"Kein, naasikaso mo pa ba ang pag-aaral mo? Baka puro 'yang bastketball na lang ang pinagtutunan mo ng pansin." iyon ang naging usapan namin habang kumakain.
Nakatungo lang ako habang pinag-uusapan ang tungkol sa sports ni Kein.
Pansin ko rin kasi na halos nasa basketball na ang focus ng kapatid ko. Hindi na niya nga ata nagagalaw ang notebooks niya. Hindi naman siya ikinukumpara nila mama sa akin kahit gano'n, alam nila na ginagawa ni Kein lahat para mabalance ang dalawa kaso ngayon ay mukhang naliligaw na siya.
"Sinusubukan ko naman pong pagsabayin kahit mahirap." tipid na sagot ng kapatid ko.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka babagsak dahil titigl ka talaga sa pagb-basketball mo." si papa na ngayon ang nagsalita. Naiintindihan ko rin naman na concerned lang sila sa kapatid ko.
Tumango lang si Kein at tinapos na ang pagkain niya.
Tama pa ba ang ginagawa niya? Tama bang pinayagan namin siya para gawin ang gusto niya kung napapabayaan niya naman ang pag-aaral niya?
Bago kami umalis ng bahay ay kinompronta ko ang kapatid ko.
"Kein, pumapasok ka pa ba?" diretsong tanong ko. Hindi ko na inisip kung maooffend ko ba siya.
"Pumapasok nga ako. Bakit ba ayaw niyong maniwala?" inis na sagot nito.
"Nag-aalala lang kami sa grades mo. Tinatanong ko rin kay Exequiel kung nakakapasok ka pa. Ganiyan ba talagang kahigpit sa inyo? Okay lang kahit mapabayaan na ang academic?" curios na tanong ko.
Nasubukan kong magtry-out sa badminton at volleyball pero hindi ko pinush dahil mas gusto kong makapagfocus sa pag-aaral.
Hindi ko alam na gano'n palang kahirap 'yon, to the point na bibigyan ka nila ng passing grade kahit parang wala ka namang natututunan. Privileged ba 'yon or hindrance para sa kinabukasan mo?
Hindi ako sinagot ni Kein at nagdire-diretso na ng lakad. Napikon yata sa akin.
Nakita ko ang grades niya last quarter, pababa nang pababa. Tinatanong ko nga palagi kay Exequiel kung pumapasok pa siya pero ang sinasabi nito ay halos hindi na raw. Siguro ang teacher na rin ni Kein ang kumausap kila mama.
"Kiel, mauna ka na sigurong umuwi sa akin mamaya o huwag mo na akong palaging hintayin na umuwi. Siguro huwag na rin muna tayong magsabay kumain kasi sobrang hassle talaga para sa akin. Sasabay na lang ako sa groupmates kong kumain." bilin ko sa nobyo ko.
Kaming dalawa na lang ang nagkakasabay maglunch dahil sa court na kumakain si Kein kasama ang teammates niya. Si Jheloria naman ay sumasama na sa pagkain ng mga kagrupo niya para matapos na nila ang ginagawa nila, gano'n din ang ginagawa ni Exrielle.
Nahihirapan na rin kasi akong palaging nahahati ang oras ko sa school pati sa kaniya. Ayoko rin namang palagi kaming magkasama pero nasa groupings and tasks ang isip ko.
"Ako na lang ang magdadala ng pagkain mo para hindi na hassle ang pagpunta mo rito sa cafeteria." he suggested.
Hayst. Mas lalo tuloy akong nag-guilty kasi parang tinetake for granted ko na ang kabaitan ng boyfriend ko.
"Huwag na nga, okay lang ako. Makisabay ka na lang sa iba mong kaklase sa pagkain para may kasama ka pa rin kahit wala kami." umiling ako.
"Wala akong close sa kanila." pagod na sagot niya.
"Makipagclose ka sa kanila habang hindi pa tayo nagkikita. Oras na rin siguro para maghanap ka ng ibang makakasama, nagiging dependent ka na kasi sa akin, sa amin."
Tinignan niya lamang ako at hindi sumagot. Ayoko ng paraan kung paano niya ako tignan, parang may ibang ibig sabihin.
"Hindi naman sa pinapalayo kita sa amin. Sinasabi ko lang 'to para magkaroon ka ng mga bagong kaibigan dahil hindi sa lahat ng oras ay nandiyan kami para sa'yo. Kagaya ngayon." pagod kong paliwanag.
Gusto ko pa sanang idagdag na magkaiba kasi kami ng grade level kaya nahihirapan din akong magadjust para sa kaniya kaso ay mas pinili kong huwag na lang sabihin. Alam kong mas mag-aalala siya.
Mas doble kasi ang hirap namin kumpara sa kanila. Mataas ang expectation sa amin, kapag hindi namin na-meet 'yon, nagiging disappointment kami para sa lahat.
Palagi ko na lang naririnig na 'ganito lang kami', na 'ang dali lang ng strand namin' kahit hindi naman talaga nila alam kung ano ang paghihirap na kinakaharap namin para lang ma-prove na hindi kami gano'n, na mas higit kami do'n, na magagaling din kami sa ganitong bagay.
"Okay."
Pagkatapos no'n ay hindi na siya nagsalita kahit noong umalis na ako.
Ako ba ang mali?
BINABASA MO ANG
How Do We Save Us
Teen Fiction(Save Duology Book 1) She wants to have a good grade. He wants to live a normal life. They never liked each other until faith played with them. How would these two people with very different personalities deal with their growing feelings for each...