****Pasensya ngayon lang nakapag-update. Nawala kasi bigla tong chapter na to eh :')
Enjoy Reading Guys :')
***************
" Moment of Truth Part 2 "
- Shayne's POV -
11:30 am na ako bumangon sa pagkakatulog. Maaga pa nga yan kung tutuusin sa usapan namin ni Kris na after lunch. Kulang kulang na isang oras ang byahe papunta sa kanila. Nawala na naman pati ang hang over ko kaya naman kinuha ko agad ang towel ko na nasa rack at pumasok sa banyo para maligo.
Habang nagsasabon ako ng katawan ay biglang may pumasok na mga katanungan sa isipan ko.
" Matatanggap ko kaya ang lahat ng paliwanag niya? Kaya ko pa kaya siya patawarin pagkatapos ng ginawa niya sa akin? "
Paulit ulit na umiikot sa isipan ko ang mga katanungang iyan. Makukuha ko din ang sagot kapag nagkita na kami kaya naman, binilisan ko na ang pagligo. Kumuha ako ng damit sa closet ko. Simpleng tshirt lang na flower printed at maong pants ang sinuot ko at sabay kuha sa sling bag ko at lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Mama na nasa kusina at abala sa pagluluto. Agad ko siyang nilapitan para halikan sa pisngi at makapagpaalam na rin.
" Mama, aalis na muna ako. Mag-uusap muna kami ni Kris. " Sabi ko kay Mama after ko siyang halikan sa pisngi at pumunta sa dining table para kumain. Nakaramdam na kasi ako ng pagkagutom at kailangan ko din ng energy para mapaghandaan ko na din ang pwedeng mangyari mamaya.
" At bakit ka naman pupunta kina Kris? Gawain ba yan ng mga babae ha? "
Parang kilala ko ang boses na iyan! I thought nasa ibang bansa at inaasikaso ang business namin pero tama ba yung narinig ko?
" P-papa? " Sabi ko na napanganga sa taong kaharap ko ngayon na nagbabasa ng dyaryo.
" Yes, anak! " Sabay baba ng dyaryo na hawak hawak niya. Halos lumundag ang puso ko nang makita ko si Papa. After 2 years nakauwi narin siya. Sobrang namis ko ang papa ko.
" Kelan pa kayo umuwe, pa? " Ipinagpatuloy ko ng kumain.
" Hindi ka pa din nagbabago, anak. Ang hilig mo pa din ibahin ang usapan. Kanina lang umaga. Bakit ka nga pupunta kina Kris? Lalaki dapat ang pumupunta sa bahay ng babae hindi yung ikaw mismo ang pupunta! "
Paano ko nga ba sasabihin kay Papa na wala na kaming dalawa? Botong boto pa naman si Papa dito kay Kris. Baka kapag sinabi ko ang katotohanan, ipagpilitan niyang magkabalikan kami. Haist! Ayaw ko naman madismaya si Papa sa akin pero ano pa nga ang magagawa ko?
" Papa. . Matagal na kaming hiwalay ni Kris. 6 months ago pa ang nakakaraan. " Pagkasabing pagkasabi ko niyan ay yumuko ako ng bahagya para tapusin ang pagkain. Ayaw kong ipahalata kay Papa na kahit nakamove on na ako sa break up namin, nandon pa din ang pain at panghihinayang.
" Gagawa ako ng paraan para magkabalikan kayo! Kung ano man iyang naging dahilan ng break up niyo, napakababaw niya para gawin yun sayo, anak! Hinding hindi ako makakapayag na saktan na lang niya ng ganito ang anak ko. " Halos pasigaw na niya itong sinabi sa akin.
" Huwag niyo na po gawin iyan! Tanggap ko na pati na wala na talaga kami at masaya na ako ngayon. May bago na akong iniibig pa pero ayaw ko muna ipakilala ito sa inyo ngayon. Gusto ko muna makasiguro na tama ang taong pipiliin ko. " Sabay baba ng condiments sa table at tumayo.
" Pero anak -- " Narinig ko ng sigaw ni Papa. Nag-umpisa na akong maglakad palabas ng bahay.
" Sige po, alis na muna ako. " Pahabol kong sabi. Nagtuloy tuloy na akong lumabas ng bahay. Sa panahon ngayon, ayaw ko muna madagdagan ang iisipin ni Papa. Dapat abalahin niya muna ang kumpanya pero nakakapagtaka naman na napaaga uwi ni Papa. May problema kaya sa kumpanya?
YOU ARE READING
Thanks For The Memories (Completed)
RomanceAno gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gagamitin mo lang ang isa para maging panakip butas?