Naging mas madalas ang pagsabay ni Exequiel sa akin sa pag-uwi dahil busy pa rin sa training ang kapatid ko. Minsa ay sumasabay rin sa amin ang pinsan niya. Ayos lang naman iyon sa akin dahil medyo close na naman kami ni Exrielle.
Papunta sana akong cafeteria para bumili nang tubig nang matanaw ko ang kapatid ko at si Exequiel. Wala ba silang training ngayon? Balak ko pa sanang guluhin sila pero mas pinili ko na lang na huwag dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
"G, I think I like her. Will you punch me?" dinig kong tanong ni Exequiel sa aking kapatid. Like? Her? Sino? May nililigawan ba siya?
"Sino?" kunot noong tanong ng kapatid ko. Clueless.
Binagalan ko pa ang aking paglakad para hindi nila ako mapansin pero pinanatili ko ang distansya ko sa kanila upang marinig ko pa rin ang usapan nila.
"Georgina." mabilis na sagot ni Exequiel. Wala man lang pag-aalinlangan.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Georgina? Ako???
Kinuha na nila ang binili nilang tubig at umalis na agad. Hindi nila ako napansin dahil nasa likuran nila ako at nasa gilid ang exit ng cafeteria.
Hindi na nawala sa isipan ko ang narinig hanggang sa makabalik ako sa room namin. Tama ba ang narinig ko? Ako ba ang tinutukoy niya? He likes me?
"Kein, may gusto ba sa akin ang kaibigan mo?" direktang tanong ko kay Kein nang pumasok siya sa kwarto namin.
"Why don't you ask him yourself?" nakangising suggestion ng kapatid ko.
"May number ka ba niya?" matapang na hamon ko.
"Pag-ibig na ba 'yan?" pang-aasar nito.
Inirapan ko siya at iniabot ang telepono ko. Hindi naman siya nagdalawang isip na ilagay doon ang numero ng kaibigan niya.
"Sigurado ka bang number niya 'to?" paniniguro ko. Mahilig pa naman sa kalokohan ang isang 'to. Baka mamaya ay kung kaninong number na pala ang ibinigay niya sa akin at mapahamak pa ako sa huli.
"Text mo para sure." sumibol ang mapanlokong ngiti sa labi nito. Sinusubukan talaga ako ng batang 'to.
"Siguraduhin mo lang na number niya 'to. Tatamaan ka talaga sa akin kung hindi." banta ko sa kaniya at humiga na ulit sa kama ko. Tumango tango lang ito at lumabas na ng kwarto.
Humanda ka lang sa akin kapag pinagtitripan mo ako. Isusumbong ko kay Khane na may gusto ka sa kaniya. Akala niya siguro ay hindi ko nahahalata.
To: Bungol
hilu po, sir,,, gud eve p... oki n po ang ordir nio na dildo... ridy 2 dliver n po bkas...Tawa ako nang tawa habang paulit-ulit na binabasa ang isinend ko na message sa kaniya. Nakita ko lang ito sa fb kaya ginaya ko na rin. Lumipas muna ang ilang minuto bago ako nakatanggap ng reply sa kaniya.
Ang tagal magreply. May kausap na iba?
From: Bungol
Okay, pakideliver na lang dito sa bahay bukas. Iniwan ko na sa nanay ko ang pang-bayad.Napanganga ako nang mabasa ang reply niya. What the??? Mabilis akong nagreply sa kaniya.
To: Bungol
Wtf? Are you gay?Napamura rin ako dahil doon. Andaming malalaswang bagay ang pumasok sa isip ko.
Is he a gay? I mean there's nothing wrong with being gay pero hindi ko lang maisip na maaaring bakla pala siya. Baka totoo nga ang sinabi ng kapatid ko na boyfriend niya ang isang 'to?
From: Bungol
Textmate now. Are we?My lips parted because of his reply. Shit! Alam niya kung sino ako.
Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa no'n ang aking kapatid. Nakangisi ito sa akin. Kahit wala pa siyang sinasabi ay alam ko na kung para saan ang ngising iyon.
"Gregoriooooo!" isinigaw ko ang pangalan nito dahilan para kumaripas ito nang takbo papalabas ng kwarto.
To: Bungol
Usap tayo bukas."Anong pag-uusapan—"
"I like you." putol ko sa kaniya. Hindi totoo iyon. Siguro??? Ah basta! Gusto ko lang siyang paaminin kung ako ba ang tinutukoy niyang Georgina.
"I know." sagot niya. Ang yabang.
"Iyon lang? Wala man lang 'I like you too?'" hindi makapanilawang tanong ko. Akala ko ba?
"Wala." malamig na sagot nito.
"Bakit? I heard you, ang sabi mo gusto mo ako." I retorted. Tinignan ko siya sa may mata. Sinusubukang basahin ang iniisip niya.
"I said what I said." tipid na sagot nito at umiwas ng tingin.
Humanap ako ng salita na pwedeng sabihin o itanong sa kaniya ngunit tanging 'ah' lamang ang lumabas sa bibig ko bago tuluyang iwanan siya.
Nakakahiya. Sana hindi na lang ako umamin. Ano ha naman kasing naisipan mo at sinabi mo iyon, Georgina? Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang Georgina sa mundo.
BINABASA MO ANG
How Do We Save Us
Novela Juvenil(Save Duology Book 1) She wants to have a good grade. He wants to live a normal life. They never liked each other until faith played with them. How would these two people with very different personalities deal with their growing feelings for each...