Chapter 4

17 3 0
                                    

Nang makauwi kami ay kahapon ay pinagpalit agad kami ni Mama ng damit. Iisa lang ang kwarto namin ni Kein pero magkahiwalay ang kamay at gamit namin. Siya na ang pinauna kong magbihis dahil mahina ang resistensya niya pagdating sa ulan.


"Kumain na po kayo, Ma?" malambing na tanong ko sa aking ina noong makasalubong ko siya sa baba.


"Oo, nak. Sumabay na rin sa amin ang kapatid mo kanina dahil may training pala siya ngayon." malumanay na sagot nito.


Basketball player si Kein sa eskwelahan namin. Nahiligan niyang magbasketball noong grade 6 siya hanggang sa sumali na siya sa mga try-outs noong tumungtong siya ng highscool. Suportado naman namin siya basta ay huwag niya lang pababayaan ang marka niya. Minsan ay nakakalaro ni Kein si Exrielle sa may court, dito sa may subdivision namin.


"Umalis na po siya?" muling tanong ko.


"Kanina pa nakaalis noong natutulog ka pa lang. Ibinilin rin pala niya na ikaw na raw ang magsauli ng payong na hiniram niya sa kaklase niya." sagot niya na ikinabigla ko.


Bakit ako? Hindi naman ako ang nanghiram.


"Po? Bakit po ako?" naguguluhang tanong ko.


Pwede namang siya na ang magbalik dahil dadaan din naman siya sa classroom nila? Or he could've been asked one of his classmates a favor.


"Iaabot na nga raw niya sana kanina sa kaklase niya dahil malapit lang naman daw ang bahay rito kaso mukhang tulog pa raw."


"Sinong po bang kaklase?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Mama.


"Exekiel ata ang pangalan. Basta 'yon ang dinig ko. Ang sabi pa niya ay kilala mo na raw iyon at naipakilala na sa inyo. At isa pa, pinsan raw iyon ni Exrielle." hindi siguradong sagot ng aking ina.


Exequiel po 'yon, Ma. Boyfriend po ng anak niyo. Oh? Bakit? Boyfriend naman kasi talaga ang pakilala ni Kein sa amin, duh.


"Po?" hindi makapaniwalang tanong ko.


Magpinsan pala sila ni Exrielle?


Kaya pala medyo magkatunog ang pangalan nila. Hindi ko naman kasi alam na Arceo rin ang apelyido ng mokong na 'yon.


"Georgina, ang dami mong tanong. Paulit-ulit na ako rito, maglinis ka nga ng tenga mo." inis na sabi ni Mama bago kinuha ang walis at nagpatuloy sa paglilinis sa loob ng aming bahay.


Dumiretso na ako sa kusina at kumain mag-isa.


Sorry ah, ito lang ako sana hindi na lang ako ipinanganak.


Noong matapos na akong kumain ay naligo na ako at nagpaalam na sa aking ina.


"Ma, alis na po ako." I told her as I kissed her on the cheeks.


"Isarado mo ang gate, 'nak." bilin naman nito sa akin bago ako lumabas ng bahay.


Isinarado ko ang gate at dumiretso na sa sakayan. Ang init.


"Manong, school po?" magalang na tanong ko sa driver.


May iba kasing pumipila rito pero hindi naman naghahatid sa school. Kesyo traffic raw at kung ano pang ibang dahilan.


"Sakay na, ineng, at nang makalarga na tayo."


Ngumiti ako sa driver at pasakay na sana sa loob ng tricycle ngunit bago pa ako makapasok ay may lumabas na mula rito.


Nagulat ako dahil sa bilis nang pangyayari. Muntikan nang magka-untungan ang mga ulo namin mabuti na lamang ay itinulak niya ang noo ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil doon.


Masakit 'yon ah! Medyo napalakas kasi ang pagkakatulak niya sa ulo ko.


"Saglit!" I held his wrist and he looked puzzled. "May ibibigay ako sa iyo." binuksan ko ang bag ko at hinanap doon ang bagay na ibabalik ko, ngunit hindi ko makita.


Ah, shit. Here we go again.


"Uy, Keen!" tawag ni Exrielle mula sa loob ng sasakyan. Naroon pala siya?


Imbes na sagutin ang kaklase ko ay tumingin ako kay manong at humingi ng pabor.


"Manong, saglit lang po. May babalikan lang po ako sa bahay. Mabilis lang po." pagmamakaawa ko sa driver.


"Oh siya, bilisan mo ineng at nang makaalis na tayo agad." he looked annoyed.


Iniwan ko kay Exequiel ang bag ko nang walang pasabi at mabilis na tumakbo pabalik sa bahay. Malapit lang naman ang bahay namin mula rito pero nakakapagod pa rin dahil maaga pa at wala pa akong masyadong lakas.


Kung hindi ba naman ako isa't kalahating tanga.


"Oh, 'nak? May nakalimutan ka?" maagap na tanong ni mama nang makita akong humahangos papasok ng bahay.


"Iyong payong, ma?" balik tanong ko.


"Ah, oo. Nandoon sa may gilid ng sapatusan."


Umakyat agad ako sa taas at hinanap ang payong. When I finally saw it, I picked it up and ran away from our house again.


"Kuya, tara na po!" sigaw ko sa driver nang makabalik ako.


Iniabot ko kay Exequiel ang payong niya at binawi ang bag ko.


"Ito pala ang payong mo. Salamat." I said as fast as I can because I don't wanna have conversation with him. I'm still pissed for what he did to me last day.


Nginitian ko si Exrielle nang makasakay na ako sa loob ng sasakyan. Sigurado ako na kaya lumipat si Exequiel ay para pumwesto sa likuran ng driver.


"May panyo ka?" nakakunot ang noo na tanong ng katabi ko.


"Bakit?" nakanunot din ang noo na balik tanong ko sa kaniya.


"Akin na." hingi nito sa akin sabay lahad ng palad.


"Aanhin mo ba? Wala ka bang panyo?" naguguluhang tanong ko.


"Pupunasan ko 'yang pawis mo. Ang lagkit mo tapos ay dumidikit ka pa sa akin." nakangising sabi nito. May halong pang-aasar. Mag-pinsan nga talaga sila.


"Arte mo, panget ka naman." inis na sagot ko sa kaniya pabalik.


"Really, huh? After I did you a favor." he said cooly.


"Oo na, oo na. Sumabay ka sa amin mamayang mag-lunch, libre ko." pagsuko ko.


"Sure." nakangiting sagot nito sa akin.


Inirapan ko siya. Whatever.

How Do We Save Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon