Special Chapter

27 3 6
                                    

"Van Exequiel G. Arceo ii!" tawag ko sa aking anak nang makitang naglalandi ito ng putik sa may garden. Kinurot ko ang singit nito at pinagalitan.


"Ang sabi ko ay maligo ka na dahil pupuntahan pa natin ang Daddy mo!"


"Opo, ma!" makulit na sabi nito.


Hay! Manang mana talaga sa ama niya.





Nang makabihis na ang anak ko ay sumakay na kami sa kotse at nagdrive na ako papunta sa sementeryo. Nandoon kasi ang Daddy niya.


"Hi, hon." bati ko sa asawa ko noong maabutan ko itong nakatayo sa harapan ng isang puntod. "Kanina ka pa rito?" dagdag ko.


Tinignan niya muna ang suot ko bago tumango at binitbit si Kiel sa kaniyang braso.


"Kiel, say 'hi' to your tito." sabi ko sa aming anak.


Tumango naman ito bago masiglang nag-hi sa kaniyang tiyuhin.


Sinabi kong iwan muna nila ako saglit doon at maglibot muna sila o magstay muna sa kotse.


"Hi, Exequiel. Until now, may regrets pa rin ako dahil hindi kita napuntahan noong araw na iyon." panimula ko. Nagbagsakan na agad ang mga luha ko habang inaalala ang mga nangyari. Akala ko aabot ako.


Tumakbo ako nang mabilis noong ibinaba ako ni papa malapit sa lugar kung saan naghihintay si Exequiel. Akala ko aabot ako pero bago pa ako makarating doon ay may narinig na akong isang malakas na pag-iyak.


Hindi...


Naabutan kong nakayupyop si Exrielle sa kaniyang pinsan... na wala ng buhay.


"E-exequiel..." tumingin sa akin si Exrielle habang umiiling. 


Hindi... Hindi maaari.


Lumapit ako ay Exequiel at niyakap siya nang mahigpit.


"Love, please bumangon ka na riyan. Nandito na ako. Please." pagmamakaawa ko pero ni hindi ito gumalaw.


Nahuli ako... Nahuli ako ng dating.


Sobra ang galit ko noon sa sarili ko dahil hindi ko agad binasa ang sulat niya. Sana... sana naabutan ko pa siya. Hanggang sa huli, tinupad niya pa rin ang pangako niya.


"Ibinabalik ko na sa'yo itong jacket na ipinahiram mo sa akin noong tayo pa. Sorry at ngayon ko lang naibalik. Exequiel, kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. Malaya ka na mula sa sakit mo. Masaya na ako ngayon. Masaya na kami... masaya na kami ng pinsan mo." ibinalot ko sa puntod niya ang jacket na ibinigay niya sa akin noong First Monthsary namin.


"Alam kong sandaling panahon lang naging tayo pero gusto kong malaman mo na thankful ako dahil sobrang sarap mong m-magmahal." pumiyok na ako dahil doon. Masakit pa rin para sa akin na naging ganoon ang buhay niya. Maaga siyang kinuha sa amin. Kaunting oras ko pa lang siya nakikilala pero kinuha na agad siya sa akin. I was bound to meet him pero hanggang doon na lang 'yon. Naging daan lang siguro siya para mahanap ko kung sino talaga ang para sa akin.


"Keen, kelan mo ulit balak magmahal?" nagulat ako sa tanong ni Exrielle pagkatapos ng graduation namin. Tapos na kami ng kolehiyo.


"Hindi ko pa alam. Bakit?" naguguluhang tanong ko.


Umiling ito bago sumagot.


Matagal ko na rin siyang kilala. Hindi siya umalis sa tabi ko simula noong iwanan na kami nang tuluyan ni Exequiel. Ang sabi niya ay ibinilin daw ako sa kaniya ng pinsan niya bago pa lumala ang sakit nito.


"Wala lang. Gusto ko lang malaman para alam ko na kapag bumalik ako rito ay pwede na kitang mahalin at pwede ka pang mahalin." diretsong sagot niya.


Ako ang nasamid dahil sa tanong niya. Ano bang pinagsasabi nito? Joke time ba 'to?


"H-hindi ko alam. S-sabihin kita kapag handa na ako." he patted my head bago siya umalis. BS Criminology kasi ang natapos niya. Hindi ko sigurado kung saan siya pupunta pero sigurado ako na dahil iyon sa training nila.


Ngumiti ako habang pinagmamasdan siya papaalis. Humawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman iyon.


"Hindi ako sigurado kung kailan ako magiging handang magmahal ulit pero sigurado akong ikaw ang mamahalin ko." sabi ko sa sarili.



Pagkatapos sariwain ang mga alaala ng kahapon ay hinanap ko ang aking mag-ama. Naabutan ko silang naghaharutan sa loob ng aking sasakyan. Masaya ako habang pinagmamasdan sila.


We named our son after him. Nagulat ako noong si Exrielle mismo ang nakaisip ng pangalan na iyon para sa aming anak. Naisip ko na iyon noong pinagbubuntis ko pa lamang si Kiel pero hindi ko sinabi sa kaniya dahil baka maoffend siya. After all, may history pa rin kami ng pinsan niya.


Idinrive niya ang sasakyan niya papauwi habang ako naman ang nagdrive ng sasakyan na dala ko kasama ang anak namin.


Dumaan kami sa McDonald's para bumili ng pagkain, paborito rin kasi iyon ni Kiel. Mana talaga sa tito niya.





Umuwi na kami sa bahay at kumain. Pagkatapos no'n ay nanuod kami sa Netflix hanggang sa makatulog si Kiel.


Binuhat naman ito ng asawa ko papasok sa kwarto niya at pagkatapos ay sumunod na sa kwarto namin.


"Hon, sigurado ba tayong anak mo si Kiel at hindi anak ng pinsan mo?" pabirong tanong ko nang mahiga na ito sa aking tabi.


Palagi ko iyong itinatanong sa kaniya kapag may napapansin kaming similarities kay Kiel at kay Exequiel.


Sinamaan ako nito ng tingin at pinaibabawan. Napahalakhak naman agad ako dahil sa pagiging agresibo nito.


"Subukan mo lang sabihin ulit 'yan, bubuntisin kita sa harapan ng pinsan ko." banta niya.


"Try me." malanding sagot ko bago siya sinunggaban ng halik.


"I love you." sabi niya sa pagitan ng mga halik namin.


I love him more.


Maybe in another life, kung pareho na tayong marunong lumangoy I will no longer ask "How do we save us" to you.


But in this lifetime, I will cherished every moment I have with your cousin for he was able to saved me.


I was bound to meet and love you but I was planned to spend my whole lifetime with him.


Thank you, Van Exequiel Arceo for the journey I had with you. I hope you had forgiven me dahil hindi kita naabutan. Sorry, nahuli ako. But still, I loved you.

How Do We Save Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon