Ilang araw nang namumugto ang mga mata ko. Kapag tinatanong ako nila mama ay sinasabi ko na lamang na dahil lang ito sa school works. Halos hindi rin ako nakapagreview noong weekends dahil palaging sumasakit ang ulo ko kakaiyak.
Noong tinanong ako nila mama kung bakit hindi na nila nakikitang dumaraan si Exequiel sa bahay ay hindi na lang ako sumagot. Siguro ay nakuha na rin nila iyon.
Hinihintay ko pa rin na imessage ako ni Exequiel pero hindi iyon nangyari. Hindi ko nga alam kung may balak pa siyang kausapin pa akong muli. Gusto kong puntahan siya sa bahay nila pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
Nagulat si Jheloria nang makitang namamaga ang aking mga mata. Tanong ito nang tanong kung bakit ganoon ang mga mata ako. Sinabi ko na lamang na umiyak ako dahil sa hirap nang pagrereview. Ayokong sabihin sa kaniya. Hindi pa ngayon. Hindi pa ngayon dahil baka pati siya ang maapektuhan.
"Nakapagreview ka ba nang maayos?" nag-aalalang tanong nito.
"Ayos lang naman." malayo sa tanong na sagot ko.
Hindi ko rin alam kung sapat na ba ang mga nareview ko. Kinuha ko muna ang notes ko at nagreview habang hindi pa nagsisimula ang klase pero kahit paulit ulit kong basahin ang mga nakasulat doon ay halos hindi pumapasok sa utak ko.
"Okay, class you may sit down. Let's start your examination. And, take note na finals na ito. Kapag hindi kayo nakapasa rito ay malaking hatak ito sa grado niyo kaya umaasa akong napaghandaan niyo itong mabuti." sabi ng teacher namin.
Kinabahan ako dahil sa sinabi niya. Kaya ko 'to! Maipapasa ko 'to! Matatandaan ko naman siguro ang mga naging lesson namin kapag nabasa ko na ang nga tanong.
Natapos ang dalawang araw na examination namin. Sa pangatlong araw ay nagcheck lang kami ng mga papel ng ibang section. Hindi raw pwedeng kami ang magcheck ng papel ng section namin dahil baka may magbago ng sagot at isa pa, surprise daw dapat ang magiging score namin.
Friday noong i-dinistribute na sa amin ang test papers namin sa bawat subject. Narinig ko na ang sigaw ng iba kong kaklase dahil pumasa sila. Gaya nang nakagawian naming dalawa, pinagpalit namin ang test papers namin para makita ang score ng isa't-isa. Ginagawa rin namin iyon dahil madalas kaming kabahan sa magiging score namin.
Napatalon ako noong nakitang halos lahat ng score niya ang perfect! Matalino talaga ang kaibigan ko.
Napatingin ako sa kaniya at handa na sanang sabihin ang magandang balita pero parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya.
"J-jo..." garalgal ang boses na tawag niya.
Napangiti ako nang mapait. Inaaasahan ko na ito. Pinagpalit ko na ulit ang mga papel namin at tinignan ang mga score ko.
Inaasahan ko na ito kaya dapat ay hindi na ako ma-disappoint pa. Alam ko naman na ganito ang mangyayari pero hindi ganitong kalala. Umasa ako kahit papaano, umasa ako na kahit kaunti ay baka makakuha ako ng mataas na score dahil nag-aral pa rin naman ako.
Lumapit sa akin ang kaibigan ko at niyakap ako nang mahigpit. Humagulhol ako sa harapan niya, hinagod niya ang likuran ko.
"H-hindi ko alam kung paano ito sasabihin kila mama. Natatakot ako, Jhe. N-natatakot ako. Hindi ganito ang inaasahan ko noong tumungtong ako ng senior high. Ang sabi ko magtatapos ako nang napapanatili ang posisyon ko. Matatapos ko ang unang baitang ng senior high na may uwing karangalan." sabi ko sa kaniya sa pagitan ng aking paghikbi.
Dahil sa unang pagkakataon... sa pinakaunang pagkakataon...
Tinignan kong muli ang mga score ko, nagbabakasakaling magbabago ang mga iyon.
Tinawagan ko agad si Mama para sabihin ang naging resulta ng test namin.
“M-ma... hindi ko po naipasa.” iyon lamang ang sinabi ko at pinatay na ang tawag. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanila. Paano ko na lang ipapaliwanag kung bakit gano'n ang mga nakuha kong score?
Kinuha ko ang test papers ko kahit basang basa na ito ng mga luha ko at lukot lukot na. Itinabi ko ito sa aking bag at lumabas na sa aming classroom.
Kakausapin pa sana ako ni Exrielle noong makita umiiyak ako pero hindi ko na siya pinag-aksayahan pa ng panahon. Hindi na niya kailangang malaman pa.
Inipon ko ang lahat ng sama ng loob ko at inilabas iyon sa pamamagitan ng pag-iyak.
Bumagsak ako. Bumagsak ako at ang pinakamasakit doon at naibagsak ko ang lahat ng test namin para sa buong quarter.
Ang bobo ko.
BINABASA MO ANG
How Do We Save Us
Teen Fiction(Save Duology Book 1) She wants to have a good grade. He wants to live a normal life. They never liked each other until faith played with them. How would these two people with very different personalities deal with their growing feelings for each...