Chapter 33

76 6 2
                                    


In Love



"Naku iha kumain ka lang ng kumain ha... Special na niluto ko iyan adobong manok, nag handa talaga ako kasi sinabi sakin ni jhon na dadalhin niya Ang jowa niya dito, di naman niya sinabi na sobrang ganda ng Mahal niya at anak mayaman ata, iha? Ok okay lang ba Ang mga niluto ko? Baka Hindi ka sanay sa mga pang mahirap na Pag-"

"Naku po! Paborito ko po Ang mga niluto niyo, miss ko na po Ang mga lutong pinoy, sigurado po Akong masasarap po ito lahat, dahil katakam takam na po Ang mga ito" tanging dabi ko dahil marami ng sinasabi Ang nanay ni jhon, Ang bait nga niya, maswerte si jhon dahil may nanay siyang napaka alalahanin at hospitable

"Naku salamat iha... Pasensiya nat kaunti lang Ang hinanda ko ... Kulang kasi ako sa pera ngayon, alam mo na mahi-"

"Ehem...Nay kain na po tayo, paniguradong gutom na si Olivia nay, at sure naman po Akong magugustuhan niya Ang mga niluto niyo" putol ni jhon sa mga sinasabi ng nanay niya at nginitian niya Ang nanay niya

"Salamat sa pahanda niyo nay, nag effort pa po talaga kayo" tsaka ko siya ningitian at kinuha Ang tinidor at nag sandok ng pag kain ng biglang pumikit Ang nanay niya kaya dali dali Kong binalik Ang kanin at inayos Ang pinggan at kutsara ko para sa panalangin

Binukas ko Ang kanang mata ko at tinignan si jhon na nakaka titig sakin habang may ngiti sa labi kaya sinamaan ko siya' ng tingin at sinipa Ang paa sa ilalim ng mesa kaya mas lalong lumaki Ang ngiti niya! Kaya pumikit ako muli bago ko narinig Ang sinabi ni nanay

"Amen!" Pagtatapos ni nanay sa dasal, para Akong di nakapag dasal nun ah...

"Kain na tayo mga anak!" Tsaka niya kami nilagyan ng kanin sa pinggan Namin na sinabihan naman ni jhon Ang nanay niya na ok lang kami na kaya naman Namin kaya ngumisi lang si nanay at ipina ubaya na samin Ang Pag sandok ng kanin tsaka kami tinititigan habang naka ngiti

"Bagay kayong dalawa magagandat gwapo!" Compliment pa nito samin na nag papula sa magkaliwang pisngi ko

"O siya siya'! Kumain ng marami!"

Tinignan ko Ang mesa may tatlong putahi tinola, adobong manok, at Isang pagkain na kulay pula

"Ano po ito?" Tanong ko Kay nanay habang naka ngiti, tinutukoy ko ang pulang putahi

"Ahh skabetching daing iyan! Specialty ko iyan! Masarap iyan, di ka pa nakaka tikim niyan? Tikman mo iha!" Tiyaka siya' tumayo at nilagyan Ang pinggan ko

"Salamat po" ningitian ko siya' ng malaki bago kinuha Ang kutsara at nilagyan ng daing na may pulang sabaw, tinignan ko si jhon naka titig ito sa akin nag aabang sa reaksiyon ko

Nang sinubo ko na dahan dahan Kong ninamnam Ang pagkain

"Ano masarap ba iha?" Interesadong tanong ng nanay ni jhon

"Ah... Matamis po! Tapos maalat Ang isda hehehe" masarap namang pero di ko type Ang isda

"Naku! Daing iyan iha, maalat talaga ang daing ano masarap ba?"

"Naku po! Masarap po! Salamat po" tsaka ko siya' ningitian ayaw Kong madiscourage o malungkot si nanay sa ni luto niya, masarap naman talaga di ko lang tipo iyong lasa

"Naku Mabuti namang Kung ganun! Sige tikman mo Ang Ibang putahi" tsaka niya uling ningitian at nag simula narin siyang kumain at nang tinignan ko si jhon naka titig ito sa akin habang ngumunguya ng pagkain

Kinuha ko Ang adobong manok at pinili ko nalamanng ito bilang ulam ko at nilagyan ng sabaw Ang kanin ko, sabaw ng tinola

Nang tapos na kaming kumain kumuha ng panghimagas si nanay kaya natuwa ako kasi may dessert,  I like desserts! Ang bait ni nanay, talagang pinag handaan niya Ang araw na ito, nang kaming dalawa nalang ni jhon Ang natira sa mesa tiningnan ko siya' at nahuli ko itong naka titig sa akin

The Gap Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon