jheloria.


Parang may kamukha siya. Hindi ko lang matandaan kung sino.


"Bakit?" nagtatakhang lumapit ito sa akin.


"Pwede bang makisuyo?" maingat na tanong ko. Napangiti ako nang tumango siya.


"Pakisabay naman si Jhe kahit hanggang sa may sakayan lang. Baka kasi gabihin, eh mag-isa lang kasi siya." pakiusap ko rito.


"Gano'n ba? Sige, walang problema." nakangiting tugon nito.


Mukhang mabait din naman pala siya kahit na palagi kong napapansin na nakikipag-asaran siya sa mga kaklase ko. Mukha kasing maloko ang itsura nito.


"Yun! Salamat! Libre kita bukas ng lunch! Ingat kayo!" itinulak ko na ang kaibigan ko sa tabi niya. Kumindat pa ako sa kaniya at mukhang napansin naman iyon ni Exrielle pero wala naman siyang sinabi.


Umalis na rin agad sila sa harapan ko. Inayos ko na ang gamit ko at isinukbit ang bag ko. Natigilan ako nang biglang may naisip.


Teka— paano ko nga pala masusundo si Kein? Wala nga pala akong payong.


Lumabas ako ng room namin at chineck ang lagay ng ulan. Medyo malakas na ito pero kaya ko naman sigurong takbuhin. Inilipat ko sa harapan ko ang bag ko para kahit papaano ay maprotektahan ang sarili ko sa ulan.


Kaya ko 'to!


Pababa na ako sa huling palapag ng building namin nang sumala ang paa ko sa hagdan at nagdire-diretso ako pababa. Nakaskirt ako kaya unang sumalampak sa semento ang pwet ko. Napaaray ako dahil sa sakit nang pagkakabagsak ko.


Kapag minamalas ka nga naman talaga oh!


Naagaw ko ang atensyon ng ilang mga estudyante at naghagikhikan ang mga ito nang makita ang nangyari sa akin. May iilan akong namukhaan sa kanila. Marahil ay naging kaklase ko sila noong junior high.


Nakakahiya.


Ayokong napapahiya dahil mahina ang loob ko in public. Pinilit kong tumayo kahit sumasakit ang paa at pwetan ko. Iniangat ko ang sarili ko pero muli lang ako bumagsak sa sahig dahil mataas ang heels ng sapatos ko. Hindi ko alam kung napuruhan ba ako o sadyang hindi lang kaya ng sarili ko na tumayo dahil sa kahihiyan.


Nagsimulang manubig ang mga mata ko nang mapansin na kahit isa man lang sa kanila ay walang nagbalak na tulungan ako. Wala man lang nagkusang loob na lumapit.


Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Awang-awa ako sa sarili ko.


Sa palabas lang ba talaga may darating na tulong sa bida kapag may nangyaring masama? Sabagay, I'm just an outcast. Hindi bida. All I have is myself at the end of the day.


"Ate..." napaangat ako ng tingin nang may magsalita sa harapan ko. Si Kein.


Tinulungan ako nitong tumayo at tinanong kung ayos lang ba ako.


"Ate, ayos ka lang ba? Masakit ba ang balakang mo? Kaya mo bang maglakad?" nag-aalalang tanong ng kapatid ko. Nginitian ko lamang siya bago nagsalita.


"O-okay lang. Hindi naman masyadong masakit." medyo garalgal ang pagkakasagot ko. Iniiwasan na pumiyok dahil alam kong mas mag-aalala siya sa akin.


Inakay na niya ako paalis sa building namin hanggang sa makarating kami sa sakayan. Alam niyang ayaw ko nang pag-usapan pa ang nangyari. Alam ni Kein na kapag napapahiya ako ay ayokong tinatanong kung ayos lang ba ako dahil mas lalong nat-trigger ang emosyon ko.


Pinauna na niya akong sumakay sa loob ng tricycle bago siya sumunod.


"Ate, pasensya ka na at nahuli ako nang dating. Nanghiram pa kasi ako ng payong sa kaklase ko. Hinatid ko muna siya rito sa sakayan kaya natagalan ako sa pagsundo sa iyo." paliwanag nito sa akin.


Hindi niya naman kasalanan.


"O-okay lang. Nag-alala lang kasi ako sa'yo dahil baka maulanan ka t-tapos ay magkasakit ka pa." matapos kong sabihin iyon ay tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman ko.


Hinayaan lang akong umiyak ni Kein buong byahe. Hindi na siya nagsalita at nagtanong pa. Hinagod niya ang likuran ko bilang suporta sa akin.

How Do We Save Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon